Chapter 8: Samson

Start from the beginning
                                    


Bigla kong naramdaman na may humawak sa kamay ko kaya pinilit kong ibaling ang paningin ko sa kaliwang bahagi ko.


May naaninag ako. Isa pang kama.

May babae. Nakaputi. Nakahiga. May kung anong nakakabit na metal sa mga pulso at paa niya. Hindi siya makagalaw nang dahil sa mga ito pero sa sobrang lapit namin ay nagawa niya parin akong mahawakan. May kung ano-anong mga nakakabit din sa ulo niya, parang mga metal na nakapalibot sa ulo niya.


Teka... Kilala ko siya...


Umiiyak siya. Duguan. Andami niyang sugat at may dugo pang umaagos mula sa gilid ng bibig niya pero sa kabila nito ay nakangiti parin siya. Nginingitian niya ako habang nakahawak parin sa mga kamay ko.


Hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha.

Ayoko sa kanya. Galit parin ako sa kanya. Pero awang-awa ako sa kanya. Natatakot ako. Natatakot ako sa nangyayari sa kanya at natatakot ako sa maaring mangyari sakin.


"P-paris?" Sa unang pagkakataon, nagawa kong makapagsalita. Siguro sa gulat, siguro sa takot.


****



Napabalikwas ako habang humahangos. Tagaktak ang pawis ko. Agad akong napatingin sa mga kamay ko at paulit-ulit itong binukas-sara. Nakakagalaw na ulit ako. Naigagalaw ko na ulit ang labi ko.


"Newbie's awake. Told you she'd be out for the whole day."


May narinig akong boses kaya agad kong iniangat ang mukha ko.


Tumindi ang nararamdaman kong takot at pag-aalala nang makita ko ang rehas sa paligid ko. May tatlong haligi na gawa sa pader na nakapalibot sakin pero sa harapan ko ay isang napakalaking rehas. Para akong nasa isang kulungan—Para kaming nasa isang kulungan na may kanya-kanya ang selda.


"Where am I?!" Nahihilo man, dali-dali akong tumayo at paulit-ulit na kinalampag ang rehas.


"Hell." Narinig kong nagsalita ang isang babaeng katapat ko ng selda. Matangkad, maganda, may mahaba at kulot na buhok. Nakakaawa siyang tingnan dahil sa dami ng sugat at peklat sa buo niyang katawan.


"Sisa, you feeling okay?" Narinig kong may nagsalita mula sa katabi kong selda—si Paris.


"Paris." Hindi ko mapigilang maiyak.  "Oh my God, Ada!" Napasigaw naman ako nang makita ko siya sa kabila. "Tama ako! Imposibleng maglayas ka sa lakas ng wifi niyo!" Bulyaw ko na lamang habang isinasandal ang noo ko sa malamig na bakal.


Anim kaming lahat. Napapagitnaan ako ng selda ni Paris at ng isa pang babae habang nasa tapat ko naman ang isang selda kung saan naroroon yung kulot. Sa gilid niya ay si Ada samantalang sa kabila naman ay isa pang babaeng di ko kilala. Lahat kami parang magkaka-edad lang. Lahat kami pare-pareho ng suot na suot—White sleeveless shirt at white pajama. Ternong-terno sa pintura at tiles na nakapaligid sa amin.


"I'm Kerry. What's your name?" Ngumiti sakin ng tipid si Kulot este Kerry.


"S-sisa." Sabi ko na lamang habang pinupunasan ang luha ko.


Narinig kong tumawa ang babaeng nasa katabi kong selda, "What the hell is that name?"


"An osum name." Giit ko saka nag-flip ng buhok ko kaso ba't ganun? Ba't parang walang gumagalalaw? Wait... ba't parang gumaan ang ulo ko?


"What's wrong?" Tanong ni Kerry sakin. Napansin niya siguro ang panlalaki ng mga mata ko.


"W-why can't I flip my hair?" Nauutal kong sambit. Natatakot akong hawakan ang ulo ko. Natatakot akong malaman ang sagot sa tanong ko.


"On the bright side hindi ka kinalbo." Sabi ng babaeng nasa katabi kong selda. Wait ngayon ko lang narealize, kalbo siya. Oh my bruh!


"Sisa please don't mind your hair. Please, don't look at yourself." Pangungumbinsi sakin ni Paris pero lalo lamang akong natakot. Oh my God! Anong nangyari sa buhok kong osum gaya ko?!

Napatingin ako sa seldang kinaroroonan ko. May kama, may unan, may mesa, may toilet, may shower at may isang salamin.


Habang humahakbang ako papalapit sa salamin ay lalong tumitindi ang takot at kabog ng dibdib ko. Para na akong masisiraan ng bait.


"Sisa don't do it! Don't look at yourself! Please!" Paulit-ulit na sambit ni Paris pero hindi ko siya pinakinggan. Lumapit parin ako sa salamin at tiningnan ang sarili kong repleksyon.


Pakiramdam ko ay biglang huminto ang mundo ko. Para akong paulit-ulit na sinagasaan ng pison at ipanalapa kay Jabba the Hut.

Ang nakikita ko sa salamin. Hindi ko na ito kilala.



Hanggang tenga na buhok at hindi pantay ang pagkakagupit.


Black.



BLACK.



B L A C K !!!!!!!!!!




"PUNYETAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!"



 

END OF CHAPTER 8.


Note: BIG SHOW is a wrestler. Yey WWE! Hahaha. Meanwhile Jabba the hut is an uber iconic character from Star Wars. Lobotomy on the other hand is a medical procedure involving the brain to cure some mental disorders :)



THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Never Cry MurderWhere stories live. Discover now