KABANATA 01

56 1 0
                                    

KABANATA 01

IT'S good to be back here in the Philippines.

Mas pinili ko ang tumuloy sa condo unit ko kesa tumuloy sa mansion kong nasaan ang mga magulang ko at ang dalawa kong nakatatandang kapatid.

Bukas na bukas rin ay kinakailangan kong pumunta ng Hernandez NewLife Hospital upang kausapin sa personal ang Executive Director.

Inayos ko ang lahat ng gamit ko at nilagay ito sa closet. After that, I take a bath.

Nang humiga ako sa kama ay kinuha ko ang librong nasa bed side at sumandal sa head board ng kama.

Nagsimula akong magbasa, napahawak ako sa aking pangibabang labi ng may maalala.

He is also there. And there is a big possibility that we might see each other.

That would be a disaster...

Napahawak ako sa kanang bahagi ng aking dibdib ng bahagya itong kumirot.

The pain is still here. Lumipas man ang apat na taon ay nandito pa rin ang sakit na kailanman ay hindi naglaho.

....

Inayos ko ang buhok ko matapos kong maglagay ng kaunting kolorete sa mukha. Kinuha ko ang bag ko at ang susi ng sasakyan ko bago lumabas ng condo.

Nang makarating ako sa ospital ay agad akong dumeritso kung saan ang office ng Executive Director. Binuksan ko ang glass door bago kumatok.

Napalingon sa direksyon ko ang medyo hindi katandaang lalaki.

"Hey, tito. It's nice to see you again," bati ko na may kasamang tipid na ngiti.

Napangiti ito at sinenyasan akong lumapit. "Long time no see, hija. Ang sabi ng Chairman ay dito ka magtratrabaho?" tanong nito sa akin ng makaupo sa katapat nitong upuan.

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

"It's good to hear that," tumango-tango pa ito. Kilala ko ang Chairman maging ang Executive Director dahil pamilya ko at sila ay magkakilala noon pa man.

May ibinigay na folder sa akin. Tinanggap ko ito ngunit hindi ko binuksan.

"Diyan nakalagay kung saang department ka mapupunta base on your med course," paliwanag niya. "Tomorrow will be your first day. Good luck."

Tumango ako at bahagyang ngumiti bago tumayo. "Thank you, tito. It's my pleasure to be one of the doctor in this hospital."

...

Matapos kong makipag-usap sa executive ay tinawagan ko agad si Kristine, she's also a doctor here. And she's one of my friend since college.

Sa cafeteria ng ospital kami nagkita. "Cristine," she called me.

I rolled my eyes at her. "Kristine," I called back at her.

Our name is the same, maliban lang sa first letter, but most of the people that knows me prefer to call me Jane.

"Nice to see you again," aniya matapos akong yakapin. Bago binawasan ang slice cake ko.

"Yeah, it's nice to see you too." walang buhay na boses kong sagot sa kaniya.

"Nagkita na ba kayo?" tanong nito, natigilan ako sa akmang paghigop ko ng kape dahil sa tanong niya.

"Hindi pa," sagot ko bago humigop sa sariling kape. "At wala ako akong planong makipagkita sa kaniya."

Doctor's Love (Doctor Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن