"Miss ma'am, I graduated a Bachelor's Degree in Aviation and Aeronautics in Atlanta International Flight School. I worked 2 years as a commercial pilot in our company Beaumanoir Airlines before proceeding to be a Second-class Airman in the Philippine Airforce for 3 years. Medyo na bored nako sa magpalipad ng eroplano kaya nag take ako ng NAPOLCOM exam kaya ako naging Police ngayon."

I was stunned, bigla kong naalala ang pinsan kong si Rivah. Gustong-gusto kasi ng isang yun maging piloto pero masyadong mahal yung course kaya nag BS Tourism with Flight Attendant subject na lang.

"Enough showing around and get ready. Ihanda mo na yung eroplano kasi aalis na tayo." asik ni Vaughn.

Pabirong sumaludo si Billie saka nagpaalam para mag-handa. Kami naman ni Vaughn ay nagtungo sa nakabukas na pinto ng eroplano at umakyat sa hagdan kasama ang dalawang staff na marahil kasama namin sa biyahe.

Namangha ako sa sobrang ganda ng interior sa loob. Black at Gold ang kulay nito na may mini bar sa gilid at mini entertainment area pa sa kabilang dako. Mayroon din yung mini pantry at comfort room sa unahan. Everything screams luxury and power. Gosh, I can't believe my first ever flight experience will be inside a private plane. I feel so rich all of a sudden.

Pumuwesto ako sa single's chair na may mas magandang view sa bintana. Si Vaughn naman ay umupo sa tabi ko.

"Ready?" she asked.

I was about to answer her when my phone vibrated through my pants. Kinuha ko yun saglit para tignan. Tawag yun galing kay Rivah.

"Ri?" sagot ko sa kabilang linya.

"A-ate."

"O bakit? Napatawag ka?"

"Uhm, pwede mo ba akong sunduin dito sa Apollo Hotel sa may Pasay?"

"Ha? Anong ginagawa mo dyan sa Apollo Hotel?"

"A-ano kasi.... dito ako natulog kagabi."

"At bakit dyan ka natulog kagabi? Sino kasama mo?" naging maawtoridad bigla ang boses ko.

"S-sumama kasi ako sa mga kaibigan ko sa Aliwan Festival kahapon, t-tapos ginabi na kami at wala ng masasakyan pauwi k-kaya nag book na lang sila ng room at 'don kami nag palipas ng gabi."

"Sino ba yang mga kaibigan mong yan? Ibigay mo sa kanila yung tawag kasi kakausapin ko."

"Iniwan ko na siya—I mean iniwan ko na sila, nandito nako sa labas ng lobby ngayon."

"Rivah, umayos ka. Bakit hindi ka nagpaalam sakin na di ka pala makakauwi ng bahay?"

"Nawalan kasi ako ng signal."

"Signal mo yang mukha mo, mamaya ka sakin pagbalik ko. Di porket 19 ka na pwede ka ng gumawa ng mga bagay na hindi nagpapa-alam sa'min."

"Sorry na, unexpected din kasi e. Di ko na uulitin."

"Sino ba yang mga kaibigan mong yan ha?" mas naging maawtoridad pa lalo yung boses ko.

"Basta ate yun na 'yon. Ano, masusundo mo bako dito o hindi?"

"Hindi kita masusundo dyan kasi nandito ako sa Tagaytay kasama si Vaughn. Umuwi ka nalang mag-isa, mag-taxi ka."

"Sige. Uuwi nalang ako."

"Hindi pa tayo tapos ha? Mamaya ka lang." inend ko na ang tawag saka ibinalik ang cellphone sa aking bulsa.

"Who was that?" rinig kong tanong ni Vaughn. Marahil narinig niya ang mga pinagsasabi ko.

"My cousin." sagot ko.

"Ba't mo inaway?"

"Hindi kasi nagpaalam sa'min na di pala sya makakauwi sa bahay kagabi."

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now