Chapter 1 (Part 18)

235 49 12
                                    

"Isang krimen ang pag tingin saakin na naka hubad." saad ni Scarlett.

"Isa ring krimen ang pag sulyap saakin nung naliligo ako sa ilog, nung nag lalakbay tayo." aking pag tugon kay Scarlett.

"Hindi.... hindi.. ko sinasadya iyon, gusto kolang sana na mag paantok nung gabing iyon malapit sa ilog ngunit nan doon ka pala at naliligo." ang nahihiyang pag tugon ni Scarlett saaken.

"Edi patas na tayo." aking saad.

Napa tawa kaming dalawa, pag katapos non ay naligo nadin ako sa batis sa loob ng kweba.

Walang malisya ligo lang, may saplot kami parehas saaming pang baba.

Kaya ligo lang promise.

Nag uusap din kami habang nakalublob kami sa batis sa loob ng kweba.

Ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan at kaalaman saakin, mga kwento ng kanyang buhay.

Hindi nanamin namalayan na nag tagal na pala kami saaming paliligo sa batis sa loob ng kweba.

Napag pasyahan namin na lumabas na, saaming pag labas ay inaantay ako ni Sar, Gishyo at ni Ellena sa labas ng kweba.

Nagulat si Sar ng makita niya na mag kasama kame ni Scarlett sa loob ng kweba.

Syempre kung nagulat si Sar, nang asar naman si Gishyo at umoky sign nanaman si Loko.

Samantalang si Ellena naman ay gulat na gulat sa kanyang nakita.

"Eeeeheeeemmm, Boss nan dito ang Reyna ng Pretty Woman Ogre Tribe para makipag usap sa iyo." saad ni Sar.

Napa tingin ako kay Ellena bakas padin sa kanyang mukha ang pag kagulat.

Ilang segundo din siyang hindi nakapag salita.

"Queen Ellena?" saad ni Gishyo.

"Pa.. pa.. Pasensya na, medyo pagod lang ako sa mga gawain.

Gusto ko sanang maka usap ka ng personal Sir Kentavious." saad ni Ellena.

"Tungkol saan ang ating pag uusapan?" aking tanong kay Ellena.

"Sa pagitan ng aming Tribo at sa inyong Tribo." tugon saakin ni Ellena.

Pumayag ako sa sinabi ni Ellena, kaya kaagad akong pumunta saaking tinutuluyang bahay na kahoy at nag bihis.

"Pasensya na kung medyo natagalan ako." aking saad kay Ellena na tahimik na nag aantay sa isang upuan, umupo din ako sa kabilang panig ng upuan sa gitna namin ay mayroong lamesa.

"Ayos lang. Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa.

Pasensya na Ken..."bago pa ipag pa ituloy ni Ellena ang kanyang sasabihin ay pinutol kona ito.

Sinabi ko sa kanya na ayos lang.

Napa iyak siya saaking sinabi.

Tumayo ako at pinunasan ang kanyang luha.

Ikinuwento niya kung gaano sila kalapit ni Wor- Zak nung mga bata sila.

Ibinahagi din niya saakin na si Wor- Zak ay madalas sagipin ang kanyang buhay, nung panahong sunod sunod ang kagulungan sa kanilang Tribe.

Ngunit, isang araw daw ay biglang nag laho si Wor- Zak, at nung muling nag kita sila ni Wor- Zak ay bumalik lahat ng kanyang masasayang ala ala na nabuo kasama si Wor- Zak.

Mayroon pa sanang ikukwento si Ellena ng may kumatok sa pintuan.

"Boss pasensya na kung maabala ko ang inyong pag uusap, ngunit kailangan nyong malaman ito, isang malaking pwersa ng Purpleman's Beast ang lumabas sa Valjirina Rawyn Vampire Kingdom at patungo sila dito saating lokasyon." saad ni Gishyo.

The Story of the 1st DiscipleHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin