Chapter 2

25 6 0
                                    


Vee's pov

"Welcome to the Regional Mobile Legends Competition! Walong teams ang maglalaban laban para makapasok sa Finals at may chance na mag champion at mag uwi ng 10,000 pesos!"

Dumagundong ang ingay ng mga tao rito sa Gym nang magsalita ang host. Habang kami ay nandito sa back stage kasama ang iba pang players na maglalaro.

Nagawa ni Wais ang pangako niyang makaka perfect siya sa exam kaya pumayag akong sumali dito sa tournament kasama niya.

Flashback

"Vee! Vee, nasa'n ka?!" Sa kwarto pa lang ay dinig na dinig na ang boses ng taong sumisigaw. Kaya naman paglabas ko ng kwarto ay masama ko siyang tinignan.

"Napakaingay mo, Wais! Ano ba 'yon?!" Singhal ko sa kaniya. Nakaupo siya sa sofa at mukhang kagagaling lang niya sa school dahil nakauniform pa siya.

May kinuha muna siya sa bag niya bago siya tumakbo at yumakap sa akin.

"Naka perfect ako, Vee!" Paulit ulit niyang sigaw habang tumatalon at yakap yakap ako. Hinayaan ko lang siyang kumalma at hinaplos ang buhok niya.

"Naka perfect ako, Vee." Ulit niya at tinapat sa akin ang test paper na hawak hawak niya. Kinuha ko 'yon at tinignan ang score niya. Science exam. 50/50.

Napangiti ako dahil iba ang ini-expect ko. Naniniwala ako na kaya niyang mag perfect. At ang inakaala ko ay sa subject na E.S.P o 'di kaya ay MAPEH dahil iyon ang pinakamadaling subjects but I guess I underestimate him kasi tignan mo naka-perfect siya sa Science!

"Baka pineke mo lang 'to ah? Baka gawa gawa mo lang 'tong test at score mo." Pang aasar ko sa kaniya.

Nagtatampo nman siyang ngumuso. "Luh?"

"Joke lang haha. Congrats!" Lumapit ako sa kaniya at tinapik tapik ang ulo niya.

"Thankyou." Nahihiya siyang ngumiti sa akin.

"Ayy? Awit landian sa hapon." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Dlar.

Mukhang kagagaling lang din niya sa school dahil naka uniform din siya katulad ni Wise.

"Anong landian sinasabi mo gago." Sabi sa kaniya ni Wise. Natatawa akong lumayo sa kaniya at umupo sa sofa.

"Eh anong tawag sa ginagawa niyo kanina?" Asar pa lalo ni Dlar habang nagtatanggal ng sapatos.

"Wala! Ikaw kasi Vee napapansin kong lagi mong hinahawakan 'yong ulo ko. Crush mo 'ko noh?" Nakangiting sabi ni Wise. Inaasar ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Mukha ka daw kasing aso p're kaya lagi niyang hinahaplos ulo mo HAHAHA!" Binato pa ni Dlar ang medyas niya kay Wise bago mabilis na tumakbo papasok sa kwarto niya.

"Putangina mo, Gerald!" Sigaw ni Wise kaya natawa ako.

"Ikaw boss tawa tawa ka diyan. Mukhang may nakakalimutan ka ata." Umupo sa tabi ko sa Wise.

"Anong nakakalimutan? Parang wala naman ata, Wais." Painosenteng sabi ko kahit na alam ko ang tinutukoy niya.

"Luh, sabi mo— sabi mo sasali ka sa amin sa tournament kapag naka perfect ako." Sabi niya sa akin.

Natawa naman ako. "Biro lang. Siyempre sasali ako 'diba sabi ko sa'yo kapag naka perfect ka sasamahan kita sa kahit na ano." Sabi ko sa kan'ya. Ngumiti naman siya at huminga ng maluwag.

"Sasali saan, Vee?" Tanong ni Dlar na kalalabas lang ng kwarto at nakabihis na.

"Sabi kasi ni Vee kapag naka-perfect ako sa exam sasali daw siya para sa tournament. Eh naka-perfect ako so pa'no ba 'yan?" Pagyayabang ni Wais.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My EndgameWhere stories live. Discover now