[03]

81 9 0
                                    

[can't you try again?]

third person's pov

"talaga, jiminie?" tanong ni jungkook habang nakikikain sa dalang prutas ni suga para kay jimin. "oo, jungkookie---" jimin

"--ikaw ba yung may sakit? ikaw ba yung kailangan ng sustansya para maka-recover?" tanong ni suga sabay balik ng pagkain sa paperbag. natatawang tiningnan nila jimin at taehyung ang dumbfounded na mukha ni jungkook.

"pero hyung--" jungkook

"taehyungie, ano bang nakain nyan at ganyan katigas ang ulo?" tanong ni jin. "hindi ko rin alam, hyung. pinapakain ko naman ng maayos na pagkain yan." sabi ni taehyung kaya walang nagawa si jungkook kundi yumakap dito.

"are you done?" tanong ni suga matapos kunin ang pinagkainan ni jimin. "yes, yoonie. thank you." malambing na sabi ni jimin.

"napaka-sweet naman ng pusa mo, chim." sabi ni hoseok. "sana nga araw-araw na lang akong may sakit--aray!" reklamo ni jimin nung itulak sya ni suga

"pagdasal mo na lahat wag lang yan. napakahirap mo kayang alagaan." irap ni suga. "so, pwede kong pagdasal na mahalin mo na'ko--" jimin

"langya, bakit ba gumaling ka pa?" blangkong tanong ni suga na kinatawa ng mga kasama nila sa mesa. "inalagaan mo kasi, eh. yan tuloy." natatawang sabi ni namjoon.

"yoonieee, kapag pinagdasal kong pakasalan mo'ko, magkakatotoo--"

"mukha ba'kong santo para tanungin mo nyan?" tanong ni suga. "hindi--"

"hindi naman pala, kaya wag mo'kong tanungin nyan." sabi ni suga sabay tulak palayo dito pero yumakap lang ulit si jimin dito. "pero yoonie, thank you sa pag-aalaga sakin, ah?" sinserong sabi ni jimin na kinatikom ng bibig ni suga.

"oo nga. chim, next time, magsabi ka naman. nagugulat na lang kami na nawawala kayo pareho, yun pala ay may sakit ka. nag-aalala rin kami." sabi ni jin kaya tumangu-tango si jimin.

"two days din yun." sabi din ni namjoon sabay tingin kay suga. "yoongi-ah, di ba grade conscious ka---" joon

"yeah and shut up." agad na sabi ni suga bago pa matapos ni namjoon ang sasabihin nya. "si chim kasi ang top priority nya, joonie. di mo na dapat tinatanong yun." sabi rin ni jin kaya napailing na lang si suga.

"health matters." tanging sabi ni suga kaya natatawa na lang syang tiningnan ng mga kasama nya si mesa. "yeah, park jimin's health matters." pang-aasar ni jungkook kaya nabato tuloy sya ng balat ng prutas ni suga.

HOPELESS LOVE (YoonMin Special) [C]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon