[05]

80 9 0
                                    

[moon piercing]

third person's pov

"oh, taeminnie. anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong ni jimin nung maramdamang may nakatayo sa tabi nya. lahat ng kasama nya sa mesa ay napatingin kay taemin. agad na tiningnan nila jungkook at hoseok ang pag-angat ng isang kilay ni suga habang sinisiyasat ang mukha ni taemin.

"ah, minnie, para sayo.." agad na napabitaw si jimin sa kanina pang pagkakahawak kay suga nung may iabot sa kanyang maliit na box si taemin. agad syang tumayo at kinuha yun habang nanlalaki ang mga mata.

"para sakin? di ko pa naman birthday, taeminnie." sabi ni jimin habang nakatingin kay taemin. "kadarating lang kasi ni dad mula sa isang business trip. may mga binili syang pasalubong. nung nakita ko yan ay ikaw agad ang naisip ko." nakangiting sabi ni taemin.

"pwede mo na syang buksan." sabi ni taemin kaya kahit nahihiya ay binuksan pa rin ni jimin yun. "m-moon piercing?! a moon piercing?! oh my god! thank you, minnie!!" masayang sabi ni jimin at tinalon pa talaga ng yakap si taemin na yinakap naman sya pabalik.

"jungkookie, gusto kong bantayan mo si suga hyung dahil di na maganda ang timpla ng mukha nya." bulong ni namjoon kay jungkook na agad napangiwi. "baka ibato nya ko sa kabilang bahagi ng cafeteria, hyung~~" mahinang reklamo ni jungkook kaya agad syang binatukan ni namjoon.

"as if." namjoon

"akin na, isusuot ko sayo--" taemin

"okay, okay, that's enough." sabi ni suga sabay hila kay jimin palayo kay taemin, palayo sa mesa ng mga kaibigan nila. "w-wait, yoonie, di pa kami tapos mag--" jimin

"gutom ako--" suga

"kasasabi mo lang kanina na hindi ka gutom--" jimin

"mabilis magbago ang takbo ng sikmura ko." blangkong sabi ni suga kaya walang nagawa si jimin kundi alisin ang pagkakahawak ni suga sa kanya.

"teka lang yoonie, magpapasalamat lang ako tapos babalikan kita. sabay tayong kakain, okay? sandali lang ako, pramis." sabi ni jimin sabay takbo pabalik sa pwesto nila kanina.

pinanood ni suga ang pag-alis nito bago sya lumiko, palabas ng cafeteria. naglakad na lang sya papunta sa sunod nilang klase kahit meron pang thirty minutes bago magsimula yun. pumasok sya sa loob at umupo sa tabi ng bintana.

nilabas nya ang earphone nya at pinatong ang bag sa desk nya. pinatong nya dun ang ulo nya saka pinanood ang paggalaw ng mga dahon sa labas ng bintana.

samantala ay agad na sinuot ni taemin ang pearcing kay jimin. "thank you talaga, minnie!" sabi nya ulit saka niyakap ulit ito.

"you're welcome, chim. babalik na'ko sa mesa namin. binigay ko lang talaga sa'yo yan. mabuti na lang at nagustuhan mo." nakangiting sabi ni taemin saka bahagyang ginulo ang buhok ni jimin. tumango naman si jimin saka pinanood ang pag-alis nito.

"maganda ba, hyung? bagay?" tanong nya sa mga kaibigan nya. "yes, chim! bagay na bagay!" komento ni taehyung na may pa-thumbs up pa.

"pero nasaan si yoongi-ah?" tanong ni namjoon kaya bigla ay nabura ang ngiti ni jimin. "oh fuck!" agad nyang kinuha ang bag nya saka walang paalam na tumakbo papunta sa pinag-iwanan nya kay suga.

tulad ng inaasahan nya ay di na nga nya ito inabutan dun. napailing na lang sya bago dumiretso sa counter para mamili ng pwede nilang kainin.

ganun nya ba talaga kagustong makawala sakin? malingat lang ako ng konti ay nawawala na sya?

napabuntong hininga na lang sya matapos kunin ang pinamili nya. naglakad-lakad sya sa hallway habang hinahanap ito sa paligid. nakarating na sya sa third floor pero wala pa ring min yoongi sa paligid.

tiningnan nya ang relo nya at napansing 15 minutes na lang at magsisimula na ang klase nila. bagsak ang balikat na dumiretso na lang sya sa klase nila. nung makapasok sya ay agad nyang napansin ang natutulog na estudyante sa pinakadulo ng room, sa tabi ng bintana.

dahan-dahan syang lumapit hanggang sa makilala nga kung sino yun. namuo ang ngiti sa pagod nyang mukha bago maingat na umupo sa tabi nito. tinabi nya ang pagkain sa gilid ng mesa saka dumukmo rin sa mesa.

tanging buhok lang ni suga ang nakikita nya pero nakampante na sya dun. ang mahalaga lang sa kanya ay malapit ito sa kanya at nakikita nya. ayaw na ayaw nyang nawawala ito sa paningin nya to the point na naiikot nya ang buong uni para dito.

kampante nyang pinikit ang mga mata nya at pinakiramdaman ang lamig na nagmumula sa bintana. napangiti pa sya nung maamoy ang pabango ng katabi.

the scent that i am addicted to.

nung pagdilat nya ay agad na nanlaki ang mga mata nya nung maka- face to face si suga. nakatitig sa kanya ang mga mata nito at napakalapit pa ng mukha nila sa isa't isa. napalunok sya nung hindi ito lumayo at tinitigan lang sya.

a-ang hirap kumalma---aaahhhhhh!!! >////<

naramdaman nya ang pamumula ng buong mukha nya dahil sa intense na pagtitig nito sa kanya.

"what are you doing here?" walang ganang tanong nito. "n-nawala ka sa cafeteria k-kaya--" jimin

"thought you forgot." pagputol nito sa sinasabi nya saka sya muling tinalikuran.

pakiramdam nya ay dun lang sya ulit nakahinga ng maayos. di nya man lang napansin na sa sobrang lapit ng mukha nila ay nahigit na nya ang hininga nya.

"yoonie.." pagtawag nya dito pero di sya pinansin nito.

"i'm sorry.." bulong nya. "for what?" tanong nito. "f-for leaving you?" di siguradong sagot nya. narinig nya ang mahinang pagtawa nito.

"don't be dumb. you know that being away from you is the only thing i wish for." malamig na sabi ni suga saktong isa-isang dumating ang mga kaklase nila.

jimin just smile sadly as he look away.

grabe naman, park. bakit hindi ka na nasanay? immune ka na dapat dyan..

---





HOPELESS LOVE (YoonMin Special) [C]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon