Part 48

383 26 11
                                    

******

"Hi Sara nice to see you again.. After how many years.."

"oh hello Liza.. How are you?" tanong ni Sara habang nakataas ang kilay

" Im good naman.." maikling sagot ni Liza sabay ngiti

"That's good.. So are you guys together again?" diretsong tanong ni Sara

Nanlaki naman ang mga mata ni Bong sa narinig nya galing ky Sara, ang mga taong nasa paligid naman nila ay ramdam ang kakaibang tensyon sa pagitan ng tatlo..

"uh-" hindi na nakapag salita si Bong dahil mabilis na sumagot si Liza

"Yeah we're together again.." sambit nito at mas lalong hinigpitan ang pagkaka hawak sa braso ni Bong

"Oh that's good! Comeback is real pala.. Hahah" Sara said sarcastically at umirap ky Bong

Hindi maintindihan ni Bong ang nararamdaman nya dahil sa sagutan ng dalawang babae hindi sya makapag salita, she didn't expect this to happened at sa birthday pa ng kapatid nya..

"How about you two?" Liza ask pointing Sara and Win

"We're dating.." prangkang sagot ni Sara sabay ngiti at niyakap si Win

"Congrats Mr. President" walang emosyong saad ni Bong at umiwas ng tingin ky Sara

"Thank you Atty." maikling sambit ni Win at tumigin ky Sara

After that nabalot sila ng katahimikan walang nagsalita dahil ramdam na ramdam ang tensyon, sa tuno pa lamang ng pananalita ni Liza at Sara alam mo ng may kakaiba..

Buti na lang at biglang nag salita ang EMCEE..

"Ladies and Gentlemen please sit down the program is about to start may we request the celebrant to come up in the stage please.."

Pagkatapos ay nag hiwahiwalay na sila, Bong and Liza are at the same table while Sandro, Win and Sara ay nasa kabilang table..

As the program goes by hindi maiwasan ni Bong ang sumulyap sa pwesto nila Sara, tinitingnan nya ang tatlo dahil panay ang tawanan nila at kulitan..

Nagtataka sya kung paano naging ganun ka close silang tatlo, well he knows Sara and Sandro are classmates in college pero si Win hindi nya masyadong kilala..

While Bong is busy looking at Sara he didn't notice Liza anymore, so Liza make a move para mapansin sya ni Bong..

"Hey! Are you okay? Kanina ka pa tulala.." tanong nito

Bigla namang napalingon si Bong ky Liza at inilapit ang mukha nito

"uh.. Huh? May sinasabi ka?" balisang tugon ni Bong

"I said okay ka lang ba?

" ah.. Yes.. Ikaw okay ka lang ba? "  balik na tanong nya

Tumango kang si Liza at ngumiti habang naka hawak pa rin sa braso nya..

While Sara in the other table pasimpling sinisipat sila Bong at Liza, magkasalubong na ang mga kilay nya habang tinatanaw ang dalawa..

Inilapit kasi ni Bong ang mukha nya ky Liza na para bang nag bubulungan, at naka ngiti pa ito pagkatapos bumulong ky Liza..

After nilang kumain sinerve na ang mga alak at wine.. Agad namang kumuha si Bong ng isang bote ng whiskey at nag umpisang uminom..

While sa table naman ni Sara tequila ang iniinom..

Habang nag iinoman ay tumugtog naman ang banda ng sweet music..

Kaya niyaya ni Win si Sara para sumayaw sa gitna, at dahil naka inom na si Sara agad naman sya pumayag..

Ng nasa gitna na sila ng  dance floor inilagay ni Win ang dalawang kamay ni Sara sa likod ng leeg nya habang naka hawak naman sya sa bewang ni Sara..

Habang nag sasayaw ay siniksik ni Sara ang mukha nya sa dibdib ni Win dahilan para mapangiti si Win, at mas lalong nilapit si Sara sa kanya...

Kitang kita naman ni Bong kung paano mag sayaw ang dalawa, kaya naka isip din sya ng idea niyaya nya si Liza na sumayaw..

"ahh talaga lang Sara ha? Pinag seselos mo ko? Pwes pagseselosin din kita" bulong ni Bong sa isip nya

So habang nag sasayaw sila ni Liza mas nilapit nya ito sa kanyang katawan dahil para tumama ang mukha ni Liza sa kanyang dibdib, at pasimple nya tinatanaw si Sara kung nka tingin ba..

Pero dahil meyo naka inom na si Sara at medyo antok na ay naka pikit ito habang nag sasayaw sila ni Win, kaya hindi nya nakita na sumayaw si Bong at Liza..

Ng makita ni Bong na parang wala namang epekto ky Sara dahil nga naka pikit ito, umupo nalang sila ni Liza at uminom sya ulit..

After ng kanta ay umupo na rin sila Win at Sara.. Then nagpa alam si Sara na pupunta ng banyo sasama sana si Sandro or Win, pero kaya pa naman dw ni Sara kaya kahit medyo pa gewang-gewang na ay nagpa tuloy lang ito sa pag lalakad..

Nakita naman agad ni Bong na tumayo at umalis si Sara kaya nagpa alam sya na mag babanyo..

Ang venue ng party ay sa bahay lang nila Bong so alam na alam ni Sara ang pupuntahan niya..

Hindi naman talaga sya mag babanyo, she will go somewhere else na miss nyang puntahan..

As she enter the house agad syang umakyat sa 2nd floor kung saan ang kwarto nila Bong dati, meron lang sya gustong kumpermahin..

Ng makarating na sya sa pinto ng kwarto ay agad nya itong binuksan, hindi naman naka lock ang kwarto kaya nakapasok sya agad..

Pag pasok palang nya ay nakumperma nya agad ang kanyang hinala, dahil nandoon pa rin ang mga litrato nila ni Bong sa kwarto nito..

Bawat isang litrato ay may masasayang alaala para sa kanilang dalawa, habang tinitingnan ni Sara ang mga litrato hindi nya namalayang na pinagmamasdan na sya ni Bong sa may pintuan..

Habang pinagmamasdan ni Bong ang bawat galaw ni Sara nag iinit na agad ang buong katawan nya, tinitingnan nya si Sara mula leeg nito pababa..

Dahan-dahan syang lumapit ky Sara, napatigil naman si Sara sa isang litrato nila ni Bong.. Yun ang litrato noong nag boracay sila, naramdaman ni Sara na nasa likod nya si Bong dahil sa amoy nito..

Yun kasi ang perfume na regalo nya ky Bong kaya alam na alam nya ang amoy nito..

Napatigil naman si Bong pinagmamasdan nya ang likod ni Sara, at amoy na amoy nya ang pabango nito na sya mismo ang nag bigay..

" What are you doing here?" Bong ask on his low tone

Hindi sumagot si Sara nakikiramdam lang sya sa kilos ni Bong..

Nakaramdam naman ng pang iinit ng katawan si Sara, boses pa lang ni Bong para na syang bibigay.. Ganon din ang nararamdaman ni Bong, her smell gives him shiver..

Akma nya ng hahalikan ang leeg ni Sara ng biglang..

" Sir hanap na-- ay sorry po.." gulat na sambit ni Manang Leni

Napa atras naman si Bong sa kinatatayuan nya, at agad namang humarap si Sara..

"ahm Im sorry.." sambit ni Sara at lumabas ng kwarto..

Napabuntong hininga nalang si Bong at umupo sa kama nya



"almost.."  sambit ni Bong

I'm Yours (Book 1)Where stories live. Discover now