KABANATA 04

26 2 0
                                    

KABANATA 04

NANG matapos ang operasyon ay agad siyang lumabas ng operating room ngunit bago 'yon ay saglit niya akong tinignan.

Napailing ako bago naglakad upang sumunod sa kaniya. Tinanggal ko ang suot na surgical gloves at sinunod ang facemask pagkalabas ng OR at itinapon ito sa basurahan.

Naabutan ko itong nagsasabon ng kamay at braso, nang maramdaman niya ang presensiya ko ay bahagya niya akong nilingon ngunit hindi tuluyang humarap. Tumabi ako sa kaniya at kinuha ko ang isang sabon bago ito binasa ng tubig.

Katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa, abala siya sa pagbabanlaw ng kamay at braso samantalang ako ay nagsasabon ng sariling kamay at braso ngunit sa hindi malamang dahilan ang atensyon ko ay pasimpleng nakatuon lamang sa kaniya.

"You did a great job, Doctor Reyes." Nakangiti kong wika sa kaniya sa kalmadong boses. Nilingon niya ako at tinignan, napakaseryoso nito at walang kangiti-ngiti.

"Stop acting, doctor. Sa susunod gusto ko na ang atensyon mo ay nasa trabaho lang hindi kung saan-saan, lalo na kung nasa loob tayo ng OR," aniya bago pinunasan ang basang kamay. Tinapos ko ang paghuhugas at pinunasan rin ang sariling braso at kamay bago humarap sa kaniya.

"Noted, doctor." Ngumiti ako at namulsa, tinignan niya lang ako at tinalikuran, ang ngiti ko ay naglaho na parang mga bula.

...

"Tayo ang napili para sa gagawing rescue operation, naaprobahan na din ito ng nakatataas after one hour we should be there." Anunsyo ni Doctor Travis, isa siya sa kasamahan namin dito sa department.

Ito na ang pangalawang araw ko dito ngayon, at kadarating ko lang ngunit ganitong pagpupulong ang nadatnan ko.

Rescue operation?

Inilapag ko ang kape ko sa mesa at umupo sa swivel chair. Bahagya kong itinaas ang kanang kamay ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin.

"Yes, Doctor Zuñiga?" tanong ni Doctor Travis.

"What happened? Para saan ang gagawing rescue operation?" tanong ko at ibinaba ang kamay. Humigop ako sa sariling kape at pasimpleng tinignan ang taong nakaupo hindi kalayuan sa pwesto ko.

"Dahil sa nangyaring lindol kaninang madaling araw, madami ang construction worker ang naiwan sa loob ng itinatayong gusali." aniya na ikinatango ko. Nakakatakot ang nangyaring lindol kaya nga lahat ng taong nasa condo unit nila kanina ay nagsilabasan at nag-panic. Kasama na ako sa lumabas ngunit hindi ako nag-panic.

Mabuti na lang at nagpatalon ako ngayon, hindi rin ako nagsuot ng stiletto bagkus ay khaki boots ang isinuot ko. Napangiti ako bago inubos ang biniling kape. Itinali ko rin ang mahabang buhok ko, tinanggal ko ang suot na white coat at isinampay ito sa swivel chair ko.

Lumabas ako sa sariling opisina at tumungong ER, naroon ang mga sasamang nurses at doktor sa gagawing rescue operation.

"Are you all ready?" lihim akong napairap ng marinig ang tanong niya sa aming lahat, kinuha ko ang isang bag na naglalaman ng mga first aid at kinakailangan sa rescue operation.

Sasama din siya, mas maganda sana kung hindi para naman kahit papaano ay hindi ko makita ang mukha niya. Napakuyom ang kamao ko ng makita ang isang doktor na pasimpleng hinahawakan ang braso niya.

Sa hindi malamang dahilan gusto kong manabunot ng buhok ngunit pinigilan ko ang sarili. Umiling ako at lumapit kay Doctor Harvey.

"Doc, handa na ba 'yong sasakyan?" tanong ko sa kaniya.

Doctor's Love (Doctor Series #2)Where stories live. Discover now