[11]

83 9 0
                                    

[try it with me?]

third person's pov

gaya ng inaasahan ni jimin ay maaabutan nya nga ito sa paboritong tambayan nito. tahimik itong nakaupo sa bakal na bench habang nakatitig sa kawalan. walang araw sa langit at mapapansin ang lulam. para bang nakikiisa ang langit sa iniisip at nararamdaman ni suga.

napansin nya pa ang pinag-inuman nito ng black coffee sa tabi nito. mula sa pwesto nya ay kita nya ang miminsang pagkislap ng silver bracelet na suot nito. hinawi nito ang buhok nito pataas bago napabuga ng hangin.

tahimik syang naglakad palapit dito bago umupo sa tabi nito. hindi ito lumingon sa kanya kaya kinomportable nya ang sarili nya bago tumikhim.

"uhm..yoonie.." kabado nyang pagtawag dito. hindi ito nagsalita at nanatili lang ang mga mata sa harap nila. "i-i already talked to her and--"

"mukhang alam mo na rin kung sino at ano sya sa buhay ko. kaya ka ba nandito?" tanong nito na mabilis nyang tinanguan. nagyuko sya ng ulo bago laruin ang bracelet nya.

"n-nalaman ko na kagaya ko rin sya. hinabol at minahal ka pero dahil lang sa bet. sya yung dahilan kung bakit hirap kang pagkatiwalaan ako.." bulong nya at dun ay narinig nya ang paghinga ng malalim ng katabi.

"ericka. she's a sweet, gentle and soft type of lady. nagkakasundo kami pagdating sa music at peace. pareho kaming mahilig sa ganitong lugar. yung uupo ka lang at tahimik na makikiramdam sa paligid. she's like my female version, maybe that's the reason why i fell on her during our junior years. i have been with her for four years when i realized that everything was just a bet.." napapailing na sabi ni suga.

"inamin nya sakin lahat. inamin nya rin na nahulog talaga sya sakin pero ayoko na. sira na, eh. wala na. sinira nya na yung tiwalang dalawa--tatlong taon nyang binuo. sumugal na nga ako sa kanya, eh. sinubukan ko na pero malalaman ko lang na laro ang lahat. nakakagago kasi. inisip kong sya na talaga. pinaniwala ko yung sarili ko na kami hanggang dulo pero hindi nya pala ko mapapansin kung hindi dahil sa bet na yun.."  dagdag pa ni suga.

"tinapos ko agad lahat at iniwanan sya. alam kong mahal nya ko pero ayoko na. alam kong pinagsisisihan nya yung nangyari pero dun pa rin nagsimula ang lahat, eh. di na mabubura sa isip ko yun.."

lumingon si suga kay jimin na tahimik lang na nakikinig sa kanya.

"sya yung dahilan kung bakit takot akong sumugal sayo. kung bakit tinutulak kita palayo. alam kong hindi ka tulad nya, hindi mo'ko paglalaruan gaya nya, pero wala talaga, eh. takot ako. ayoko pa. marami akong iniisip pagdating sa ganitong bagay. pakiramdam ko kapag naging tayo, hindi tayo magtatagal at mawawala maski pagkakaibigan natin na iniingatan ko.." suga smiles as he sighed deeply.

HOPELESS LOVE (YoonMin Special) [C]Where stories live. Discover now