"Joke lang, eto naman!" Sabi ni Aether at inilabas ang kanyang drawing pad. Napatingin naman si Raiden sa pad ni Aether.

"Oh mas nagpe-paint ka pala." Namangha si Raiden sa mga gawa ni Aether. Natuwa naman si Aether dahil kitang kita n'ya sa mga mata ni Raiden ang kislap nito while turning the pages of his pad.

"So magpe-paint ka para sa philosophy class?" Tanong ni Raiden.

Ngumiti si Aether at tinaas ang dala-dala n'yang camera, "No, photography ang gagamitin ko. Picturan ko kayo, candid ba ganern."

"Luh." Pagsalungat ni Raiden sa ideya ni Aether.

"Hindi, tingnan mo'to, meron na ako kina Hanz, Dain, at Auzei." At ipinakita ni Aether ang mga photos na kinuhanan n'ya for the philosophy class.

"Gago dinogshow mo lang 'yung tatlo!" Raiden exclaimed. "Ganyan din ang gagawin mo samin ni Cyon noh, bahala ka d'yan." At tinakpan ni Raiden ang mukha n'ya.

Tumawa naman nang malakas si Aether at pinicturan si Raiden. "Tama na, isa pa, ta'mo." Hingal na sabi ni Raiden sa pag-iwas sa pagka-capture ni Aether.

Tumigil din naman agad si Aether at tiningnan ang mga photos na nacapture, "Gago idelete mo 'yan ha." Sabi ni Raiden.

Bigla namang may naisip na ideya si Aether, "Nasa'n si Cyon? I mean, sa'n s'ya nagta-try-out?" Tanong neto.

"Sa gym lang naman, bakit?"

"Tara dun, pipicturan ko s'ya habang nagta-try-out." Sabi ni Aether at sumang-ayon sa ideya si Raiden.


Pumunta ang dalawa sa gym at hinanap nila ang try-out for table tennis na sinalihan ni Cyon. Nakita nila si Cyon at bumati.

Saktong si Cyon ang sunod na sumalang at pinicturan ni Aether ito for his whole try-out. Madaming na-capture na magagandang photos si Aether kay Cyon.

Pumili naman ang dalawa para masort-out ang mga photos na pwedeng gamitin ni Aether para sa Philosophy class.

Pagkatapos ay umalis na rin ang dalawa, hindi na rin nila nahintay si Cyon dahil hihintayin pa ni Cyon ang announcement ng club adviser.


At dahil na rin oras na ng klase ni Aether. "Uuna na muna ako, Raiden. May klase pa ako, ikaw ba?"

Napatingin si Raiden sa relo n'ya at napagtanto nito na 4 pm na. "Wala na akong klase eh. Sige, umuna ka na, baka malate ka pa." At nagpaalam na si Aether.


Nang makarating ng library si Raiden ay dumiretso s'ya sa Poetry section. "In your own creative way." Sabi n'ya sa sarili.

Naisip ni Raiden na gumawa na lang s'ya ng haiku na magde-describe sa impressions n'ya sa mga bagong kaibigan.

Nagsimula na s'yang magbasa at magsulat ng mga kataga hanggang sa hindi n'ya namalayan ang oras. Napansin na lamang s'ya nang mag-vibrate ang phone n'ya.

- Raiden's POV -

Naaninag ni Raiden ang pagpasok ni Aether sa library at laking pagtataka n'ya kung paano n'ya nalaman kung nasaan s'ya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Naaninag ni Raiden ang pagpasok ni Aether sa library at laking pagtataka n'ya kung paano n'ya nalaman kung nasaan s'ya. "Paano mo nalamang nandito pa ako?"

Ngumiti si Aether at sinabi, "Hehe, kita ko eh." At itinaas n'ya ang hinliliit n'ya.

Raiden was speechless because of what Aether just said. So it really means na may red string kami.

Raiden was unsure of his feelings, he just denied that his heart felt elated.

"Gago ang bilis mo." Sabi ni Hanz na hinihingal papunta sa table nila.

"Nandito ka pa?" Bati n'ya kay Raiden at umupo na ang dalawa sa tabi ni Raiden.

"Ahh, oo, naggagawa ako ng sa Philosophy class natin." Pag-iinform n'ya sa dalawa.

Tumingin naman sa paligid si Aether, "Ikaw lang mag-isa? Nasa'n si Cyon?"

"Oo, ako lang. May meeting pa kasi after ng try-out si Cyon." Paliwanag ni Raiden, habang binabasa na ni Hanz ang mga tulang ginagawa ni Raiden.

"Haiku?! Ala ang astig pre." Napasigaw si Hanz nang mabasa ang ilang linya na nilatha ni Raiden. Agad naman itinago ni Raiden ang mga iyon bago pa makita ni Aether.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sabay-sabay nang umuwi ang tatlo since hindi pa rin tapos ang meeting ng club ni Cyon nang madaanan nila na saktong kakatapos lang din ng klase ni Kallen.

"Where's Cyon?" Ang bungad na tanong ni Kallen kay Raiden.

"Ako ang nandito, tas iba ang hanap. Saet mo naman." Pang-aasar ni Raiden.

"Ulol. Hindi mo kasama eh, kasama mo ang ka-red string mo at isang third wheel." Sabi ni Kallen.

"Gago. Nasa try-out kasi, may meeting pa raw sila." Sabi ni Raiden.

"Ikaw din naman magiging fourth wheel." Sagot naman ni Hanz sa sinambit ni Kallen.

"Nah, I'm out." Akmang aalis si Kallen nang pigilan ito ni Hanz.

"Pasama lods, ayoko ng maging third wheel dito." Sabi ni Hanz na may halong pang-aasar sa dalawa.

Natatawa na lamang si Aether sa banat ng dalawa.

"Bahala kayo d'yan, tara na kasi." Sabi ni Raiden at sabay-sabay silang nagbyahe papunta sa kani-kanilang mga bahay.

- C. 04

Red String Series : Hide And Seek, The First StoryWhere stories live. Discover now