PROLOGUE

65 6 13
                                    

Maraming lumalaganap na mga 'di maipaliwanag na mga pangyayari. May mga nagsasabing marahil ito ay kagagawan ng mga elementong 'di nakikita ng mga normal na tao, may iilan na nagsasabing ito'y kagagawan ng mga mapaghiganteng mga espiritu, ang iba ay naninindigan na may roong siyantipikong paliwanag sa likod ng mga pangyayaring ito.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang mundo ay nahahati sa tatlong nasyon. Ang nasyon ng mga tao, ng mga espiritu't elemento, at ng mga engkanto. Bawat nasyon ay nagkasundo na huwag gumawa ng kahit anong makakapagpaminsala sa kani-kaniyang mga nasasakupan. Payapa ang lahat, ngunit kalaunan ang kapayapaang ito ay mawawala dahil sa kasakiman ng iilan.

Nag-umpisang magtaguyod ng isang grupo ang noo'y pangalawang anak ng pinuno ng mga engkanto, sa kanyang isipan ay nananaig ang layunin na pamunuan ang nasasakupan ng tatlong nasyon. Ayon sa batas ng mga engkanto ay ang unang anak ng pinuno ang s'yang magiging sunod na pinuno, 'di ito matanggap ng pangalawang anak. Lumaganap ang matinding galit at inggit sa puso nya.

"DI MAITATANGGI NA LAMANG AKO SA KANYA SA LAHAT NG BAGAY AMA!"

Paninindigan ng engkanto sa Amang Pinuno.

Nakaupo ang Amang Pinuno sa isang trono na gawa sa kahoy ng Narra, napapalibutan ito ng mga dahong matitingkad ang kulay at sa paligid ng silid ay naglipana ang mga baging, dahon, at mga bulaklak. Napakaganda ng silid na ito at tunay na mamamangha ang sinumang makapapasak dito.

"Nakasaad ito sa ating sagradong kasulatan, wala akong magagawa. Sa loob ng mahabang panahon ay ito ang ginagawa ng ating nasyon."

Paliwanag ng Amang Pinuno, sa isang malalim at nakapanghihinang boses. Nang marinig ang tinig ng kanyang ama ay natigilan ang engkanto't nakaramdam ng takot.

"Ngunit Ama! Mas gugustuhin nyo ba na ang mamuno sa ating nasyon ay isang mahina at patpating nilalang?"

Napangiti ang engkanto, natutuwa na alipustahin ang kanyang nakatatandang kapatid. Lumapit sya sa kinauupuan ng kanyang ama at ito'y minasdan.

"Ang sa akin lang aking ama, Amang Pinuno, nangangailangan ang ating nasyon ng isang tulad mo na pinuno. Malakas, matalino, at inuuna ang kanyang nasasakupan."

Nang tumingin ang engkanto sa direksyon ng kanyang ama ay nabalot sya ng galit. Agad nagngitngitan ang kanyang mga ipin, agad nagsitayuan ang bawat balahibo sa kanyang katawan, at naglisik ang kanyang mata. Napaluhod nalang ang engkanto sa tindi ng kanyang damdamin.

Dama nya sa mga mata ng kanyang ama ang pagmamaliit, na tila ang baba ng tingin sa kanya. 'Di na kailangang magsalita ng Amang Pinuno para makarating sa engkanto ang kanyang nais sabihin ngunit tila iba ang kanyang pagkaintindi dito.

Awa ang nanaig sa puso ng Amang Pinuno, pinakamamahal nyang tunay ang lahat ng kanyang mga anak at sa inaasal ng pangalawa nyang anak ay naisip nya baka sya'y nagkulang, bilang isang ama.

"Ang nakatatanda mong kapatid ang sya at nararapat na mamuno sa ating nasyon kasunod sa akin."

Lumapit ang Amang Pinuno sa nakaluhod na anak at hinawakan ang ulo nito.

"Tulad ng sabi ko, wala na akong magagawa, tapos. Umalis ka na sa silid na ito."

Lumabas na ang engkanto at nilisan ang silid. Sa puso at kanyang isipan 'di lamang ang silid ang nilisan nya.

"Ako ang mamumuno, Ako lang dapat!"

Inulit ulit nya sa kanyang sarili, isang damdamin ang namuhay sa kanyang puso. Galit.

Isang pagtitipon ang naganap sa pagitan ng mga nasyon. Ito'y pinamunuan ng Amang Pinuno.

Stella ManggubatWhere stories live. Discover now