MCL 4

45 3 0
                                    

Drake's POV








Rest week namin ngayon and by next week ay championship na. Pagkatapos ng championship, second semester na and malamang OJT na and training na rin sa kanya-kanyang mga family business. Speaking of, ito si Mom kababa lang ng hagdan. May bitbit naman akong isang slice bread dahil kagagaling ko lang sa kusina.

"Oh Hi Drake. Alis na muna ako, okay." sabay beso sa akin and lumabas na. Sinilip ko at may sundo pala siya. Sino? Boyfriend niya. Tch!

Hinintay ko lang silang makaalis tsaka pa ako lumabas ng bahay. Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho. Nang makarating na ako sa University, nagpark na ako tsaka bumaba. Maaga pa naman kaya maglakad-lakad lang muna ako. Pahangin.

Higit isang oras at kalahati rin akong naglakad lakad rito sa campus, dahil? Wala lang hehe, badtrip lang.

Mabuti walang nagpapansin o nangungulit sa aking babae ngayon dahil kundi nako, may iiyak na naman. Lalo na at wala ako sa mood but na bawas-bawasan na ng konti kasi nakapagpahangin ako.

Class hours na kaya kailangan ko ng pumunta sa respective classroom kung saan ang unang subjects ko ngayon. Pagkatapos ng klase ay ito lunch break. Itong mga kaibigan ko ang i-inlove. Well, good for them.

"Ikaw ba Hilton, hindi mo pa ba balak na hanapin ang girls for you?" tanong ni Marco sa akin.

"Girls talaga? May s talaga ha?" Tanong ko.

Natawa naman siya. "Ay girl pala haha. Dapat isa lang hahah."

Umiling naman ako. "Ewan, hahanapin pala yun?" tanong ko ng batukan ako ni Lou.

"Lou, mabobobo ako nito."

"Gago, hindi literal na hahanapin mo. Ibig lang sabihin yung open and willing to get to know a girl, syempre iyong interesado ka. "

"Mag date ka kaya" suggest ni Arellano.

"Tama, yan, date." sang ayun nina Marco at Lou.

"Date? Anong petsa na ba...Aray"

"Anong petsa ba sinasabi mo?" inis na sabi ni Anderson.

"So, pizza?" pagtatama ko. Inaksyunan naman ako ni Marco na susuntukin niya ako.

"Hahah biro lang. Ayaw ko ang date noh. May date nga kanina ang magaling kong ina eh." sabi ko sabay inom ng softdrinks. Natahimik naman sila at uminom rin ng softdrinks nila. They know what my problem is, as usual.

"Ang kapal lang ng mukha eh. She let those guys step into the house o kahit sa gate pa yan. Walang respeto sa pamamahay ni Dad." gigil na galit ang kakaramdaman ko everytime I saw my Mom with her boyfriends. Yes, boyfriends, kasi iba iba lang naman ang lalaki niyan eh. Kaya, iba iba rin ang dinadala sa bahay.

"Bakit hindi nalang kaya natin eh pagkasundo ang Dad ko at Mom mo noh hahah." joke na sabi ni Lou. Napangisi lang ako sa sinabi niya.

"They will be a fine bullshit couple." sabi ko na napangisi rin kay Lou. Nag apir kaming dalawa sabay kain.

"Pano ba yan, inuman naba ngayong gabi?" tanong ni Marco. Ito naman, gusto lang magkapera haha.

"Gusto mo lang magkakita ngayon eh" sabi ko. Napangisi naman ang gago.

"Malamang kaysa naman puro nalang kayo utang noh."

Natawa naman kami. Oo nga naman hahaha baka maghirap pa 'tong kaibigan namin at ma close ang Lions Bar. Pano na yan, wala na kaming tambayan. Minsan kasi nauuwi nalang sa utang hahah pero ikaw ba magkaroon ng kaibigan na yung utang mo hindi pwedeng hindi mo mabayaran the next day, agad agad at may percent na iyon hahah.









---







Keith's POV









Nakatingin lang ako kay Mama na nag iimpake ngayon. Ito na naman siya.

"Ma, baka naman pwede dito nalang muna kayo." pakiusap ko sa kanya. Bumuntong hininga siya habang nag iimpake.

"Pa ulit ulit nalang ba tayo Keith?" medyo iritang sabi niya. Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa kanya.

"Ma, hahanapin ka naman kasi ni Papa tsaka--"

Tinignan niya ako ng masama at padabog na inilagay ang damit niya sa loob ng bag.

"Alam mo Keith , paulit ulit nalang tayo diyan sa drama mo." iritang sabi niya.

"Ma naman kasi---"

"Anong Ma na naman kasi? Tumahimik kana Keith ah. Plano ko na masayang umalis ngayon tapos binabadtrip mo lang ako." galit na sabi niya. Ako pa talaga ang sinisi niya. Siya nga ang nakakabadtrip eh.

"Ma please naman kahit ngayong lang. Bukas birthday ni Papa eh." pakiusap ko. Sinarado na niya ang maleta niya.

"Anong sabi ko, diba sabi ko na tumahimik ka. Iniinis mo ako." sabay labas niya ng kuwarto at dala dala ang mga gamit niya. Sumunod naman ako sa kanya.

"Ma" pagpigil ko sa kanya pero tinulak lang niya ako.

"Isa pa Keith ha masasaktan kana talaga sa akin." galit na sabi niya at nagpatuloy lang sa pag alis. Pinigilan ko lang na wag maiyak dahil hindi dapat ako umiiyak dahil sa ina ko na iyon. She don't deserve my tears.

Bumangon na ako at naglakad patungo sa kuwarto na andito sa may baba kung nasaan si Papa. Sinilip ko siya at mahimbing na natutulog. Walang ka alam alam ang ama ko na iniwan na naman kami ng ina ko.

"Tayo na namang dalawa ulit Pa." sambit ko sa sarili ko habang nakatingin kay Papa.

Nagdala ako ng pagkain sa kuwarto ni Papa. Ang Papa ko pala ay may sakit at nakahiga lang siya lagi.

Pagpasok ko sa loob ng kuwarto niya ay napangiti ako dahil kakagising lang niya.

"Hi Pa, hapunan po." Sabi ko sabay lapag ng tray sa side table. Umupo ako at tinulungan siya na makaupo kahit kaunti para makakain.

"Pa, ako nag timpla nitong tinola ah. Judge mo nga kung masarap ba." Sabay subo sa kanya ng kutsara na may sabaw.

"Aba, masarap."

"Sos, talaga ba Pa?" Ngumiti lang siya. Sinubuan ko na si Papa hanggang sa maubos at pinainom ko na siya ng gamot.

"Pa, birthday mo na bukas. Anong gusto niyo?" Tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang gusto ko lang ay maging maayos ka at bumalik kana sa Keith na masayahin."

Napangiti naman ako.

"Keith, tuparin mo ang pangarap mong maginv Interior Designer ha."

Tumango naman ako.

"Kung hindi lang ako nagkasakit baka pagdating ng tamang panahon na maging asenso ka, pwede tayong magtayo ng business."

"Aba, parang gusto ko iyan Pa like Father and Daughter business." Si Papa ko ay isang Architect kaso natigil sa pagtrabaho kasi nagkasakit siya.

"Kaya Pa, pagaling ka ha."

Bumuntong hininga siya. "Nag ipon ako para sa iyo hindi para ubusin sa pagpapagamot ko."

"Pa, ayos lang. Pag ako nakagraduate, magkakapera ako at makakaipon. Tsaka Pa, priority natin ang health mo."

Hinawakan lang niya ng mahigpit ang kamay ko then hinaplos ang pisngi ko.

My Crying LadyWhere stories live. Discover now