KABANATA 03

39 2 0
                                    

KABANATA 03

"TATAYO ka na lang ba diyan? At titignan ako?" nabalik ako sa kasalukuyang pag-iisip nang marinig ko ang malalim at malamig niyang boses.

Umiling ako at umayos ng pagkakatayo. "Nice to meet you, Doctor Reyes. Not sorry for being late," pormal kong bati sa kaniya. Pinilit ko ang sariling huwag mautal habang sinasabi 'yon.

Ngumiti ako habang nakatingin sa kaniya. Maybe he wasn't, because the right person were always going to stay. Bumuntong hininga ako at tumalikod na upang lumabas ng opisina niya.

Bumungad sa akin ang ilang mga doktor na pawang nakiki-usosyo. Napa-iling ako bago sila nginitian.

"Hey doctors," bati ko.

"Doctor Zuñiga?" tanong ng isang doktor, tumango ako at binasa initial plate nito.

"Yes, nice to meet you all. Hope to have good work with you guys," nasisiyahang wika ko. Hindi ko naman pweding ipakita ang bitchy side ko dahil unang araw ko pa lang.

"I'm Doctor Harvey," nakangiting tugon ng isang doktor. "Ihatid kita sa magiging opisina mo?" tumango ako sa sinabi niya.

Masasabi kong madaldal ang doktor na ito. Bumuntong hininga ako, malayo ba ang department nina Kristine dito? Si Grey, saang department ang kaniya?

Umupo ako sa swivel chair matapos kong ilapag ang sariling bag sa mesa, nagsalubong ang parehong kilay ko no'ng makita ang folder na nasa mesa ko. Kinuha ko ito at binuklat, napahilot ako sa sariling sentido dahil unang araw ko pa lang ay may pasyente na kaagad ako.

Sinuot ko ang white coat na nasa gilid bago inayos ang buhok at lumabas ng sariling opisina upang tumungong ward. Taas noo ako habang naglalakad at nginingitian ang bawat nurse na tumitingin sa akin.

Kusang bumukas ang glass door ng ward no'ng nasa tapat na ako, pumasok ako sa loob at pasimpleng tinignan ang chart na hawak ko para tignan kung anong number ng pasyente.

Lumapit ako sa matandang pasyente na nakaupo sa hospital bed. Nakaupo sa tabi ng kama ang hindi katandaang babae na mukhang asawa nito.

"Good morning ho," bati ko ng makalapit. Sabay naman silang napalingon sa deriksyon ko. "Ako ho ang doktor na aasikaso sa inyo."

Yumuko ang mag-asawa bilang pagbati sa akin, hindi ko inalis ang pagkakangiti sa aking labi habang nakatingin sa kanila. Napailing ako bago kinuha ang stethoscope sa bulsa ng white coat ko.

Gallbladder Inflammation and Gallstones— iyon ang problema ng pasyente, well hindi naman ito ganoon kahirap para sa akin kumpara sa mga pasyenteng napunta sa akin noong nasa ibang bansa pa ako. Ngunit gayunpaman kailangan ko pa ring mag-ingat sa operasyon dahil buhay ng tao ang pinag-uusapan.

Itinali ko ang buhok ko bago isinuot ang face mask, nang matapos akong maghugas ng kamay ay naglakad ako papasok ng operating room. Sinalubong ako ng isang nurse at isinuot sa akin ang scrub gown.

Huminga ako ng malalim bago lumapit sa mga kasamahan ko, saglit kong tinignan ang pasyente bago tumayo sa tabi nito.

"What is the patient's condition?" tanong ko at pasimpleng minasahe ang kamay.

"Saturation, 96 percent. BP, 110 over 60. Heart rate, 80. All good," sagot ng Anesthesiologist na ikinatango ko.

"We will begin the Cholecystectomy surgery, be prepare," seryosong pahayag ko na ikinatango nila. Ibinigay sa akin ng isang nurse ang scalpel.

When I'm done in incision the skin of the patient I commanded the nurse to give to me the bovie. Gamit ang kaliwang kamay ginamit ko ang scalpel upang mas makita ko ang gallbladder inflammation habang ang kanang kamay ay hawak ang bovie para kontrolin ang pagdurogo.

Doctor's Love (Doctor Series #2)Where stories live. Discover now