Chapter 1 (Part 12)

239 55 18
                                    

Isang tinig na aking hina hanap hanap sa tuwi tuwina.

Papalapit siya saamin, sa kanyang pag lapit saamin, muli kong nakita ang kanyang mala anghel na mukha.

Isang kayumangging buhok na naka tirintas, kayumangging balat at matapang na kayumangging mata.

Muling bumagal ang ikot ng aking mundo.

Bumalik ang mga ala alang masaya nung kasama ko siya.

Ako ang tiga pagtanggol niya nung mga bata pa kami.

Dahil muli kong nakita ang kanyang mukha, hindi ko maiwasan na lumuha.

Muli kong naalala ang trahedya na nangyari.

Tama, nasaksak siya dahil saakin.

Ang pang yayari na ayoko na muling maalala.

Ang pang yayari na pilit kong kinalimutan.

Ayoko na!!!

"Lumayo ka dito Celeste Willers!" aking hiyaw kay Celeste na papalapit saakin.

Nabigla ang lahat saaking pag hiyaw.

Ginamit ko din ang pag kakataong iyon upang umatake.

Kaagad kong hineadbutt ang lalaking may hawak saaking braso, sapul sa ilong si loko, bagsak siya ngunit may malay pa, kaya kaagad ko siyang sinipa sa mukha at naka tulog na siya.

Hindi ko namalayan na dinampot pala ng isang lalaki ang patalim na nalaglag.

Isasaksak niya sana ito saakin ng biglang niyakap ako ni Celeste, sa kanyang pag yakap saakin.

Muli kong naramdaman ang kapayapaan na tanging siya lang ang nakakapag bigay saakin.

Kapayapaan na tanging sa kanya kolang nararamdaman.

Tumingin siya saakin habang nakayakap at winika niya saakin na masaya daw siyang makita ako muli.

Sa kanyang pag yakap saakin, ay niyakap kodin siya ng mahigpit.

Sa kanyang winika ay muli akong napa iyak.

Alam kona na,

na kahit anong gawin ko.

Iisa padin ang magiging resulta.

Kailangan niyang lisanin ang mundong ito at maging isang Anghel.

Tiningnan ko si Celeste at hinawakan ang kanyang mukha at winika ko na mahal na mahal ko siya.

Tumugon saakin si Celeste na ganun din ang kanyang nararamdaman saakin, hinawakan ko ang kanyang mukha at hinalikan siya.

Ilang segundo din naka lapat ang aming labi, hanggang sa nag layo na ang aming labi, sapagkat naramdaman kong malalim na ang kanyang pag hinga.

Hinawakan niya ang sugat niya na nag mula sa saksak ng lalaki na dapat saakin tatama.

Sinalo niya ang saksak na para dapat saakin.

Sa kanyang pag hawak sa nag dudugong sugat na nasa kanyang tagiliran ay nagkaroon ng dugo sa kanyang kamay.

Inidampi niya ang kanyang kamay na saaking mukha at muli niyang sinabi na palayain kona siya.

Saaking narinig, hindi kona napigilan ang pag hagulgol ng malakas at umiyak.

Sa tagpong iyon, nag takbuhan na ang mga lalaking sumugod saakin, kasama nila ang lalaking sumaksak kay Celeste.

Saaking mga bisig namatay si Celeste ang aking kababata.

Unang kaibigan.

Unang kaibigang babae.

The Story of the 1st DiscipleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon