"Pa'no nga sila?" Nawala ang ngiti ko sa biglaang tanong nito. Kanina pa nga ako naiinis, ipinapaalala pa talaga.

Napairap na lang ako. "Don't mind them. Ayaw nga nilang mag swimming diba kaya for sure hihindi din sila kapag sinama pa natin sila." Ani ko.

"Okay.." sabi nito na tila sumasangayon sa akin.

Hinila ko ito hanggang makarating kami ng cabin. Pagdating namin sa cabin ay wala pa din kaming naabutan na tao sa loob ng kwarto. Nasaan na kaya ang dalawang yun? Kapag may nangyaring masama sa kanila ako ang malalagot kay Tita.

Aish.

"Magpapalit muna ako ng two piece Sanji." Ani ko.

"Okay."

Pumasok ako sa loob ng kwarto namin at hinanap ang backpack ko, tsaka kinuha ang two piece ko. Magpapalit ako dahil feeling ko ay mas maganda at bagay sa akin ang black two piece.
Pumasok ako ng comfort room tsaka nag palit. Nang matapos na ako ay inayos ko lang ang ipit ng buhok ko. Nag messy bond ako dahil mas bagay sa akin iyon.

Nang matapos na ang lahat ay lumabas na ako. Naabutan ko si Sanji na nakaupo sa kama, tulala.

"What are we going to do first?" Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang bumalik sa ulirat dahil sa tanong ko.

"Kayak!" she excitedly

Mas excited pa talaga sya sa akin. Pero parehas naman kaming excited mas energetic nga lang sya. Parang kanina ay wala sya sa sarili. Pagkabalik niya ni Zyron mawawala na naman yan sa sarili niya.

Nang makalabas kami ng cabin ay agad kaming pumunta sa tabing dagat. Nakasuot nga pala kami ng blazer. Paro kahit ganon ay hindi showy ang balat namin dahil manipis lang ito.

Lumapit kami sa mga lalaking tagabantay ng Kayak. Kahit nahihiya ay lumapit pa din kami dahil ginusto naman namin ito.

"Kuya, sa inyo po itong kayak?" Tanong ko.

Nasa likuran ko si Sanji.

"Yes po maam." Sagot ng isang lalaki.

Sila yung mga bantay dito. Mukha naman silang mabait at ka respe-respeto. I don't see anything bad in their eyes, the way they looked to us is normal. Walang kamayakang halo ang tingin nila sa amin.

"How much po ang bayad?" I asked.

"500 lang po iyan per head maam, 30 minutes."

Mura lang pala.

"Sige kuya 2 rides kayak po kami." Sabi tsaka nag smile.

Mukhang tuwang tuwa naman sila. Napansin ko kasi kanina ay matamlay sila habang naghihintay ng magiging customer. Maybe konti pa lang ang nagiging customer nila?

"Maam meron po ba kayong dalang phone? Pwede po namin kayong picturan, kasama na po kasi iyon sa bayad sa pagsakay sa crystal kayak. Kung gusto nyo lang naman po. Mga bihasa na po yang mga mamangka na iyan kaya 'di po kayo mag sisisi." Mahabang paliwanag nito.

"Wow, ito yung nakikita ko sa social media Demi!!" Gigil na anya ni Sanji sa gilid ko. Tuwang tuwa ang gaga.

Tsaka ko lang na realized na wala pala akong dalang pera. Nakakahiya nagtanong agad ako.

"Ganun po ba. Ah..teka po, hindi ko po pala dala ang pera ko." Awkward akong ngumiti. "At.. ang cellphone ko din po, ahm babalik na lang po kami."

Nakakahiya naman 'to.

Ngumiti lang si kuyang lalaki. "Sige po maam. Antayin po namin kayo dito."

Kita ko din ang patawa ni Sanji sa akin.

Acucena Series 1: Remedy Of PastWhere stories live. Discover now