2

10 0 0
                                    

"So tell me, What is th-" tumingin kami sa pintuan dahil sa pagdating ni Asher, napahinto rin si ma'am sa pagsasalita. 

"Why are you late, Mr. Swerez, Mr. Asher Matt Swerez?" tanong ng teacher namin sa kanya. 

"Ma'am madaming pila sa elevator" 

"Whattttt?" halos matawa ang buong klase, dahil sa pagtaas ni ma'am ng boses. 

"Are you serious right now, Mr. Swerez?" tinignan niya si Asher na hindi parin sinasagot ang tanong niya.

"Nevermind sit down, quiet class" nakinig lang ako sa mga lessons namin at nagtatake down, habang ganun din si Acy. 

May pina drawing samin ang teacher namin, kaya kailangan namin ng oslo paper. Nagpa alam ako sa teacher namin para bumili, at buti pumayag siya. Habang naglalakad napansin ko yung mga studyante sa field, meron silang badge ng katulad samin kaya alam kong STEM din ang strand nila. Pinanood ko sila ng ilang minuto dahil ang galing nila mag volleyball, aalis na sana ako ng may magsalita sa likod ko. 

"Anong ginagawa mo jan?" tanong ni Asher, sasagot na sana ako ng magsalita siya ulit. 

"Isusumbong kita kay Ma'am" tumaas ang kilay ko at iniwan siya dun. 

Anong akala niya sakin matatakot sa kanya, dumiretso na ako sa canteen para bumili ng oslo. Wala masyadong bumibili, kaya nakabili ako agad. Umalis na yung mga studyante sa field kanina, kaya naglakad na ako patungo sa room namin. Pagkapasok ko ay nagulat ako sa pagtayo ng teacher namin. 

"What took you so long, Ms. Avillar?" tumingin ako kay Asher, dahil alam kong nagsumbong siya. Pero binigyan niya lang ako ng nangaasar na tingin. 

"Sorry po" 

"Go to your seat, and finish your activity" 

Bago ako makaupo, nagkunwari muna akong may itatapon sa basurahan pero kukurotin ko talaga si Asher. Malapit na ako sa kanila ng magsalita ang katabi niya, "Why did that girl give you a look like that?" inantay ko muna siyang sumagot bago lumapit sa kanila. 

"She's....." sagot ni Asher, pero hindi niya naitutuloy kung ano yung sasabihin niya. 

"You like her?"ani ng pinsan niya. 

Hindi pa siya nakakasagot ng magsalita ang teacher namin, "Ms. Zada, someone's looking for you." tumayo si Acy para tignan kung sino yun, nakita din ako ni ma'am at sinenyasan na umupo, kaya bumalik na ako sa upuan ko. 

Tinapos ko lang yung drawing ko, matagal rin naman ang oras namin sa subject na ito. Bumalik na din si Acy, pagkatapos niyang makipagusap sa humahanap sa kanya kanina, tapos niya na yung drawing niya bago ko simulan yung akin. Maganda yung gawa niya, kaya lumapit ako sa kanya dahil tapos ko na rin naman ang gawa ko . 

"Ang ganda ng drawing mo" tumawa lang siya, at tinignan din yung akin. 

"As well as yours" 

"Hindi kaya..." nagkwentuhan lang kami, at hinihintay mag bell para ipasa ang gawa namin. 

Napatingin kami sa bandang kabilang side, dahil sa malakas na tunog. "Sorry" nasagi niya yung kahon na kahoy na nakapatong sa lamesa, saktong nagbell na din at pinasa na namin yung mga gawa namin. 

Pabalik na ako sa upuan, ng may nabangga ako "Halla sorry" tumingin ako at si Asher ang bumungad sakin, "Marunong ka palang magsorry" inirapan ko siya, nahulog yung gawa niya  kaya nakita ko ito, na amaze ako dahil parang 3d yung gawa niya sa sobrang ganda. 

Kinuha na niya ito, at naglakad papunta sa harap para sa ipasa. Habang tinatali ko yung buhok ko ay may tinanong si Acy. 

"What are you going to get in college?" napaisip din ako kung ano. 

Pursuit of Two DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon