Chapter 27: Run in the Rain

348 13 5
                                    

Third Person

Nagmamadaling naglakad palabas ng subdivision si Mariella.

Iniwan niya ang anak ng walang pasabi sa bahay ng tunay nitong mga magulang...

Alam niyang labis na masasaktan ang anak sa ginawa niya.

Nang marating na niya ang gate ng subdivision, tinext niya si Liza at nagbitaw ng mga salita.

"Ma'am, patawarin niyo ako ni Sir Bongbong kung hindi na ako nagpaalam sa inyo... Patawad kung iniwan ko na siya dyan sa inyo ng walang paalam sa kanya... Mas mabuti nang umalis ako kaysa sabihin ko sa kanyang iiwanan ko na siya sa inyo... Kayo na po ang bahala sa kanya..."- at sinend niya ito.

Naglakad na siya palabas ng gate at nag-abang ng masasakyan.

Iniisip niya na kung ipapaalam niya sa anak ang katotohanan, magpupumilit itong sumama sa kanya.

Kaya iyon ang paraang naisip niya. Ang magpanggap at tuluyang iwan ang anak sa bahay ng mga magulang nito.

As she enter a taxi, dinial niya ang number ng anak upang tawagan at ipahayag ang katotohanan.

----------

Nang matanggap ni Liza ang text mula kay Mariella, agad niyang ipinabasa iyon kay Bongbong.

Samantala, si Julianne naman ay tahimik na nakatutok sa kanyang cellphone.

Labis ang pagkagulat ng mag-asawa sa ginawa ni Mariella dahil sa pag-alis niya.

Nagkatinginan ang mag-asawa na tila nagtatanungan sa kanilang mga isip.

Hanggang sa marinig nilang tumunog ang cellphone ni Julianne.

"Huh? Tumatawag po si Mama..."- sabi ng dalaga at tumingin sa mag-asawa.

Medyo nagtataka si Julianne kung bakit tatawag ang ina sa kanya gayong ang punta nito ay sa banyo.

Sinagot niya ng tawag nang hindi tumatayo mula sa kinauupuan.

"Mama? Ba't ka po tumatawag? Nasa CR ka ba?"- tanong niya.

Hindi agad na nagsalita si Mariella, bagkus ay humugot ito ng hininga bago magsalita.

"Anak... Julianne... Makinig ka sa akin... Matagal na panahon na rin noong huli kitang binigyan ng regalo diba?"- marahang napatingin si Julianne sa mag-asawa at muling bumaling ang tingin sa cake na nasa mesa.

Magkahawak kamay sina Bongbong at Liza habang pinagmamasdan ang anak.

"Hmm opo... Siguro 18 years old po ako noon nung huli niyo akong binigyan ng regalo..."- at bahagyang nanlaki ang mga mata ni Julianne nang may marealize.

"Teka Ma? Asan ka ba? Lumabas ka ba? Bibili ka ba ng regalo?"- napahawak sa handle ng upuan si Julianne.

"Anak... Nandyan na ang regalo ko sa'yo..."- kumunot naman ang noo ni Julianne.

Puno ng pagtataka ang kaisipan ni Julianne dahil sa inaasal ni Mariella habang kausap niya ito sa cellphone.

"Regalo? Nasaan po? Hmm wala naman akong nakikitang nakabalot na regalo dito Mama..."- tugon ni Julianne habang nililingon ang paligid ng dining area.

"Julianne... Yung regalo mo... Yung regalo na ibibigay ko sa'yo... Ay yung dalawang tao sa harap mo..."- nang marinig iyon ni Julianne at bahagya siyang napalingon sa gawi ng mag-asawa.

Kitang-kita niya ang katahimikan ng dalawa.

"Mama? S-Sina Mr. & Mrs. Marcos po? S-Sila po yung regalo ko?"- utal na tugon ni Julianne.

The Descendant: Marcos FanfictionOn viuen les histories. Descobreix ara