Nag-kibit-balikat ako, "Hindi ko pa sure," sagot ko at napahikab bago napatingin sa entrance ng library nang may pumasok. Nagkatinginan kami nila Ali at Maya nang makita naming pumasok si Sergio na may dalang libro rin sa Biochem.

"Beh, kung ako sa'yo papayag na'ko," sambit ni Ali. "Gaga ka! Bakit ka nagdadalawang-isip sa grasya?!"

Napairap ako.

Ang deciding factor ko talaga ay ang quiz sa Biochem mamaya.

'Di naman porke't gwapo may free pass na agad!

"Ano?"

"Oo na," sagot ko. "Pag nag-top siya sa Biochem, kahit ano'ng place pa 'yan ako na magsasabi kay Doc."

"Ay bet ng top?"

"Tanginamo, utak mo talaga," mahina kong sabi at binatukan si Maya dahilan para matawa rin si Ali. Ang green ng utak ng baklang 'to! Nahahawa tuloy kami ni Ali!

"Aray, kingina bakla! Nagjo-joke lang naman ako!" reklamo ni Maya habang nakahawak sa leeg. "Pero sige, may point ka naman talaga teh. SciFest 'yun eh."

"Ayaw niyo ba talaga sumali? Tinanong din kaya kayo ni Doc sa'kin. Kung ayaw ko raw kagrupo si Sergio, kayo na lang dalawa."

Parehong umiling si Ali at Maya, "Goodluck na lang beh. Pagod na'ko sa Biochem. Ayaw ko na idagdag 'yan."

Natawa ako. Ayaw ko rin naman talagang sumali rito sa SIP, kaso wala na'kong choice. Nakaka-pressure 'yung prof namin sa Biochem. Lagi na lang akong tinatanong kung decided na'ko, tapos hindi naman niya nababanggit si Sergio so ano'ng gagawin ko? Ayaw ko namang gumawa ng SIP mag-isa kahit grupo kami tapos may credit din siya. 'Wag na lang kung gano'n.

Halos 9:00 AM na no'ng matapos kaming mag-review sa Biochem. May klase pa kami sa Lab Management kaya kumain muna kami sa dining hall bago dumiretso sa klase namin. Ang boring pa naman madalas ng Laboratory Management. Mas hinagpis pa'ko sa subject na 'yun kaysa sa Biochem kasi literal na kailangan kong piliting aralin sa sobrang dami ng terms pati kung sinu-sinong tao. Sakit sa ulo.

"Kain ba tayo sa labas after meeting sa SC?" bulong ni Maya habang nagdi-discuss si Sir Nico. Nagtinginan lang kami ni Ali at tinanguan siya. Hanggang alas tres lang kasi 'yung Biochem namin. Dala naman ni Ali 'yung kotse niya at malapit lang din 'yung bahay nila sa apartment namin ni Maya.

"Samgyup?"

I raised my thumb and nodded, "G. Maikli lang naman agenda today."

Sobrang nag-dissociate talaga ako sa discussion sa lab management. Hinang-hina talaga utak ko kapag LM, pati no'ng HIS. 'Di ko alam kung bakit. Maayos naman magturo 'yung prof namin, pero pakiramdam ko talaga tinatakasan ako ng bait kapag pipilitin kong makinig. Buti na lang mahilig magsulat si Ali ng notes sa iPad niya kaya pina-Airdrop ko na lang sa phone ko. Gusto ko rin ng iPad! Sobrang hassle pag puro papel. Ang mahal pa pati mag-maintain ng transes sa binder. Ang bilis maubos.

30 minutes lang ang lunch kaya dumiretso na kami sa canteen para kumain. Pagkadating namin sa canteen, nando'n sila Sergio tsaka mga kaibigan niya. 'Di naman na'ko nagtaka kasi wala na yata silang klase after ng Biochem class nila since sila 'yung nauna. Wala naman akong kaibigan sa ibang section aside sa mga civil ko lang kausap dahil sa SC.

"Beh, tignan mo si Sergio ang chill lang."

Napairap ako. Pakiramdam ko sine-salestalk na nila sa'kin si Sergio! Gwapo naman talaga siya, to be honest. 'Di naman ako bulag at alam kong marami ring may gusto sa kaniya. Mukha siyang may ibang lahi kasi sobrang light ng pagka-brown ng mata niya, tapos kulot at matangos ang ilong. Siguro Spanish sila dahil na rin sa pangalan niya. Parang kamukha niya talaga 'yung bidang lalaki sa Prince of Egypt West End Musical.

Shet.

"Girl, titig na titig?"

Mabilis akong napatingin kay Ali nang ma-realize ko na kanina pa pala ako nakatingin kila Sergio. Gagi. Nakakahiya.

"Crush mo na agad?"

"Gaga. Kamukha niya 'yung nasa musical ng Prince of Egypt, tignan mo 'yung When You Believe sa Youtube tapos skip mo sa dulo."

Natawa si Ali pero ginawa niya rin. Nakisilip naman si Maya tapos natawa, "Gago, Mads. Kamukha niya nga," natatawa niyang sabi. "Pag maganda boses niya makipila ka na lang teh."

Napairap ako.

"Ewan ko sa inyo."

Pag-akyat namin sa room, wala pa 'yung prof namin kaya umupo na lang kami at naghintay. Dumating din naman agad si ma'am at nag-distribute na ng questionnaires since long quiz.

"You have 1 hour to take the quiz. Next week na tayo mag-discuss," nakangiti niyang sambit bago bumalik sa harapan. "You may begin."

Napa-buntonghininga muna ako bago tumingin sa papel at napangiti.

Mamatay na lang sila sa inggit pag nag-story kami ng samgyup mamaya.

**

Pagkatapos ng long quiz, dumiretso agad kami ni Maya sa meeting room. Wala namang activities for next week kaya puro reminders lang din ng workloads ng other committees 'yung nangyari.

"So... remind ko na lang lahat ng workload ng Artistic Committee for all the posters needed for the events. Tapos logistics, Toby ha, when kayo makakapag canvass ng materials for the SciFest next month?"

"Baka po Saturday," sambit ni Toby. Tumango naman ako at isinulat 'yun sa notebook. Apparently, nag-quit 'yung supposed head sana ng Logistics dahil lumipat ng school kaya siya na 'yung nilagay namin based on the member's performances. Ang responsable ni Toby! Hindi na talaga ako magtataka kung siya 'yung maging President next school year. Hindi na kasi kami pwede no'n dahil third year at alam kong gagapang na talaga kami para sa grades.

Maikli lang talaga 'yung agenda this week kaya natapos din kaagad. Pagkalabas namin ni Maya ng building, nasa parking lot lang si Ali at nanonood ng Youth of May sa cellphone niya. Napilit kong manood kasi sabi ko kikiligin siya. 'Di niya alam iiyakan niya 'yan.

"Ganda?" tanong ko pagkapasok ng kotse dahil inunahan ko si Maya sa shotgun seat.

Ali nodded, "Pogi ni Hui Tae!" she gushed.

Natawa ako at napalingon kay Maya na inirapan ako, "Palit tayo pag-uwi."

"Ay talaga, bakla. Pag inunahan mo ulit ako hihilahin na kita palabas."

Natawa kami pareho ni Ali. No'ng pinaandar na ni Ali 'yung kotse, pumikit na lang muna ako saglit dahil kanina pa'ko antok na antok pero nagulat ako no'ng biglang tumili si Maya dahilan para mapatingin kami pareho ni Ali.

"Bakit?!" tarantang tanong ko.

"Bading, tignan mo kasi sa group!"

Napakunot ako ng noo pero ginawa ko na lang din. Pagkabukas ko no'ng group ng MedTech sa Facebook, nanlaki ang mata ko pagkabasa ng top scorers sa Biochem quiz kanina.

Biochemistry First Long Quiz Top Scorers (/135)

1. Sergio Benedict Manzano- 130

2. Jeremiah Aguirre- 129

3. Lula Madaline Quinto- 127

4. Alyzza Avegail Aguinaldo- 125

"Gago, 130," bulalas ko at napatingin kay Maya na mukhang iiyak na kaya hinawakan ko 'yung balikat niya at ngumiti. "Huy, congrats bakla!"

Natawa naman si Maya at nagulat kami pareho nang bigla niya kaming niyakap ni Ali mula sa likuran. "Deserve natin ang Samgyup so much!"

I chuckled at napatingin kila Maya at Ali. 'Di ako religious pero minsan napapa-thank God ako na sila 'yung mga kaibigan ko. Literal na through thick and thin talaga. Kung hindi siguro dahil sa kanila, hindi ko naman ma-su-surive 'tong MedTech kaya aside talaga from studying hard, sobrang effective rin magkaro'n ng solid na group of friends sa college.

Napangiti na lang ako.

"Ano bading, papayag ka na kay Sergio?" tanong ni Maya dahilan para matawa ako at tumango.

"Oo na," sambit ko.

Wala. Ako talaga susuko. Sabi ko kahit top lang, masyado naman niyang ginalingan.

the stars above us (medtech series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora