I......I....honestly didn't think of that.

"God, Vaughn. Magpasalamat ka't hiwalay na tayo. Kasi kung nagkataon nalaman ko 'to na tayo pa, ewan ko na lang kung anong magagawa ko sayo. And aside from that, sa lahat ng babae kay Simoné Bernasconi ka pa talaga kasal. Gosh, I want to skin you alive. Alam mo bang may issue kaming dalawa ni Theia sa babaeng yan?"

I bit my lip and look pleadingly at her. "I'm sorry."

"No that's not enough, 5 years kang naging dis-honest sakin and worse, pinag-buntongan ko pa ng galit noon si Gail. Tapos malalaman ko na lang, ikaw lang pala 'tong nagsisinungaling? Hindi lang ako ang ginagago mo dito kundi pati na rin si Yen."

My heart raised nervously. "S-she told you?"

"Sa kanya ko nalaman. Pumunta siya sa condo ni Gail kanina habang umiiyak. I was there, and I heard all of their conversation kaya sinugod agad kita dito pagkatapos ng trabaho ko."

"N-nandon pa ba siya?"

"No, you're not allowed to speak with her." masama niya akong tinignan. "May asawa kang tao, have a little decency. Kinabit mo yung bata ng walang kamalay-malay, mahiya ka naman."

"Maui, Simoné and I are divorcing. Yan ang rason kung bakit ako pabalik-balik sa amerika. Natagalan lang yung process kasi hindi sapat yung grounds for divorcement namin, pero malapit ng permahan ng judge ang papeles namin."

"You're still not allowed to talk with Yen, the kid is in a worst state because of you. Fix your goddamn problem first bago ka lumandi." padabog niya akong tinalikuran at galit na umalis sa opisina. Ako naman ay naiwang sapo ang ulo dahil sa sobrang guilt na naramdaman.

I'm really am fucked up.

Nasa ganitong eksena ako nang makatanggap ako ng text galing kay Simoné. Binuksan ko yun para basahin.

Simoné
I'm staying at a hotel. I'm meeting up with someone.

Nag reply ako bago lumabas ng restaurant. Umuwi ako sa bahay at dumeresto sa kusina para kumuha ng cold compress kasi namamaga yung pisngi ko sa lakas ng sampal ni Maureen kanina.

I was in the middle of healing my swollen cheek when my sister, Dr. Heart Tuazon, broke into the kitchen. Dumadagundong ang boses nito sa lakas.

"Vaughn, totoo ba 'tong nalaman ko kay Maui that you're freaking married!?"

I exhaled a loud breath. I'm honestly not surprised anymore because I already expected Maureen will tell her about it. Binaba ko ang hawak na cold compress saka ito hinarap.

"It's true." i said, guilt-ridden.

"What the hell? So it means you cheated on your way to her? Nakikipag relasyon ka sakanya noon habang kasal ka na?"

"Heart, my marriage with Simoné isn't--

"Stop defending yourself." putol ni Heart sa ibang sasabihin ko. "Bakit hindi namin alam nila mama 'to?"

"It was marriage for convenience." I answered. "And we only did it solely for pragmatic reason."

"Kahit na, legally committed ka pa rin. Lumalabas pa'rin na ginawa mong kabit si Maui at yung girlfriend mo ngayon. How stupid can you be, Vaughn?"

Parang nahula ko na kung saan hahantong ang usapan naming 'to kaya bago pa man ulit ito makapag-salita ay inunahan ko na.

"I know where this conversation ends. You're going to compare my situation with your girlfriend's ex-fiancé."

"Talaga! kasi pareho lang kayo ng bwesit na Trixie na yun. Committed na nga, nakikipag landian pa sa iba."

"Hey, don't even compare me with that actress kasi magkaiba ang sitwasyon namin, may rason kung bakit kami nagpakasal ni Simoné. May benefit siyang makukuha sakin at ganon din ako sakanya. In short, nag gagamitan lang kami para sa negosyo, yun lang ang tanging ugnayan namin sa isa't-isa."

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now