Chapter 32

18.2K 618 366
                                    

Dedicated to: DuivelDutchess

NANG nasa 2nd quarter na ang laro ng San Lorenzo team laban sa kabilang grupo na San Alfonso team ay nagtime-out muna ang magkalabang grupo para sa water and rest break.

Dahan-dahan namang lumapit si Marilyn sa pwesto nila Ezra, Levi at Gael sa may gilid ng basketball court para abutan ng towel at bottled water ang mga ito.

Lumingon sa kanya ang mga basketball players nang makita siya maging pati na rin ang nasa kabilang grupo na kung saan ay nandoon sina Yñigo at Trevan.

"Ahm, uminom na muna kayo ng tubig then magpunas na rin kayo ng pawis niyo." ani Marilyn nang makalapit na siya sa San Lorenzo team at kinuha sa dala niyang cloth bag ang dalawang towel at bottled water para kina Levi at Gael.

"Salamat, Marilyn." Levi smiled at kinuha nito ang mga hawak niya.

Napangiti rin siya doon at pilit nilalabanan ang kaniyang hiya dahil parang naging center of attention siya ng mga basketball players at mga taong nakakakita sa kanila.

"Bagong girlfriend mo, Levi?" tanong ng isang kateammates nila Levi na tumingin sa kanya. Matangkad ito at balingkinitan ang katawan.

Umiling naman si Levi habang nakangiti pa rin. "Hindi pero nililigawan ko. Siya nga pala si Marilyn, mga brad." pagpapakilala ni Levi sa iba pang mga kateammates nito sa kanya.

"Wow! Hanep, ah? Siya yata ang pinakamagandang babaeng niligawan mo, Levi. Walang panama 'yung ex mong si Chiena," nakangising sabi ng lalakeng katabi ng Team Captain na si Ilmaz.

Marilyn is embarrassed when they discuss her and Levi's ex-girlfriend, Chiena. It seems quite wrong to her that the guy is unconcerned about it.

"Manahimik ka nga, Landon! Nakakahiya 'yung sinasabi mo sa harapan ng nililigawan ni Levi." suway naman ni Ilmaz sa lalakeng si Landon.

Nagkamot lang ng ulo si Landon at nahihiyang humingi ng paumanhin sa kanya na tinanguan nalang ni Marilyn.

"Huwag niyo nang banggitin sa susunod si Chiena dahil seryoso ako kay Marilyn. Hindi siya katulad ng ibang mga babaeng nakarelasyon ko dati." Levi said seriously at Landon.

Tila napahiya naman doon si Landon. "S-sorry, Levi."

Hindi na sumagot doon si Levi at muli itong bumaling kay Marilyn.

"Punasan mo 'yung pawis ko sa leeg at mukha ko, Marilyn." nakangiti nitong sabi na ikinalaki ng mga mata ni Marilyn.

"Langya! Nagpapunas pa," mahinang bulong ni Gael na narinig naman ng dalaga.

Narinig rin iyon nila Ezra at ng iba pa nilang mga kateammates at nagtawanan ang mga ito.

"W-what? You have hands to wipe your sweat, Levi. Why should I?" Marilyn inquired. Her eyes almost roll back.

"Pagbigyan mo na ako, Marilyn. Good luck charm mo na rin 'yon sa'kin kahit kumpyansa naman akong mananalo kami sa larong 'to." saad ni Levi na inabot sa kanya ang hawak nitong puting towel.

Napailing nalang si Marilyn at wala nang ibang nagawa kundi ang punasan ang pawisang mukha at leeg ni Levi.

Makinis ang kutis ng lalakeng ito na parang wala yatang pores o pimples na magkukubli sa gwapong mukha nito.

Kitang-kita ang magiging mestizo ni Levi sa namumula nitong balat at magandang pangangatawan. Bagay rin sa lalake ang facial hair nito na hindi naman gaanong makapal but she knew that this guy is a hairy gentleman.

Levi was staring at her as she was wiping his sweats, which made her feel uneasy and shy. Alam rin niyang may mga taong nakamasid sa kanila na mas lalo pang nakapagdagdag sa hiyang nararamdaman niya.

Marilyn and the Seven MonroeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora