Wala na si Mandy dahil binenta ko na ang kotse ko dahil hindi ko naman 'yon mabibitbit paalis.

Ending, napilitan ako at nasa eroplano na ako ngayon.

No'ng isang araw pa nakarating ng Hamilton ang family ni Noreen kaya sila ni Jace ang susundo sa 'kin.

Noreen:
Mags, where are you? Nandito na kami.

Napailing na lang ako sa kalutangan minsan ni Noreen. She might've not viewed the image I sent it last night so I just texted her to view it. It was my ticket.

Noreen:
Hayop na Jace! Pinagtawanan ba naman ako e siya nga nag utos sakin na imessage ka kasi hindi namin alam kung anong oras flight mo! Pigilan mo ko 'te naku kokotongan ko talaga 'tong kutong lupa na 'to👊

Humagalpak ako sa tawa.

Me:
Parang hindi ka na nasanay jan sa damuho na yan te hahahahahaha
Tumingin ka naman kasi minsan sa mga images na sinesend sayo ikaw aping api e🤡

Noreen:
Kakampi ba talaga kita?😔

"Ladies and gentlemen, good afternoon. This is Captain Reiko David Chen speaking, welcome onboard Flight 2B6 with service from Wiscon to Hamilton. We are currently second in line for take-off and are expected to be in the air in approximately five minutes. We ask that you please fasten your seatbelts. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Chen Airlines. Enjoy your flight."

Reiko? Older brother nila Ate Reika? Napatango tango ako. I forgot that they own this airport pala. Masyado yata akong busy at excited kaya nawaglit sa isip ko.

I was about to type my reply to Noreen when someone spoke. "Is this seat taken?"

"Malamang," mataray kong sagot nang hindi tinitingala yung nagtanong.

Tsk. Saan ka nakakita ng upuan sa eroplano na bakante? Ano'ng akala niya sumakay siya ng bus? Binayaran 'to ng nagpareserved hindi hiniram. Baliw ba 'to?

"No, I'm not crazy," a deep voice with a British accent answered. "Actually, I paid for this seat. Here, take a look at my plane ticket."

My eyes broadened. Oh, gago! Akala ko sa isip ko lang 'yon sinabi. Pahamak na bibig na 'to! Wala ng ginawang tama.

I lifted my head briefly and smiled sheepishly at the tall, fair-skinned guy wearing a brown oversized polo shirt tucked in his black pants. Nakashades ito kaya namangha ako nang tanggalin niya ito upang salubungin ng kanyang blue hooded eyes ang aking tingin. Simple lang siya but what gave him a bad-boy yet innocent boyish look though was his messy curly ginger brown hair almost falling over his eyes dahil sa haba nito.

"Shit, I'm sorry. That came out wrong," I immediately apologize. Iminuwestra ko ang kamay sa tabi ko. "Have a seat."

"It's okay," sinserong tugon niya. "First time?"

"Uh, no. It's my tenth time, actually," I said, smiling, still embarrassed.

"This must be your first time accusing someone of stealing seats after nine times of trying, yeah? Tsk." Napatikhim ako sa sobrang hiya nang magbago ang tono ng boses niya, from innocent to arrogant.

Inirapan niya ako sabay inismiran.

Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kanya sa ginawa niya, pero hinayaan ko na lang at nireplyan si Noreen na papatayin ko na ang phone ko kaya hindi ko na siya marereplyan mamaya.

"Hi, Sir Damon. You're here na pala!" I heard a woman gasp. Kaya naman pala Angel siya sa una, Demon naman pala sa huli. Sa una lang talaga masaya. Huhuhu.

Love at First Kiss [ON-GOING]Where stories live. Discover now