Chapter 1 (Part 54)

107 36 2
                                    


Nang makita ko na nag hihingalo na ang Demon King ay kaagad ko itong Tiname at hineal.

Nag pa tulong na din ako kay Sar na Iheal ang Demon King, ngunit hindi sapat ang aming Healing Ability.

Nang makita ito ni Scarlett at Ellena ay kaagad din silang tumulong na Iheal ang Demon King.

Nagulat ako sa naging aksyon ng dalawa, kahit si Sar at ang iba ay gulat na gulat sa ginawa ng dalawa, hindi kasi lingid sa kaalaman nila naging biktima sila ng kasamaan ng Demon King.

Hanggang tuluyan na namin na heal ang Demon King, dahil wala itong malay ay pina pasok ko muna siya saaking Tent.

Pag katapos ng kaganapan ay kaagad kong inakbayan si Scarlett at nag simula kaming mag lakad.

Dahil saaking biglaang pag akbay kay Scarlett ay nagulat ito at napa tingin saakin, kahit sila Gishyo, Wor- Zak at ang iba pa ay nagulat saaking ginawa.

Ikinaway ko ang aking kaliwang kamay at nag salita na mamamasyal muna kame ng aking mapapa ngasawa.

Nag tawanan naman ang lahat ng marinig ang aking sinabi.

Nang marinig ni Scarlett ang aking sinabi ay namula siya at siniko ako sa tagiliran.

Nag lakad lakad kame ng medyo kalayuan sa lahat at gumamit ako ng Sound Barrier upang walang makarinig saaming pinag uusapan.

"Malayo na tayo.

Ano ba ang gusto mong itanong saakin Mr. Kentavious?" kaagad na tanong saakin ni Scarlett.

"Pasensya na kung Hineal ko siya at Tiname." aking saad kay Scarlett habang inuyuko ang aking ulo.

Nang aking sabihin iyon ay biglang umiyak si Scarlett, nang makita ko ito ay kaagad ko siyang niyakap.


-----

(Sa loob ng Tent.)

"Mukhang ayos kana." aking mariin na saad.


"Medyo, Pero masakit pa din ang aking mga natamo na Internal Wounds.

Mukhang alagad mona ako ngayon." naka ngiting saad ng Demon King.


"Hindi nako mag papaligoy ligoy pa.

Sino tumalo sayo?" aking seryosong saad.

"Hindi ko rin siya kilala, pero sigurado ako na tiga Dark Continent siya, at ang lakas na mayroon siya ay higit pa kaysa saakin.

Sa unang pag kakataon ng aking talang buhay, noon ko lang inisip na tumakbo at maka ligtas sa mala delubyong nilalang nayon.

Isa rin siyang Demon na katulad ko at doble ng aking lakas ang meron siya." na nginginig na saad ng Demon King.

"Akala ko gawa siya sa laboratoryo mo.

Dark Continent huh." aking seryosong saad.

"Hinda na nakaka gulat na may alam ka saaking Laboratoryo mukhang may kumanta ng husto saaking mga alipin.

Oo nga pala, alipin mo na rin ako simula ngayon.

Sisiguraduhin kong malaki ang maitutulong ko sayo at isa pa, mukhang mahina kapa.

Kung nag kataon na nag kaharap tayo sigurado tatalunen kita." Mapang asar na saad ng Demon King.

Nang marinig ko ang sinabi ng Demon King ay kaagad kong pinalakas ang aking Internal Force, sa lakas nito ay lumikha ng isang malakas na kulog at kidlat sa kalangitan.

Nag kulay pula ang kalangitan at tila ba nagagalit ito.

Tama ito ang aking pwersa.

Tiningnan ko sa mata ang Demon King, nagulat siya saaking pwersang pinakawalan at bakas sa kanyang mukha ang takot.

The Story of the 1st DiscipleWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu