Chapter 1

13 0 0
                                    

DELANEY QUINN DIAZ

"Anak, ba't ang likot mo?" Tanong sakin ni mama. "Eh kanina ka pa naco-concious. Ano bang probelma?"

Sino bang hindi maco-concious eh ang ikli-ikli ng paldang pinasuot sakin nga magaling kong ina. Kahit ayaw ko, eh pilit niya paring ipasuot sakin at dahil sa wala na kaming oras kanina, wala na akong panahon para mag inarte. In other words, wala na akong choice. Tsk hindi ako mahilig sa ganitong klaseng mga damit. Hindi ako girly-girly.

"Let us now congratulate our graduating class of business advertising and managment." Iniisa-isa nang tawagi ng professor ang mga makakagraduate kong mga classmate.

"...Delaney Quinn Diaz..." Nang tawagin ang pangalan ko eh agad na tumayo si mama at sumunod naman si papa. Akala mo siya yung gagraduate eh mas nauna pa siyang umakyat sa stage. Ako naman, nacoconcious parin sa suot ko. Alam ko namang maraming bastos sa klase namin. Nakakairita.

"Whooo! Go Annie! Para kay Trys-" Napatingin ako sa sumisigaw kong classmate na si Kael. Tsk, isa na ring manyakis. Eeww. Tsaka "Annie"? Yuck ang baduy naman nun. San ba nila yun nakuha? Tinatakpan ni Trystan yung bibig niya saka yumuko nang mapansin ako. Nge, eh hindi kami close nun. Sikat daw siya sa mga babae pero never pa kaming nag-usap niyan kahit isang sentence.

"Tsk, ano ba tol! Ginagawan lang naman kita ng pabor eh." Narinig kong sabi ni kael saka sila nagtawanan ng kanilang mga "tol". Pfft, nevermind.

~

"Oh anak, sigurado ka bang ayaw mong sumama sa party ng mga kakalase mo?" Tanong sakin ni papa na nagdadrive. Pagkatapos ng pagkatapos ng ceremony ay umuwi na kami.
"Ayoko ko po pa, nakakatamad. Magiging op lang naman ako dun eh. Puro mayayaman yun eh." Sagot ko naman habang nakatingin sa labas ng bintana, nagoobserba ng mga tao sa lansangan.

Dont get me wrong, masaya parin ako dahil nakagraduate na ako. Sadyang hindi lang halata sa expresyon ko. Hindi ako yung taong open sa iba. Kumbaga, I try to keep everything to myself.

Tinignan ko yung cellphone ko dahil may nagtext.

From: Unregistered Number
Hi Quinn. :) Sigurado ka bang ayaw mong sumama sa party?

Kahit hindi ko kilala ay nireplyan ko pa rin ng "No." Pgkatapos nun, hindi na siya sumagot.

Tanghaling tapat kaya naman parang nakatira lang kami sa araw dahil sa sobrang init. Naisipan kong yayain sina mama at papa na mag-mall at umoo naman sila.

Nang makarating kami sa mall ay agad kaming kunain sa paboritong naming restawran.

"Mahal, nagriring yung cellphone mo." Sabi ni mama kay papa.
"Ah, oo, excuse me ha." Paalam ni papa at sinagot yung tawag nang hindi uumalis sa harapan namin. "Oh anak, bakit?... Ha?... Nako eh hindi ko pa nababayaran ang utang mo sa account ko, maguutang ka nanaman?... Anak intindihin mo na muna please... Jay, huwag mo akong babaan ng telepono... Jay-" Nang matapos ang usapan nila ay nagtinginan sila mama at papa.
"Oh, let me guess, ang magaling kong kambal nanaman?" Sabi ko saka mahinang tumawa. Oo, may kambal ako. Si Jaydin, Jay for short. Tsk, ang bakla naman ng Jaydin. Maraming nagkaka crush diyan ewan ko ba kung bakit. Bleeeh

"By the way anak, saan mo gustong magtrabaho?" Tanong ni mama saka sumubo ng kinakain niya.

Sa totoo lang, hindi ko pa alam eh. Kahit na ganito ako katapang, eh hindi ko naman alam ang gagawin ko kapag wala na sina mama at papa sa tabi ko.

"Ah, hindi ko po alam eh. Saan nga ba..." Sagot ko nalang.
"Kung sa companya namin ka nalang kaya." Suggest ni papa. Hoy, for your information, hindi kami mayaman. Average lang kaming tao na nabubuhay sa mundo.
"No pa, ayoko pong umasa sa inyo."
"Hindi naman anak ah. Eh babantayan ka lang naman ng tatay mo." Sabi ni mama. May point naman siya.
"Ma, pa, alam ko naman pong gusto niyo akong bantayan pero kaya ko na po ang sarili ko. Magte-twenty one na ho ako. Wag na kayong magalala." Sabi ko at ngumiti nalang.
"If you say so. Kung gusto mo talaga, sige papayagan kita. Ano, gusto mo ba nabilhankita ng apartment anak? Kasi kung malayo yang pagtatrabuhan mo, eh mahihirapan ka magtravel niyan." Ngumiti si papa saka si mama.
"I agree. Ano Quinn, gusto mo bang magkaroon ng sarili mong apartment?" Tanong ni mama. Ang ganda siguro nun no? Na magkaroon ng sariling tirahan. Pero iniisip ko kung paano na sila mama at papa eh hindi mo naman maasahan yang si Jay. Pft.
"Huwag mo na kaming isipin anak. Sa tingin ko kailangan mo namang pagtuonan ng pansin yang sarili mo, hindi yung kami nalang palagi." Sabi ni mama na para bang nababasa niya yung iniisip ko.
"Siguro po, pwede na din." Pagsasang-ayon ko at tumango lang si mama.

Narinig kong nag vibrate ang cellphone ni papa at tinignan niya ito at nagsalita siya,"Mahal, kailangan na ako sa opisina." Sabi ni papa kay mama saka tumingin sakin. Tumango lang ako. "Pasensya na kayo ha. Talagang importante to eh. Sorry. Next time lang natin to pag-usapan. Okay?"

"Okay lang yun. Magshoshopping lang kami ni Quinn." Sabi ni mama.

"Its ok pa, naiintindihan ko naman po. At saka ma, magpahinga nalang kayo. Alam kong busy ka sa pagbantay ng flower shop kaya itreat mo naman yang sarili mo." Ngumiti ako. Sobrang busy nila kaya naaawa ako sa kanila. "Maggagala nalang ako dito."

Umoo naman sila pagkatapos ay uamils na. At ngayon, andito ako sa isang stall ng Tea Rex. Dito ko binibili ang paborito kong taro milk tea. Da best talaga.

"Salamat." Sabi ko sa tindera at nagsimulang maglakad.

Huminto ako sa tapat ng Guess ng marinig kong tumunog ang cellphone kong nokia na may keypad. Hindi ako mapili sa cellphone kaya kuntento na ako rito.

"Delaney, inaanak ko!" Ang bungad ng isang pamilyar na boses.
"Ah, sino po ito?" Tanong ko.
"Si tita Josephine mo ito." Narinig kong sabi niya. Napasapo ako sa noo. Naku, si tita pala.
"Tita! Naku, sorry po. Hindi ko kasi sine-save ang mga number ng ibang tao maliban kila mama at papa." Sagot ko saka pumasok na sa isang store. Magtitingin lang naman ng damit.
"Ah ganun ba. Naku sige lang. By the way inaanak, congratulations ha! Dahil naka graduate ka na! Naku, dalagang dalaga na talga ang inaanak ko. Sa susunod eh malaman ko na may pamilya ka na pala." Sabi niya saka tumawa
"Ehehe. Thank you po tita. Naku po, ang bata ko naman siguro para dun. By the way tita, paano niyo po nalaman?" Tanong ko. Sila tita Josephine kasi, sa Germany sila nagse-stay ngayon. Sila yung may-ari ng kompanyang pinagtatrabuhan ni papa. At, wala naman kaming facebook tsaka minsan lang talaga mag communicate yung mga pamilya namin.
"Ah, eh kasi Delaney, nandito na kami sa Pinas." Sagot niya. Malaking sigh.
"Ganun po ba? Aah, kailan pa po ba?"
"Kahapon lang." Pagkatapos nun ay natahimik kaming pareho. "Inaanak, hanggang ngayon pa ba ay nagagalit ka pa rin ba kay Zack?" Tanong niya.

Hindi ko siya sinagot dahil natulala ako. Maraming tumatakbo sa isipan ko ngayon.

"Inaanak, nandiyan ka pa ba?" Bumalik ako sa sariling katinuan nang marinig ko siya.
"Oo tita. Sorry, nabigla lang po ako." Narinig kong tumawa siya ng mahina.
"Its ok Delaney. Youll find out soon na it was for the best." Oookaaay? "Sige Delaney, sa susunod naman tayo mag-usap ha? May kailangan pa akong gawin. Congratulations again!"
"Thank yo tita, God bless po." At pagkatpos nun ay binalik ko na ang atensyon ko sa mga damit na nasa harapan ko ngayon.

Ano, magiging excited ba ako na andito sila? Si Zack. Si Zackery ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Gusto ko siyang iwasan pero siya naman itong habol ng habol sakin. Hindi ba niya alam na nagagalit ako sa kaniya? Hay.

Anim na taon na ang nakalipas. Sinisi ko noon ang mga magulang ko pero everythings normal ngayon. Bakit ba kasi nangyari pa iyon? Aykong magdrama nanaman.

"Miss, may bibilhin po ba kayo? Eto sale po ito oh." Tanong ng isang saleslady at pinakita sakin ang isang cocktail dress na kulay peach. Hmm, maganda naman siya pero wala akong pera. Pffft.
"Pasensya na, wala kasi akong pera." Sabi ko saka tumawa nalang at lumabas nalang ng shop.

Uuwi nalang ako. Maglalakad lang. Ang gastos kasi ng pamasahe. Malapit lang naman ang subdivision namin dito.

~

Share this story with your friends. :)

Joke LangWhere stories live. Discover now