Chapter 3

2 0 0
                                    

Karina's POV

"Magandang araw, hija." gunita sa akin ni Ma'am Veronica.

Siya yung amo ni nanay.

Napakaganda niya at parang nasa trenta pa lang ang itsura.

"Magandang araw din po, Ma'am Veronica!" masiglang saad ko.

Kakapasok ko lang sa opisina niya dahil sinabi ni nanay na papuntahin daw ako agad doon pagkarating na pagkarating ko.

Iminosyon niya ang palad mula sa akin patungo sa upuan, para bang sinesenyasan  akong umupo sa upuang na harapan ng mesa niya.

"Gusto ko po sanang magpasalamat sa iyo para sa pagtulong sa amin ni nanay." dugtong ko sa aking sinabi matapos makaupo.

"You're welcome, Karina." saad niya.

"However, isa akong businesswoman. Kaya naman ay may kailangan kang tuparin kapalit ng pag-sponsor ko sa pag-aaral mo."

"Kahit ano po, Ma'am! Gagawin ko po kahit ano para makabawi man lang po kahit papaano sa lahat ng itinulong at itutulong niyo pa po sa amin ni nanay."

"Great!" sabi niya saka kinuha ang isang folder sa drawer ng table niya.

"Kailangan mo at ni nanay Imelda mo na pirmahan ang mga papeles na ito para ma-process ang scholarship mo under our company. I'll just call her through the telephone outside for a minute."

Tumango na lamang ako at ipinalibot ang tingin sa kanyang opisina habang abala siya sa kaniyang tawag.

Malawak ang opisina ni Ma'am Veronica.

Kulay puti ang pintura ng mga dingding nito at sa likuran naman niya ay isang malaking bookshelf na sakop ang isang buong pader at kulay brown naman ang pintura nito.

Napawi ang init sa katawan ko dahil sa mababang temperatura na ibinibigay ng aircon.

Natigil ako sa paglilibot ng paningin ko nang may kumatok sa pintuan ng opisina mula sa labas pagkatapos niyang ibaba ang telepono.

Pagkatapos ng pagkatok ay umikot na rin ang busol ng pinto at sinundan ng pagpasok ni nanay.

"Ma'am, pinapatawag niyo raw po ako."

Humuni si Ma'am Veronica at iminosyon ang kamay mula kay nanay papunta sa upuan sa harapan ko, kagaya ng ginawa niya sa akin kanina.

"Ipinatawag kita para pirmahan ang mga papeles na kailangan para ma-grant ang scholarship nitong si Karina. Karga ng mga kasulatan na ito ang mga kondisyon na kailangang maisakatupad ng anak mo." salaysay niya kay nanay.

"Una, she needs to get a business course." Panimulang salaysay ni Ma'am sa kaniyang mga kondisyon.

Wala akong alam sa negosyo at kumuha ng kursong Bachelor of Early Education dahil gusto ko sa mga bata at humahanga ako sa ilang mga guro sa eskwelahan.

'yun bang mga guro na alam ang tunay na kahalagahan ng edukasyon at hindi pagpapataas ng grado ang gusto nilang atupagin ng mga estudyante kundi ang matuto sa isang maayos na paligid.

HUMSS ang pinili kong strand dahil 'yun daw ang angkop na kunin para sa mga nangangarap na maging guro balang-araw.

Nakakapang-hinayang man na kailangan kong mag-shift ng kurso pero mas maganda na rin sigurong kunin ko yung oportunidad na naiharap sa akin.

Ang gagawin ko na lang siguro kapag nakapag-tapos na ako ng kursong nire-require ni Ma'am Vanessa, saka ako mag-iipon at kukunin ang kursong nais ko.

Alam kong sa mga panahon na iyon ay mahihirapan ako dahil kakailanganin kong pag-sabayin ang trabaho at pag-aaral pero sigurado akong sa suporta ni nanay, at ng kagustuhan ko, makakayanan ko lahat ng pagsubok na haharap sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

(How is Love: Book #1) Hello, Imperfect! I Fear LoveWhere stories live. Discover now