Chapter 4

6 0 0
                                    

Masayang kumakain si Stella sa luob ng silid.

Nasa tabi nya ngayon nakaupo sa isang maliit na kahoy na upuan si Viperah. Nakatitig lamang sya sa dalaga.

"Uhmmm" Nahinto sa pagkain si Stella at tumingin kay Viperah.

Ngumiti si Viperah at kumalansing ang dulo ng kanyang buntot, para bang aso na gustong makipaglaro sa kanyang amo.

"May kailangan ka ba?" Naiirita man ngunit kalmado itong itinanong ni Stella.

'Di sumagot si Viperah, patuloy lamang sya sa pagtitig.

Napabuntong hininga na lamang si Stella't nagpatuloy na kumain.

Nawala nga si Tanda, may pumalit naman na mas nakakainis!

Paggagalaiti nya sa sarili habang kumukunot ang nuo't napapairap pa ang mga mata.

Naririnig kita munting Stella

Nanlaki na lamang ang mata ni Stella, agad nyang ibinaling ang kanyang tingin kay Viperah.

ARAYY!!

Agad na nanakit ang sugat nya sa balikat. Sabay baling ng tingin kay Viperah. Malapit na rin syang mabilaukan dahil sa narinig.

'Di na sya nakapagsalita, nginitian na lamang sya ni Viperah bago ito tumayo't nagumpisa na lumutang papalayo.

Nakatingin lamang si Stella sa kanya, na ngayo'y bumalik na sa paglantak sa niluto ng kanyang ina.

"Ipapaalala ko lang ssssssaaa'yo munting Sssssstellaa"

Nilingon ni Viperah si Stella, nahinto na rin ang kilansing ng kanyang buntot.

Habang nakatitig sa kanya ang elemento'y nagiwan ito ng babala.

May roon na lamang tayong kalahating taon bago mangyari ang digmaan.

Nahinto si Stella sa pagkain. Tinitigan nya lamang si Viperah habang ito'y unti-unting naglalaho sa isang puting usok.

Anong digmaan?

Nasaan na kasi si tanda?!

Biglang lumamig ang hangin sa loob ng silid, kahit na ganoo'y pawis na pawis parin si Stella.

Lumapit si ginang Manggubat kay Stella na kagagaling lamang mula sa kusina. Agad nyang napansin ang kakaibang kilos ng anak.

Pinahiran nya na lamang ang kamay na basa mula sa paghuhugas at agad na tumabi kay Stella.

Niyakap na lamang sya ng dalaga, madami mang gumugulo sa kanyang isipa'y ang mahalaga kasama nya ang kanyang mahal na ina.

"ARAAAAAAAAY!!!!!"

Sigaw ng dalaga habang napapahawak sa ulo na tila pinupukpok ng maso. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman.

Napatayo na lamang ang kanyang ina't nataranta, 'di alam ang gagawin.

Nagsimula ring maglutangan ang mga gamit sa loob ng silid.

Ang mga lamesa, ang mga librong nakapatong dito, maging ang kahoy na inupuan ni Viperah!

Ang ilaw ay nagpapatay-sindi!

Maging ang kama na kinahihigaa'y tila nagkaruon ng buhay!

"STELLAA!!! LABANAN MO!!!"

Pakiusap ng kanyang ina na ngayo'y lumulutang na din sa ere.

Sa mga panahong iyo'y agad binaha ng mga ala-ala ang kanyang isipan. Nagliliwanag na rin ang simbolo ng tala sa kanyang kamay.

Stella ManggubatWhere stories live. Discover now