SIMULA

104 2 1
                                    

It's a traitor.

For him... love is a traitor.

Because if not, dapat ay hanggang ngayon ay masaya pa rin silang dalawa habang magkasama.

Dapat hindi siya umalis...

Dapat hindi siya nito iniwan...

"I heard from the other department that she came back," malinaw at dinig na dinig niya ang sinabi ni Harvey.

One of his doctor friend.

Hindi niya inalis ang paningin sa ginagawa.

"If you don't need something, you may now go out," aniya. Seryoso at para bang walang pakialam sa narinig na sinabi ng kaibigan.

"Diego, nagsasabi lang naman ako, you know baka interesado ka.'' Natigilan siya sa ginagawa bago tinapunan ng masamang tingin ang kaibigang doktor.

"You bettter go to the ward and do some rounds," wika niya sa seryosong boses.


"Iyon nga  ang sinasabi kong  dapat ko ng gawin," tumawa si Harvey at naglakad na patugong pinto.


But before Harvey could step out he  said  something to him, dahilan  upang matigilan siya.

"I also heard that Dra. Cristine Jane Zuñiga will gonna be part of your team. And she will be your  partner, I guess. Nice to hear that, right?"

Napakuyom ang kaniyang kamao dahil sa kaniyang narinig. Bumuga siya ng marahas na hininga bago napasandal sa swivel chair.

CODE BLUE

CODE BLUE

CODE BLUE. PATIENT O16. PAGING TO DOCTOR REYES

Napasuklay siya sa sariling buhok bago napatayo mula sa pagkakaupo, kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto.

"Doc, patient 016." Hinihingal na bungad sa kaniya ng isang nurse.

Tumakbo siya palabas ng opisina habang nakasunod sa kaniya ang nurse.

Nang makarating sila sa ward ay mabilis siyang lumapit sa isang hospital bed kung saan nagkukumpulan ang ilan sa mga kasamahang doctor at nurses.

Nagkakagulo ang mga ito at habang nire-revive ang pasyente. Tumabi ang isang doctor kaya ipinusisyon niya ang parehong kamay bago itinapat sa dibdib ng pasyente upang gawin ang CPR.

Saglit siyang napatingin sa machine na nasa gilid ng hospital bed, hindi ito normal.

"Charged. 100 joules," dinig niyang sabi ng isa sa mga kasamahang doctor.

Kinuha niya ang defibrillator paddles at itinapat ito sa dibdib ng pasyente. Pagkatapos no'n ay ibinalik niya ito sa doctor at ipinagpatuloy ang ginagawang CPR.

"Charge it, 250 joules." Utos niya bago muling tinignan ang nag-iingay na machine.

Ilang segundo lang ay muling ibinigay ng isang doctor ang defibrillator paddles sa kaniya, kinuha niya ito at muling inulit ang ginawa kanina.

Pagkatapos ng ilang segundo ay naging normal na rin sa wakas ang machine. Hindi na ito maingay at normal na rin ang heart rates ng pasyente.

Bahagya siyang hiningal dahil sa ginawa. Bumaba siya mula sa pagkakasampa sa hospital bed at umayos ng tayo at namulsa sa suot na white coat.

"I think we need to resched the operation. Hindi na talaga normal ang kalagayan ng pasyente," kumento ni Doctor Arthur. Isa sa mga kasamahan niyang doctor.

"I agree, kinakailangan nang maoperahan ng pasyente sa lalong madaling panahon," dagdag na pahayag ni Doctor Travis.

Bumuntong hininga siya at tumango sa suhetisyon ng dalawa. "Yes, I agree with that. Resched the operation, make it tomorrow by morning." Seryosong aniya. "Monitor the patient every 30 minutes. Always do check his vital signs and specially his heart rate."

Tumango ang lahat dahil sa sinabi niya. Napahawak siya sa kaniyang batok ng tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng suot niyang white coat.

Nang makitang ito ang kaniyang Ina ay sinagot niya kaagad.

"Yes, ma?" bungad niya.

"Diego, hinahanap ka na ng anak mo." Nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang Ina ay napabuntong hininga siya.

Dinig niya mula sa kabilang linya ang iyak ng isang bata. Napailing siya at napasapo sa sariling noo.

"Pakisabi ho sa kaniya, uuwi na ako." Aniya bago pinatay ang tawag.

Napatingin siya sa relong pambisig, dahil hindi naman siya over night duty ngayon ay pwedi na siyang umuwi.

He needs to go home, hinihintay na siya ng kaniyang anak.

***

Doctor's Love (Doctor Series #2)Where stories live. Discover now