C. 03

1 0 0
                                        

Umani ito ng irap kay Cyon na sabay natawa dahil sa reaksyon nina Dain at Auzei, pati na rin ni Hanz. "Tangina, sabi ko behave." Bulong ni Auzei.

Hindi rin makapaniwala si Raiden kasi wala naman s'yang nakikitang red string of fate si Aether. Seer ba 'to??

Pero Aether insists, "Ikaw Raiden, kaya pala magaan na ang loob ko sa'yo, ikaw ang ka-Red String ko."

At kinuha ni Aether ang kaliwang kamay ni Raiden at hinawakan ang hinliliit n'ya, "Eto oh, kita mo? Magkakonekta tayo!"

Tuwang-tuwa si Aether dahil sa wakas ay nakita na n'ya ang ka-Red String n'ya.

Hindi alam ni Raiden kung paano papakalmahin ang taong unang beses n'yang makikita. Wala s'yang makitang red strings sa hinliliit nila parehas.

Kaya tumingin s'ya kay Auzei para humingi ng tulong. Agad naman rumisponde si Hanz.

"Mamaya na 'yan! Introductions first! Ako nga pala si Hanze Jin Arata at ito si Sam Aether Carnosa. First Year Fine Arts Students kami. At kabarkada namin sina Auzei since high school, pero eto si Aether, kaklase ko na simula elementary." Pagpapaliwanag ni Hanz habang iniuupo si Aether sa tabi ni Auzei para hindi maistorbo ang katagpo.

"Pasensya na kayo, may saltik talaga 'to." Sabi ni Dain at sumang-ayon naman si Cyon.


Nagsimula ulit mag-introduce ang mga ito ng basic information ng bawat isa. Nao-awkward naman si Raiden dahil panay ang ngiti at tingin ni Aether sa kanya.

Nakikita ito ni Cyon at sinipa n'ya si Auzei para pagsabihan ang kaibigan n'ya. Gusto sanang umangal ni Auzei pero tama rin naman si Cyon.

"Wait, excuse lang. I just have to talk to this guy." Pag-excuse ni Auzei sa kaibigan dahil alam n'yang hindi komportable si Raiden sa nangyari.

"Bro, I know, sabi mo na ka-Red String mo 'yon pero behave please." Sabi n'ya sa kaibigan. Nagtataka naman si Aether sa sinasabi ni Auzei. "I can see that Raiden is uncomfortable with your glances, so don't stare at him, AT ALL." .

Napagtanto naman ni Aether ang inaasal n'ya kaya tumango ito at umupong muli.

Pinipilit n'yang iwasang tingnan si Raiden kaya't ang mga kamay na lang nito ang tinitingnan n'ya. Soon after eh naging komportable naman na ang lahat sa naging meeting nila.


After ng meeting nila ay agad namang umalis sina Raiden at Cyon. Hindi ito namalayan ni Aether kaya nalungkot ito annng bahagya nang batukan s'ya ni Dain. "Ah putangina Dain."

"Para ka kasing baliw!" Sambit ni Dain at sumang-ayon ang dalawa pang kaibigan. "You made them feel uncomfortable, alam mo ba 'yon? Kahit kami, sa susunod Aether, ilugar mo."

Alam naman ni Aerher ang kanyang pagkakamali sa part na iyon kaya humingi ito ng paumanhin, "Sorry Kuys, pero ako'y nawindang lang din talaga. Sobrang blanko ko kanina. Sorry." Hindi lang din talaga napigilan ni Aether na tumitig kay Raiden kanina.

"Tinamaan na'tong potanginang 'to." Sabi ni Hanz at natawa na lamang si Auzei dahil first time n'ya ring nakita na gano'n si Aether sa isang tao.

Sweet at genuine na tao si Aether. May pagkaluko-luko pero alam ng lahat na hindi ito nagsisinungaling kahit kanino, prangka, oo, naki-criticize, oo. Nagpapakatotoo lagi si Aether bilang kaibigan kaya hinayaan na lang n'ya ito sa paniniwala nito sa red string of fate, na nakita n'ya kay Raiden.



Red String Series : Hide And Seek, The First StoryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin