Chapter 5

10 0 0
                                    

Dumaan pa ang limang buwan, na para kay Stella ay tila habang buhay na.

Pagsisid sa malamig na sapa, pagakyat sa matarik na bundok, at syempre pagpuksa sa mga elemento't engkanto na nagdudulot ng kapahamakan.

"Ate Lala?" Sabay kalabit ng nakababatang kapatid ni Stella na si Rio. Suot nya ay puting sando at shorts na nakatatak ang isang dilaw na karakter mula sa palabas sa telebisyon.

Tumingin naman si Stella sa kanyang direksyon. Mula sa pagkakahiga sa sofa'y umupo sya't hinarap ang kanyang kapatid na nagmamasid sa kanya.

"Ano yun Riri?" Tanong ni Stella habang kinurot ang matatabang pisngi ng kanyang kapatid na ngayo'y mas lumalim pa ang simangot sa mukha.

Tinapik nya ang kamay ng ate nya't kumawala sa pagkakahawak nya. Ngumiti na lamang si Stella't tumingin sa kay Rio.

"Uhmm" tila nahihiya sya't napapatingin sa malayo. Ang kyut naman ng lil bro ko sabi ni Stella sa sarili habang iniisip kung pano lalamutakin ang pisngi ng kanyang kapatid.

"Bakit lagi kayong wala ni Mama?"

Biglang may kung anong kirot sa dibdib na naramdaman ang dalaga. Pinilit nyang ingiti ang mukha kahit pa na nahihirapan sya.

Nagtetraining kasi kami para labanan ang mga aswang!

Ang nais nyang sabihin, ngunit alam nya na 'di pwedeng malaman ng kapatid nya o na kahit na sino kung anong ginagawa nila.

"Busy lang kasi sa trabaho si Mama, tapos ako sa school."

Agad na niyakap ni Stella si Rio, yumakap pabalik ang bata't agad na nagtungo sa kwarto.

Pinanuod lamang ni Stella si Rio, bawat maliit nyang hakbang papalayo. Naiwan lamang sya sa sala ng kanilang bahay.

Tanging katahimikan lang ang bumalot sa silid.

Pag tingin ni Stella sa orasa'y napadigaw na lamang sya't agad na nagmadali. Dali dali syang lumabas at kumaripas ng takbo.

Patay ako nito! Siguradong walang tapos na sermon abot ko nito. Nasabi nya na lamang habang nag-aabang ng tricycle na masasakyan papuntang bayan.

Ilang tricycle ang dumaan at sya namang senyas ni Stella ngunit nilalampasan lamang sya. Ang ilan pa nga ay tila ansama ng tingin sa kanya't ang iba'y napapatawa lamang.

Patuloy lamang sya sa pagsenyas, kasabay naman nito ang init ng panahon at ang tunog mula sa chismisan ng kanilang mga kapitbahay.

Seryoso ba 'to? Patay ako neto kay Mama!

Sa tagal ng hinintay nya'y nagbunga din ang lahat. Isang kulay puting tricycle ang nagdahan dahang huminto. Animo'y isang puting kabayong may sakay na prinsipeng matipuno.

Agad napalitan ng ngiti ang magkasalubong nang mga kilay ng dalaga.

"Bayan po kuya!" Sabay sakay sa loob. Tinitigan lamang sya ng tricycle driver. Napamasid lamang si Stella't naghintay.

At naghintay...

"Kuya, may balak ba kayong gumalaw?"

Tumingin ang driver sa kanya na akala mo'y tinititigan pati ang kaluluwa nya. Agad naman nangilabot si Stella.

"Ano ba kuya?!" Pasigaw nyang tugon sa driver. 'Di na lamang sya pinansin ng driver at nagsimula nang ipaandar ang tricycle.

'Di na alintan ni Stella kung anuman ang nangyari basta ang sa kanya'y makarating sya agad sa bayan.

Lumipas ang sampung minuto'y narating na nila ang bayan at agad inabot ni Stella ang bente pesos na pamasahe bago pa man sya makababa.

Kumaripas na ng takbo ang dalaga. 'Di alintana kung ano man ang kanyang itsura.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stella ManggubatWhere stories live. Discover now