KABANATA 6

18 1 0
                                    

Masarap na Caldereta

ELIANA

"Ano'ng gusto mong luto bukod sa Caldereta?"

Tanong ko kay Lucas habang hinahanda ang lahat ng sangkap. Siya naman ay abala lang sa panonood sa aking ginagawa.

"Nothing. Only caldereta is my thing," he said. Naramdaman kong nakatingin pa  siya sa akin kaya tumigil ako sa paghihiwa ng karne.

"Kahit anong klaseng kaldereta?" Paniniguro ko. Baka kasi mamaya mali pala ang mapili kong karne.

"Beef only." Tumango-tango na lamang ako saka bumalik sa ginagawa. Tama naman pala ang kinuha ko sa fridge dito sa office niya. Ibinalik nito ang panonood kaya tumigil ako sa aking ginagawa.

"Hindi ka ba titigil diyan?" It feels awkward now. Bakit kanina wala naman akong naramdamang ganito?

"What? I'm doing nothing, El." He smirked while holding a knife.

"Put that knife down, baka mamaya saksakin mo ako." Tumingin siya sa akin habang hawak pa rin ang kutsilyo.

"Kailangan ko maghiwa ng patatas at carrots. Para hindi ka na mahirapan." 

"Lucas, I can manage."

"Ehhh baka mahiwa ka." Nag-aalalang sambit nito.

"Eh kung ikaw ang hiwain ko. Diyan ka lang at huwag kang magulo." Medyo napalakas at ang paghiwa ko ng patatas kaya tumilapon ito sa sahig.

"Sorry..." Agad akong umalis sa pwesto para kunin ito nang bahagya siyang humarang kaya sumubsob ako sa kanyang dibdib. Sa lakas ng pagkakasubsob ay napansin kong nakahawak na pala siya sa aking likod. Agad akong tumayo ng maayos at bumalik kung saan ako magluluto.

Itinuon ko nalang ang sarili sa paghiwa ngunit hindi ko pa rin maalis sa isip ang paglapit ng katawan ko sa kanya. Nakita kong inilagay niya ang patatas sa mangkok tsaka walang sabing pumunta sa sala. Narinig ko pa ang pag-upo niya dahilan para mag-on ang T.V. Galit?

Iwinaksi ko ang naisip na iyon. Matapos kong ihanda ang paglulutuan ay nakangiti akong nagluto. Tumingin ako sa oras at alas sais na pala ng gabi. Grabe, parang ang bilis naman ata ng oras ngayon. Medyo maaga ata akong nagluto ngunit kahit papaano ay hindi ako magugutom. Food is life kaya.

"Tapos na ako magluto!" Sigaw ko matapos ang mahigit isang oras ng paghahanda at pagluluto. Pinakiramdaman ko kung papunta ba siya dito ngunit nabigo ako nang mapansing walang taong bumungad sa harap ko.

Napabuntong-hininga ako bago alisin ang apron saka pumunta ng sala para sabihan si Lucas na kakain na. Ngunit laking gulat ko nang makitang wala siya sa sala. Inilibot ko ang aking paningin saka naglakad patungo sa banyo. Ngunit nang makarating dito ay wala akong nakitang Lucas. Tumingin din ako sa kabila ng banyo na makikita ang bath tub at shower ngunit kahit isang patak ng tubig ay wala akong narinig.

Wala sa sala, banyo, kusina. Isa na lamang ang nasa isip ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung pupuntahan ko ba ang lugar na ito ngunit tila hindi na nga ako mapakali kaya pumunta na ako sa mismong opisina niya.

Nang makarating sa pintuan ay dahan-dahan kong kinatok ang pinto. Ngunit napansin kong hindi ito naka-lock. He let his door ajar!
"Hi, may I come in?" Dahan-dahan akong pumasok, sumalubong sa akin ang malamig na hangin na nagmumula sa kanyang opisina. Unang pumukaw sa aking paningin ang malaking painting sa taas ng kanyang kaliwang table.

WEATHER SERIES 1: Sunshine In The EastWhere stories live. Discover now