MCL 15

40 4 0
                                    

Drake's POV








Nakarating na ako sa bahay niya pero sabi ng yaya niya, wala pa raw siya. Hindi pa siya nakakauwi, eh kanina pa iyon. Nagtext siya na may gagawin siya kaya naman umuuna na akong umalis. Umuwi muna ako para magbihis at humiga-higa pa ako ng saglit tsaka ako nag decide na pumunta na dito sa kanila pero wala pa pala siya. Anong oras na?

Napatingin ako ng bumukas ang pinto. Lumapit agad ako sa kanya.

"Bakit ang maga ng mga mata mo?" takang tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya. Yumuko naman siya ng mabilis.

"Na ano lang, na, napasukan ng madumi ang mata ko. Kinusot ko kaya napaiyak ako." sabi niya.

"Ang tanga mo, kinusot mo malamang hahapdi iyon." sabi ko. Tumango naman siya habang nakayuko.

"Ano naman ang nangyari sa buhok mo? And bakit ang daming nalalagas sa buhok mo? Wala ka namang sakit." tanong ko habang kinukuha ang mga hibla ng buhok sa damit niya.

"Ano, uhm, pagtakbo ko kanina, hindi ko namalayan na may sanga ng puno kaya nasagi iyong buhok ko roon."

Tumaas ang kilay ko. "May puno na pala ngayon na mananabunot?" tanong ko. Tumingin naman siya sa akin.

"Ha?"

"Keith, don't lie. Kung masagi man ang buhok mo sa puno o sanga o ano pa diyan. Ganito ka rami ng hibla ng buhok ang lalagas?" sabay pakita sa kanya ng mga hibla ng buhok niya na hawak ko.

Yumuko naman siya. Bumuntong hininga ako. "Sino ang nanabunot saiyo?" tanong ko. Umiling naman siya.

"Keith, sino?"

"Wala" sabi niya at lalampasan sana ako but hinawakan ko ang wrist niya.

"Sino ang nagpaiyak saiyo?" tanong ko. Umiling siya.

"Keith, just tell me and don't lie. Hindi ka magaling magsinungaling at hindi mo rin ako mapapaniwala sa mga sinasabi mo." sabi ko. Yumakap naman siya sa akin at ayun, umiyak na naman.

"Keith, sino?" tanong ko.

"Hindi ko kilala pero galit sila sa akin." Mahinang sabi niya habang umiiyak. Nababasa na ang may dibdib ko pero sige lang, iyak lang.

"Ilan?" tanong ko. Umiling siya. "Keith, ilan?" tanong ko ulit.

"Dalawa" sabi niya.

"Dalawa lang, hindi kaba lumaban?" tanong ko. Umiling naman siya. Nasapo ko ang noo ko.

"Iyakin ka lang at hindi ka palaban." sabi ko kasi totoo naman. Yumakap rin ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya.

"Aray!" sabay bitaw niya sa pagkakayakap niya sa akin at nakita ko ang mukha niya na nasaktan.

"Hindi kita sinabunutan." sabi ko. Humawak siya sa ulo niya sabah pout.

"Ang sakit ng ulo ko Drake." sabi niya sabay tulo ng mga luha niya. Napangiti naman ako.

"Drake wag kang ngumiti." inis na sabi niya habang umiiyak.

"Sorry, ang cute mo lang kasi. Cry baby." sabi ko. Nag pout naman siya.

"Kain na tayo then magpahinga kana." sabi ko at hinila na siya patungo sa dining.








----






Nakatayo ako ngayon sa harap ng kotse ko habang hinihintay siya. Ngumiti naman ako ng makalapit na siya sa akin.

"Tara na and may pupunta tayo." sabi ko at bubuksan sana ang pinto ng humarang siya sa harap ko.

My Crying LadyWhere stories live. Discover now