"Wais ano ba!" Sinubukan kong bawiin ang kamay ko na hawak hawak niya pero masiyado siyang malakas. "Ano bang problema, Vee? Bakit mo 'ko nilalayuan? May nagawa ba akong mali?" Bakas ang pagkadesperado sa boses niya kaya iniwas ko ang tingin ko. "Vee, ano?! Kung may nagawa man akong mali sabihin mo naman sa akon hindi yung ganito. Ayoko ng ganito." Pagmamakaawa niya nang hindi ako sumagot. Huminga ako ng malalim at pekeng ngumiti sa kaniya. "Ano bang sinasabi mo, Wais? Wala naman tayong problema. Wala kang ginawang mali." Sabi ko. "Eh bakit nga iniiwasan mo ako?" Tanong niya. "Masyado na kasi tayong close. Inaakala ng iba na mag-jowa tayo." Explain ko. "Eh ano naman?" Kunot noong tanong. Napakunot din ang noo ko. Huh? Hindi ba niya narinig ang sinabi ko? Bakit parang wala lang sa kaniya. Napalunok ako nang lumapit siya sa akin. "Ano naman kung isipin nilang jowa kita? Anong pakialam nila?" Seryosong tanong niya sa akin. "Wai-" nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap. "Gusto kita, Vee. Wala akong pakialam sa sasabihin nila." Madamdamin niyang sabi. This is wrong. But hearing him confessing his love for me felt right. ________________________________________________________________________ Wise x ohmyv33nus !!!This story is purely fictional!!!