Panaginip

34 4 13
                                    

Tahimik ang paligid, nandito na naman ako, isang lugar na tila napakalawak 'di ko maipaliwanag pero parang sa tuwing ako'y matutulog lagi ako nananaginip na andito ako sa lugar na to.

Napapalibutan ng malalaking mga kahoy at maraming mga nagkikislapang mga alitaptap.

Sinubukan kong maglakad lakad at maglibot sa lugar na 'to pero sa tuwing lalagpas ako sa mga kakahuyan ay bigla nalang ako bumabalik sa gitna kung saan ako una nakapuwesto.

"DI KA PA HANDA!"

Nagulat ako sa malakas na dagundong na aking narinig, tila kulog na napakalakas.

Ilang beses ko nang narinig ang boses na ito pero hanggang ngayon ay 'di pa rin ako sanay.

"Ano bang ginagawa ko dito?"

Sinabi ko nang may pagaalinlangan.

"MAGTIMPI KA'T MAGHINTAY, MAGIGING MALINAW DIN ANG LAHAT SA HINAHARAP"

Na naman, nasabi ko sa sarili. Halos ilang buwan na kasi akong pabalik balik sa lugar na ito pero sa tuwing nagtatanong ako sa boses na aking naririnig ay yun lamang ang tangi nyang tugon.

"MAY MGA BAGAY KA NA MALALAMAN NA MAGPAPALAWAK NG IYONG KAISIPAN UKOL SA MUNDONG KINAGAGALAWAN MO, HUWAG KANG MABABAHALA IKAW ANG NAPILI AT MANGGAGALING SAYO ANG KATUPARAN NG KAPALARAN."

Katuparan ng kapalaran? Bago yun ah. Ano ba kasing nakain ko nitong mga nagdaang buwan?

Iba ang nararamdaman ko, alam ko panaginip lang ito pero nararamdaman ko na nagpapawis ako at sumasakit ang buong katawan.

"PAALAM NA SA NGAYON STELLA, NAWA'Y SIKATAN KA'T GABAYAN NG MGA BITUIN."

"AAAAAAAAAHHHHH!" Napasigaw nalang ako pagkagising, pagtingin ko sa mga kamay ko ay parang may nagliliwanag na simbolo sa aking mga palad.

"Ayos ka lang ba anak?" Napatingin ako sa direksyon ng mga salita, si mama, mukhang nag-aalala sya.

"Ayos lang po Ma, huwag kayong mag-alala 'di ako nakakita ng engkanto ngayon." Biro ko sa kanya, ngumiti naman sya pero nangibabaw parin ang pag-aalala sa mukha nya. Pagtingin ko sa mga palad ko ay wala na ang simbolo, baka guni guni lang.

"Bumalik na po kayo sa pagtulog Ma, ayos lang po ako. Salamat po sa pag-aalala."

"Ikaw pa ba Stella? Sabihin mo sakin pag may kakaiba kang naramdaman ha."

Nginitian ko na lamang sya, 'di nya alam ang mga nangyayari sakin. Akala ko lang kasi nung una ay isa lamang weird na panaginip yun, pero umulit ng umulit.

"Opo Ma, I love you po."

"Mahal din kita Stella, matulog ka na may pasok ka pa bukas."

Umalis na sya't bumalik sa kwarto. Uminom muna ako ng tubig bago bumalik sa kama. 'Di na ako makatulog, ayaw ko munang matulog.

Iniisip ko lang yung mga panaginip ko, ano kayang ibig sabihin ng mga iyon?

Tsaka napili ako? Katuparan ng anong kapalaran? Ang gulo, wala namang bagay na espesyal sa akin ah.

"Ano bang meron sakin?"

"Marami munting Stella"

Teka, ako lang isa dito sa kwarto ah. Dahan dahan akong tumingin sa direksyon ng mga salita at sinubukan ko ng buong lakas na pigilan ang sarili na sumigaw. "Ako si Tesibio, isa sa pitong tagapagtanggol na espirito."

Panaginip na naman ba 'to? Sinampal ko ang sarili ko nang ilang beses at nakakaramdam ako ng sakit, hindi ito panaginip.

"A-anong ginagawa mo dito?"

Pagkasabi ko ay tila napiyok pa ako, 'di dahil sa takot baka kasi nagdadalaga na ako, bakit? Sa lalaki lang ba yun?

"Nandito ako para ipaliwanag sa iyo ang mga nangyayari at ako ang magsisilbing tagapayo at guro mo sa pagtuklas mo ng iyong kapangyarihan."

Ayun, nababaliw na siguro ako. Kung hindi ito panaginip, baka nababaliw na ako. Siguro ay nakulam ako.

"Tumingin ka sa mga palad mo."

May mga simbolo na nagliliwanag, bituin sa kanang palad at buwan naman sa kaliwa. 'Di ako namamalik mata, totoo nga ang nakita ko kanina. Nakaramdam ako ng malakas na hangin na imposibleng mangyari nasa loob kami ng kwarto't nakasarado ang pinto at mga bintana.

"Ipapaliwanag ko sayo bukas, sa ngayon kailangan mo munang magpahinga munting Stella." "Ipaliwanag mo na ngayon, makikinig a...."

'Di ko na natapos ang sasabihin ko, naramdaman ko nalang nanghina ang buo kong katawan. Baka kung anong gawin ng Tesibio na 'to. Hinayaan ko nalang na ako'y mahimbing.

"Magpahinga ka munting Stella, pagsapit ng umaga'y mag-iiba na ang pananaw mo sa mundo."

- -🌙🌟 - -

Nagkaruon ng isang pagtitipon sa isang malayong lugar, tila nababalot ang bawat isang dumalo ng masamang enerhiya

"Magtatagumpay na tayo, sa loob ng maraming taon."

Taas noo at buong tapang na proklamasyon ng elemento sa mga kasamahan nya. Nabalot ang lugar ng paghalakhak at ng pagdiriwang.

Iniwan na muna ng elemento ang mga kasamahan at pumunta sa balkonahe, napatingin sya sa kalangitan at nagsimulang humalakhak. Naglabas naman ang katawan nya ng napakalakas na masamang enerhiya na agad naramdaman ng mga kasamahan nya't mga malapit sa pinagtipunan nila.

Kumalma na sya at bumalik sa loob.

- - 🌙🌟 - -

Stella ManggubatWhere stories live. Discover now