COR 04

17 4 0
                                    

//: Sorry for the late update! I've been from a long break (nagkasakit), so I'm sorry for that. Enjoy!

-

Chapter 04 | Drunk Offer
~×~×~×~


|SOREN DEIANIRA|

Malamig na simoy ng hangin ang nagpamulat sa aking mga mata.

Huminga ako nang malalim at tumitig sa madilim nang kalangitan. Nanatili muna ako dito ng mga ilang oras para makapag-isip nang maayos. The sky was reflecting what I feel now; dark and lost with the absence of the stars.

Bumuntonghininga ako. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid. Ang creepy naman dito. Ngayon ko lang na-realize na buong maghapon ako sa sementeryo.

"Geez!" I mumbled.

Dali-dali akong tumayo sa pagkakaupo at muling binalingan ang mga lapida sa aking harapan. It was the tomb of my mother and father. Arden and Sadie Kraus. Napakurap ako at huling binalingan ang katabing lapida.

Kozen Duz Kraus. My brother.

Tumalikod na ako bago pa ako mag-break down ulit. Ayoko nang umiyak. Nakakapagod. Pagod na akong pangalanan pa kung ano ang mga nararamdaman ko sa araw-araw na lumilipas.

I'm tired but the world isn't. Kaya anong karapatan kong magreklamo?

-

"Kuya, five shots of Tequila!" ani ko sa bartender sa likod ng counter na kinasasandalan ko.

Gusto kong uminom, maglasing kahit may exam kami bukas sa majors. Malapit na rin lang naman ang OJT sa aming mga graduates. Sulitin ko na.

"Right away, Ms.," ngumiti lang ako at humarap sa aking likuran.

Medyo marami nang tao ang mga nag-iinuman at nagsasayawan sa may dance floor kahit maaga pa. It was only a quarter to nine in the evening when I went here pero mga wild na sila. Mga hayok sa alak.

Napailing ako at napabaling sa isang lamesa sa may sulok ng lugar. Madilim ang area na 'yon kaya hindi ko masiyadong maaninag kung sino ang mga nandoon pero ramdam ko ang isang pares na mga mata na nakatitig sa akin.

I furrowed my eyebrows and shook my head. Bago ko pa magawang titigan 'yon pabalik, napabaling ako sa aking likuran nang iabot na sa aking ang order.

Hindi na ako lumingon at umayos na ng tayo at titigan ang limang shots ng Tequila sa aking harapan. Talagang gusto kong maglasing. I sighed and took one shot of it without hesitance. Diretso ko 'yon ininom kaya ramdam ko ang mainit na likido na dumaloy sa aking lalamunan.

Parang masusunog pa yata.

Napatawa ako dahil sa naisip. Sana nga masunod na lang. Umiling ako at kinuha ang pangalawang baso sa aking harapan. Ramdam ko ang munting pagkahilo matapos inumin ang pang-apat na baso. Puffing air, I tilted my head and stared at the last glass. Gusto ko pa.

"Kuya-," bago ko po masabi ang order ko ay may dalawang lalaki ang dumating at huminto malapit sa kaliwang bahagi ko.

"Bro! Bakante pa ba 'yong sinasabi mo sa 'kin noong nakaraan?" Nilingon ko ang lalaking nagtanong at mataman siyang tinitigan. Pamilyar siya sa akin sa mukha pero hindi ko maalala ang pangalan.

"Ah, sir. Tungkol pala ro'n, may nakakuha na kasing tenant, sir. Kahapon lang," napabaling ako kay kuyang bartender na ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang mukha.

He has tan skin, which is rare nowadays. A lot of people hate having tan skin. Muli ko siyang tinitigan at masasabi kong may karisma siya at pasok siya sa standards ng mga kababaihan ngayon.

Cries of RegretsWhere stories live. Discover now