MCL 6

48 5 0
                                    

Keith's POV




Excite akong tumatakbo ng may naka bungguan ako, isang babae na mukhang korean na chinese ay ewan ko ba, sige halo nalang hehe.

"Hon," napatingin siya doon sa lalaki na lumapit sa amin.

"You okay?" Tanong niya rito at napatingin siya sa akin ay hala baka pagalitan ako nito.

"Sorry po. Sorry po. Pasensya na po talaga" hinging tawad ko.

"Okay lang ako Spencer" sabi ng babae.

Sobrang excited ko kasi, iyan tuloy. Championship game na kasi ng basketball team ng Lex University ngayon at katunggali nila ay ang Arcon University.

"Oh anyari dito pre?" Napatingin naman ako sa isa pang lalaki na lumapit sa amin at tumingin siya sa akin na para bang tinititigan niya ako.

"Sorry po ulit. Di po kasi ako tumitingin sa dinadaan eh." Hinging tawad ko. At honest naman ako na hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko.

"Next time maingat ka para wala kang ma bunggo" sabi nung lalaki na unang lumapit sa amin. Tumango naman ako. Strikto siya hehe.

"Ayos lang naman ikaw Raven diba?" Tanong nung lalaki na kakalapit lang sa amin kanina.

"Oo naman. Tsaka 'di naman niya sinasadya yun eh. Hehe" sabay ngiti nung babae sa akin. Napangiti naman ako dahil ang bait niya.

"Ayos lang naman si Raven, bro. Wag nang makusot ang mukha mo ha" sabi nung lalaki sa isang lalaki.

"Tara na, magsisimula na ang game" sabi nung lalaki at hinila na iyong babae.

"O miss, 'di ka manunuod ng game?" Tanong nitong lalaki sa akin.

"Ah, mamaya" sabi ko kasi bigla ko tuloy gustong maihi. Nakakaba ang tingin nung lalaki sa akin kanina. Sorry naman nakabunggo ako, di naman sinasadya eh.

"Punta ka nalang doon para may mauupuan ka pa. Maraming tao ngayon" sabi nito sa akin at sumunod na doon sa dalawa.

Patalikod na sana ako ng may kumalabit sa akin. Napatingin ako sa babae na kanina na andito na sa may harapan ko.

"Samahan mo nalang ako. Mamaya ako lang mag isa eh" sabi niya sa akin. Namilog naman ang mata ko.

"Ako?" Sabay turo sa sarili ko. Tumango siya and tumingin siya doon sa lalaki na nakahawak sa kamay niya.

"Pwede lang naman diba?" Tanong niya rito. Tumingin iyong lalaki sa akin.

"Pumayag ka na lang pre. Mahuhuli na tayu sa game eh" sabi naman nitong isang lalaki. Sinamaan naman siya ng tingin nung isa.

"Sige na nga. Tara na" sabi niya at hinila na ulit iyong girl.

"Tara na raw" sabi nitong lalaki sa akin at muli na naglakad kasunod nung dalawa. Huminga ako ng malalim at sumunod na. Okay, feel ko nawala ang ihi ko haha.

Naglalakad lang kami ng bigla siyang huminto kaya nauntog ako sa likod niya.

"Namumunggo ka talaga noh? Next time wag mo ng bunguin si Raven."

"Hala sorry naman, ikaw itong bigla nalang humihinto eh." sabi ko at lalampasan sana siya ng hawakan niya ang braso ko.

"Hep hep"

"Hurray" sagot ko habang nakangiti. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Funny iyon?" Sabay nakataas ang kilay.

"Ba't ba ang sungit mo?"

"What's your name?" tanong niya sa akin.

"Keith" sagot ko.

My Crying LadyKde žijí příběhy. Začni objevovat