Chapter 1

45 3 2
                                    


Vee's pov

"Wise! Wise gising! Anong oras na may pasok ka pa." Niyugyog ko si Wise para magising siya. Idinilat niya ang mata at tumingin sa akin.

"Bumangon ka na papasok ka pa," Sabi ko sa kaniya tumayo naman siya kaya naman lumabas na ako ng kwarto dahil baka maliligo na siya.

Habang nag aayos ng mga plato sa mesa nakita ko si Dlar na humihikab pa papunta sa kusina.

"Morning, Vee." Bati niya sa akin.

"Morning din. Kain na," yaya ko sa kaniya at binigyan siya ng plato.

"Salamat, kain ka na din." Umiling lang ako dahil hinihintay ko pa si Wise.

"Goodmorning, Vee!" Speaking of. Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat bago siya umupo habang ako naman ay umupo na rin.

"Excuse me. Si Vee lang ba nakikita mo dito? Grabe ka na talaga tol kapag kay Vee may goodmorning sa akin dedma." Sabi ni Dlar kaya natawa ako.

"Ang arte mo gago may muta ka pa nga." Banat ni Wise. Natawa naman ako.

"Gago anong muta? Wala naman. Tawang tawa si Vee porket sobrang fresh mo sa umaga gan'yan ka na ah." Pang aasar ni Dkar kaya ngumiti ako.

"Chumichika ka Dlar ah," sabi ko.

"Syempre naman Vee ik—skjklwjs" naputol ang sasabihin niya nang isubo sa kaniya ni Wise 'yong buong pandesal.

"Ingay mo gago." Masungit na sabi ni Wise kaya natawa si Dlar.

"Wise pumasok ka ah. Kapag ikaw nakita ko sa comshop yari ka sa akin." Sabi ko kay Wise habang hinahatid siya sa labas ng apartment. May pasok kasi siya sa school.

"Yes, boss!" Nag salute pa siya kaya natawa ako.

"Dito ka ba ulit matutulog mamaya?" Tanong ko sa kaniya. Nakikitulog kasi siya minsan dito sa apartment namin kapag tinatamad siyang umuwi ng bahay nila.

"Hindi muna siguro. Uwi muna ako sa'min. Baka umiyak na si Mama eh haha." Sabi niya kaya napatango ako.

"Buti naman." Sabi ko.

"Anong buti naman?" Tinignan niya pa ako ng masama kaya natawa ako.

"I mean mabuti naman at uuwi ka na sa bahay niyo. Sure ako namimiss ka na nila tita. At tiyaka nakakahiya kay Dlar ang sikip sikip na nga ng apartment naming dalawa tapos nakikisiksik ka pa."

"Bakit sa kwarto mo naman ako natutulog ah?" Katwiran niya pa.

"Kaya nga sumasakit ang likod ko dahil hinahati natin yung foam ng kama." Sabi ko.

"Ang arte mo kasi. Pa ano ano ka pa na hati tayo. Pwede namang tabi na lang tayo matulog mas okay pa." Sabi niya kaya napairap ako.

"Wais, tigil." Sabi ko kaya natawa siya nagpaalam na din siya bago siya naglakad paalis papuntang school kaya pumasok na ulit ako sa apartment.

Nakita ko pa si Dlar na nagc-cellphone sa maliit naming sala pero dumiretsyo na ako sa kwarto ko. Naghahanap ako ng damit dahil papasok ako sa trabaho mamaya pero puro damit ni Wise ang nandito kaya napailing ako. Ang dami niyang damit dito parang siya pa ang nakatira sa apartment na 'to.

In the end 'yong hoodie na lang na niregalo sa akin ni Wise ang sinuot ko. Madaming niregalo sa akin si Wise na hoodie dahil iyon daw ang bagay sa akin. Hay nako DJ.

Danerie James a.k.a Wise. We've known each other for like 2 years? We consider each other as bestfriends. Nandito siya para sa akin palagi kapag malungkot ako or feeling ko mabigat 'yong mundo ko lalo na at nasa ibang bansa sila Mama.

Thankful din ako kay Wais dahil hindi niya ako hinusgahan sa kung ano man ang mga desisyon at gusto ko sa buhay. Kahit bakla ako never niya akong hinusgahan at  nararamdaman kong nirerespeto niya ako ng sobra kaya magaan din ang loob ko sa kaniya.

Wise's pov

"Vee, sali ka na kasi." Pangungulit ko sa kaniya.

"Ayoko nga, Wais. Kayo na lang." Pagtanggi niya kaya napanguso ako. Pinipilit ko kasi siyang sumali sa tournament next month.

"Dali na, ang galing galing mo kaya mag-ml." Pangungumbinsi ko pa.

"Anong magling? Support user nga lang ako eh." Sabi niya pa kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Lang? Support user lang? Ang laki kaya ng ambag ng support sa bawat game. Tiyaka ano ka ba, Vee. Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Kasi ako meron. 100% yung tiwala ko sa'yo." Seryosong sabi ko sa kaniya.

"Ewan ko sa'yo, Wais." Binawi niya ang kamay niya at humiga sa kama.

"Sige na, Vee. Please," nagpa cute pa ako pero sampal lang ang inabot ko.

"Ano ba 'yan, Wais. Sige na nga sasali ako sa inyo pero may kondisyon." Sabi niya.

"Ano 'yang kondisyon na 'yan. Sabihin mo gagawin ko." Matapang kong sabi.

"Diba malapit na exam niyo? Kailangan may maperfect kang exam kahit isang subject lang." sabi niya sa akin.

"Hala! Si Vee ang daya!" Reklamo ko kaya napataas ang kilay niyo.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo hindi kita pinipilit Wais." Mataray na sabi niya kaya natahimik ako. Badtrip paano ako makakaperfect eh hindi nga ako nakikinig?

"Sige na nga. Tandaan mo 'to Vee. Makaka perfect ako sa exam." Proud na sabi ko kaya napangiti siya.

"Very good. Kapag naka perfect ka promise sasamahan kita sa kahit ano." Ginulo niya pa ang buhok ko bago lumabas ng kwarto.

My EndgameOù les histoires vivent. Découvrez maintenant