CHAPTER 4

3 0 0
                                    

Chapter 4

Belle's Point of View

"Are you free this coming Saturday?" Tanong ni Uno sa akin habang naka-hilig ako sa kaniyang balikat.

Umangat naman ako ng tingin sa kaniya. "Hmm, why?" I asked. Iniisip ko kung free ba ako this coming Saturday.

Wala na naman akong gagawin dahil na-finalize ko na ang upcoming collection ko. Everything's settled. Model na lang ang kulang at ang model na gusto ko ay hanggang ngayon ay hindi pa din pumapayag.

Tsk.

"Can you come with me on my photoshoot?" Saad niya habang marahan niyang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang daliri.

Nasa condo ulit ako ni Uno at alam niyo na kung ano ang nangyari sa amin. Katatapos lang namin at kasalukuyan kaming nagpapahinga. And believe me when I say, I love to lay my head down on his chest. Ewan ko ba pero it makes me feel comfortable every time I lay down beside him. Iyong pagod ko na nawawala, hindi lang sa ginawa naming pakikipag-laro sa apoy, kung hindi nawawala ang buong pagod ko sa buong hapon na pagta-trabaho. And also, it's very satisfying to me to feel his heart beat.

Ang sarap pakinggan ng tibok ng puso ni Uno.

Kung papipiliin ako kung anong gusto ko, mas pipiliin kong manatili sa tabi ni Uno buong mag-hapon. I cannot explain what I truly feel but I feel happy and comfortable whenever I'm with him. Which I never felt for anyone.

"Wait." Saad ko pagka-tapos ay umupo ako kipkip ang kumot sa aking dibdib. "Is that your photoshoot with Coachella?" Takang tanong ko sa kaniya.

Tumango-tango naman siya sa akin. Nahigit ko na lamang ang aking pag-hinga sa gulat. Why! Coachella is one of the most famous clothing lines not only here in the Philippines, but in the whole world.

Pagmamay-ari ito ni Stormy Park, anak ng pinaka-sikat na mafia boss na si Mr. Rain Park at ang asawa nitong si Mrs. Louise Jadelyn Min.

Sobrang iniidolo ko talaga si Ms. Stormy when it comes to fashion designing. Halos kasi ng inilalabas niyang collections ay talaga namang nagt-trending. Tinagurian pa ngang Queen of Fashion si Ms. Stormy dahil sa ganda ng mga designs nito, pati na rin sa pananamit nito.

Sa pagkaka-alam ko pa nga ay sa murang edad ay naka-gawa na ng magagandang vintage dresses si Ms. Stormy gamit ang mga pinaglumaang damit ng kaniyang ina. At sa edad na 19 ay naitayo nito ang dream business nitong fashion clothing line which is the Coachella na talagang sumakit sa buong mundo.

Magkasing-edad kami but she's really my idol. Oh my God! At ang swerte ni Uno dahil siya ang napiling maging model nito para sa Summer Collection na ire-realeased ng Coachella.

"Yup." Sagot ni Uno at umupo din ito. "I know you idolized Stormy that's why I want you to come with me so that you can meet her." He said.

Halos kuminang ang mga mata ko sa mga sinabi ni Uno. Mame-meet ko na si Ms. Stormy! Oh my God!

"So, you wanna come?" Naka-ngiting tanong ni Uno sa akin. Unti-unti namang sumilay ang malaking ngiti sa aking labi kasabay ng sunod-sunod kong pag-tango.

"Of course! Hindi ko palalagpasin ang once in a lifetime chance na ma-meet ko si Stormy Park!" I said, dreamingly.

Mahinahong tumawa naman si Uno pagka-tapos ay hinawakan nito ang aking pisngi.

"I'm sure she'll be happy to meet you." He said. Ngumiti naman ako. "How can you say so?" I asked. Kinikilig ako oh my God!

Wala pa nga ang araw na mame-meet ko si Stormy pero ngayon pa lang kinikilig na talaga ako. My fan girl heart is shaking!

A Beautiful MessWhere stories live. Discover now