Chapter 31

125 10 0
                                    

❃❃❃

EFREN POV

Isang linggo ang lumipas bago tuluyang gumaling si Bejay and masasabi ko na hindi talagang madaling alagaan ang isang Bejay kapag may sakit.

Palagi siyang nakikipag-away tungkol sa mga ipinapakain sakanya, and pft hahahaha siya pa talaga yung marunong sa nag-aalaga sakanya. Kahit ang kuya niya ayy napipikon na sakanya pero pinipigilan niya lang na kaltukan sa ulo si Bejay, and those past few days... her brothers and I, became close.

Alam na din nila na nililigawan ko si Bejay and may plano akong sabihin sa magulang niya and hindi sana ako mag-o-overthink ng malala kung hindi lang ako tinatakot ni Bejay.

"Hoy! Ano pa ang tinutunganga mo jan ha? Ano? Tara na ano ba!" Sigaw saaken ni Bejay mula sa malayo kaya tinignan ko siya at ang hotel sa likuran niya. "Kung ayaw mo sabihin kina mama bahala ka! Ako na lang magsasabi–"

"No!" Sabi ko bago tumakbo papalapit sakanya at may kasabay na pag-iling.

Ehh pano ba naman kasi sabihin ba naman saaken na...

"Paano kung hindi ka nila payagan? Paano kung sabihin mo nga pero palayasin o sabihan kang lumayo saaken? Paano kung ayaw nila sa 'yo"

Napapikit naman ako ng mariin bago sinabayan siya sa pagpasok sa loob. This is not their hotel near at their house, but masasabi ko na may pagkahawig sila pero eto mas malaki and near the city.

"Anong nangyayare sa 'yo?" Natatawang tanong niya saaken at tiningala pa ako habang naglalakad.

"I'm so damn nervous, Bejay. Kung hindi mo lang sinabi yung mga paano mo hindi pinagpapawisan ng sobra ang kamay ko ngayon" hindi mapakali kong sabi pero tinawanan niya lang ako bago hinampas sa balikat.

"Ako pa sinisi mo! Hahahahaha abnormal ka ehh nagbibiro lang naman ako kapay ka" sabi niya kaya napakunot ang noo ko at napahinto sa paglalakad.

(Kapay means baliw)

"K-kapay? W-what is that–" pero naputol ang sasabihin ko ng biglang may marinig kaming nagsisigawan.

"Happy birthday!"

Napatingin naman kami sa gilid namen, sa may reception at nakita ko nga ang ibang tauhan ng hotel na nagtitipon.

"Ohh? Hoy saan ka pupunta?" Tanong ko kay Bejay nang maglakad siya papunta doon.

Ano yung kapay? Anong meaning nun? Damn it Bejay and her bicolana words! Arghhh!

"Happy birthday, Ate Rhianne!" Masaya niyang bati at pumalkpak pa kaya napangiti ako.

How cute, mukha siyang bata tch tch tch.

"Madam!/ Ma'am!" Sabay-sabay nilang lingon at bati kay Bejay kaya kumaway naman siya sakanila.

"Blow your candle na ate dali, at hihingi ako niyang pansit niyo hahaha" sabi niya kaya nagtawanan naman sila.

Kinalabit ko naman siya mula sa likod, I feel so uncomfortable ugh!

"Bakit?" Tanong niya saaken pero umiling lang ako at nanatili sa likod niya. "Para kang bata ehh" natatawang sabi niya bago tumingin ulit sa harapan niya.

"Yeheeeeyyy!" Parang mga bata nilang sigaw ng maihipan na yung kandila.

"Madam kuha na po kayo!" Alok ng isa sakanila.

Pinagmasdan ko lang sila at kung saan si Bejay pupunta sumusunod lang ako sa likod niya.

"Penge ako tinapay" sabi niya ulit at dinapot yung isang slice bread at napangiwi at napakunot ang noo ko nang makitang ipalaman niya yung pansit sa tinapay bago tinupi sa dalawa yung slice bread at diniretso niya 'yon sa bibig niya.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now