Chapter 49

114 6 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

Nakarating kami sa bahay ni lolo at bakas ko sa mukha ni Efren na kabado at natatakot siya pumasok kaya hinawakan ko siya sa braso.

"Maiintindihan ka nila" sabi ko at bahagyang ngumiti sakanya bago kami naglakad.

Nauna na si Nico saamen sa loob dahil kailangan raw siya ni papa doon. Sa likod naman kami dumaan dahil maraming tao doon sa harapan, agad ko naman nakita si kuya na naglalabas nung mga nasa garbage bag na basura kaya bigla siyang napatigil nangg makita kami. Baalerto naman ako ng bigla siyang naglakad papalapit saamen habang masama ang tingin kay Efren.

"Bakit kasama mo 'yan ha?" Galit niyang sabi kaya hinawakan ko naman siya sa braso at hinila siya palayo kay Efren.

Takot ako kay kuya kapag nagagalit at sobrang bilis ngayon ng pagtibok ng puso ko dahil baka kung anong gawin niya kay Efren.

"Kuya" nagsusumamo kong sabi kaya tinignan niya naman ako kaya bigla siyang bumuntong hininga.

"Mag-uusap tayo mamaya" sabi niya at tinuro si Ren Ren bago pumasok sa loob.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at tinignan si Efren pero ngumiti lang siya ng bahagya.

"I'll be fine, may karapatan siyang nagalit saaken Bejay, kaya kung ano man ang magawa niya saaken mamaya 'wag ka magagalit sa kuya mo ha. He only care's for you" sabi niya at hinawakan ang baba ko. "Let's go" sabi niya pa kaya sabay kaming pumasok.

Si mama at papa ang sunod namen nakita kaya rinig ko naman ang malalim na paghinga ni Efren mula sa likuran ko. Naikwento ko kasi sakanya na nakwento na ni kuya kina mama yung ginawa niya saaken nung araw na 'yon.

Tumingin naman saamen si mama at nasa likod niya si kuya at Rainer at parareho silang nakatingin kay Efren kaya nagsalita na ako.

"Ma" tawag ko sakanya.

"Mag-uusap tayo" sabi ni papa kay Efren saka pumasok sa isang kwarto dito sa baba kaya sumunod naman sina mama.

Tumingin muna saaken si Efren bago siya ngumiti saaken at sumunod sakanila. Susunod na din sana ako ng pigilan ako ni kuya at saraduhan ang pintuan ng wala man lang sinasabi kaya napabuga na lang ako ng hangin at pinuntahan muna si lolo.

"Nandito na ulit ako lolo" nakangiti kong sabi.

Nanatili lang ako sa harapan ng kabaong ni lolo at nakatulala at inaantay sina mama na lumabas sa kwartong yun.

RAYMOND POV

Alam kong matanda siya saaken pero hindi pwedeng palagpasin ko na lang yung mga salitang binitawan niya kay Bejay nung araw na 'yon.

"Kumusta ka naman iho?" Malumanay na tanong sakanya ni mama.

We already know what happened to their company at nalaman na din namen kung anong ginawa ng kapatid ko para matulungan sila.

"M-maayos naman ho... Ata" hindi sigurado niyang sabi at hindi makatingin saamen.

"We heard what happened. Kumusta kayo ni Bejay?" Tanong naman sakanya ni papa.

"I'm sorry tito" sabi niya bago niya mabilis na pinunasan ang mata niya.

Lumapit naman si mama sakanya at niyakap siya saka inalo. "Hindi mo naman sinasadyang sabihin 'yon diba?" Tanong ni mama sakanya at umiling naman siya. "Nag-usap na kayo?" Tanong niya ulit.

My Probinsyana Enemy On viuen les histories. Descobreix ara