Part 44

366 30 30
                                    

Bong's pov

The next day as usual pag gising ko ligo, bihis at kain, after that pumunta na ako ng firm..

Ng makarating ako sa firm agad naman ako binati ng mga staffs sa office, I greated them naman..

Pag pasok ko sa office nagtaka ko dahil merong paper bag sa may table ko, agad kung tinawag ang secretary ko..

"Laine..

" Yes Sir.." sagot nya

"kanino galing 'to?" tanong ko at tinuro ang paper bag

"di ko pa alam Sir ang sabi lang ng guard grab driver dw nag bigay, para dw ky Atty. Marcos.. Eh wala namang ibang Atty. Marcos dito Sir ikaw lang.." paliwanag nya

"wala bang nakasulat kung kanino galing? At anong nasa loob?" tanong ko

"Sir chineck ko na po wala pong letter, at pagkain po ang laman nyan.." sagot nya

Tiningnan ko naman ang pagkain na sinabi ni Laine, its my favorite food.. Nilabas ni Laine sa paper bag ang Tupperware..

"Kare-kare.." sambit ni Laine

"hmmm.." maikli kung tugon

"Sir gusto mo lipat ko sa plate para makakain ka?" tanong ni Laine

Tumango lang ako, agad naman sya pumunta sa pantry para kumuha ng plato at ni lagay nya doon ang laman ng Tupperware..

Agad ko namang tinikman ang Kare-kare naubos ko naman ito, I've been craving for this for so long..

" masarap ba Sir?" tanong ni Laine

"Yeah.. Familiar yung lasa.." sagot ko

"Talaga ba Sir?

" yes..

Agad naman akong tumayo niligpit na rin ni Laine ang pinagkainan ko..

I keep thinking isa lang ang alam kung nagluluto ng Kare-kare na ganun ang lasa.. But I don't think sya yun..

Nag kibit-balikat na lang ako sa naisip ko at nagpa tuloy sa trabaho ko.. After ng work ay umuwi na ako sa bahay, medyo tinigilan ko na rin ang pag inom..

Everyday laging may nagpapadala ng pagkain sa office ko, minsan naman ay snacks or coffee nagtataka na rin ako kung sino ang nagpapadala pero wala  namang nakalagay na letter..

I'm in the Palace right now dahil pinatawag ako ng Presidente for a special meeting, pinacancel ko lahat ng meeting ko nung araw na yun..

Nang makarating na ako sa Palasyo ay sinamahan ako ng isang PSG kung saan kami mag memeting, habang naka sunod ako sa isang PSG may bigla namang bumangga sa likuran ko dahil para lingonin ko ito..

"Ay Sorry Sir.. Nagmamadali lang po talaga ako..." saad nya habang patakbong naglalakad ni hindi man lang ako nilingon..

Napailing na lamang ko dahil hindi ko alam kung sino ang bumunggo sakin..

Pagdating namin sa may pinto ng meeting room ay agad binuksan ng PSG ang pinto at pumasok naman ako, pagpasok ay agad kung nakita ang Presidente na kausap si Sara..

Nagtatawanan sila habang nag uusap, hindi naman maalis sa isip ko, kung bakit parang ang close nilang dalawa...

Hindi nila namalayan na nasa likod na nila ako dahil masaya silang nag ku-kwentuhan..

"Hello Mr. President" pag singit ko sa kanila

Agad naman silang napalingon at medyo nagulat pa, tumayo naman agad sila para maki-pag hand shake..

"Hi Atty. kanina ka pa ba dyan?" tanong ng Presidente

"ahm hindi naman Sir kakarating ko lang.." sagot ko

Pinaupo nya ako sa upuan sa tabi ni Sara nasa kabila naman ang Presidente..

Habang nasa meeting napansin kung panay ang tingin ni Sara sa telepono nya, maya't maya ay may ka text sya..

Pagka tapos lang ng ilang minuto ay biglang syang tumayo at nagsalita..

"Mr. President I'll excuse my self Sir I need to go.." pagpapa alam nya

"Ang aga naman.. Ngayon agad?" tanong ng Presidente sabay tingin sa relo nito

"Ahm yes Sir.. Urgent kasi.." sagot nya naman

Parang ayaw pa syang paalisin ng Presidente dahil nga sa hindi pa tapos ang meeting..

Then I spoke..

"Sir payagan nyo na lang baka kasi may date kaya nag mamadali.." I said sarcastically at bahagyang tumawa

Bigla naman syang nag dabog sa table at humarap sa deriksyon ko at nag salita..

"What did you just said Atty?  I don't have a date with anyone bcoz I don't have time for it.. I need to go bcoz Me and my men have a mission in Mindanao, I need to go there urgently!!! So if you don't have something good to say just shut your mouth!!!

Mr. President I need to go they are waiting for me Sir.. Baka pag nag tagal ako dito makasapak lang ako ng tao at makalimutan kung naka uniporme ako!!! " galit na saad nya at nag lakad palayo

Hindi nya na hinintay na makasagot ang Presidente sa sobrang galit nya, next thing we heard ay ang malakas na pag sarado ng pinto..

Actually nagulat ako sa naging reaksyon nya its supposed to be joke pero sineryoso nya..

"You shouldn't have told her that.." President says

"sorry Sir.. Joke ko lang naman yun di ko alam seryoso sya.." I apologize

"for you maybe it was a joke but for her its not.. Hindi naman talaga sya dapat nandito dahil nga sa mission nya but I insisted to her para ma discuss ko sa inyong dalawa ang plano ko..

" I'm very sorry Mr. President..

"its fine.. Lets just continue..

Tumango na lang ako at nag tuloy-tuloy na ang aming meeting..

7pm na kaming natapos agad akong nagpa alam sa Presidente at umalis na ng Palasyo..

" Joke lang eh serious naman masyado.. Hmm! "  I murmured while driving

Hinayaan ko nalang ang nangyari..

Next morning pagdating ko sa firm ay may nagpadala na naman ng pagkain.. Pero this time may naka sulat na..

"This the last time I sent food for you.."

Yung lang at wala man lang pangalan..

I'm Yours (Book 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora