CHAPTER 3

8 1 0
                                    

CHAPTER 3

Belle's Point of View

Tumayo na ako at nag-inat. Ang sakit-sakit talaga ng katawan. I want a goddamn body massage.

Bakit ba kasi ang halimaw sa kama ni Uno eh. Tsk!

Sinuot ko ang nakita kong polo na hinubad ni Uno kagabi na nakalapag sa carpeted floor. Then I tied my hair up in a messy bun at pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto ay agad na kumunot ang noo ko. May naaamoy kasi akong mabango galing sa kusina. Para bang may nagluluto?

Humahalimuyak ang amoy ng tinapay na pinalamanan ng butter at ang mabangong aroma ng kape.

Shocks! Nakakagutom naman ang amoy na iyon.

Pero nakakapagtaka lang dahil ang alam ko'y mag-isa na lang ako ngayon dito sa loob ng condo ni Uno. So, sino ang nagluluto sa kusina?

Nanglaki ang mga mata ko when realization hits me. Hindi kaya may naka-pasok na magnanakaw at nagutom ito kaya nag-luto muna bago magnakaw? Oh my gosh!

Natutop ko ang aking bibig at dahan-dahang nag-lakad papuntang kusina. Diyos ko! Paano naka-pasok ang magnanakaw dito sa condo ni Uno? Hindi ba isinara ni Uno ang pinto n'ong umalis siya? Or hindi ba mahigpit ang security sa place na 'to?

Gosh!

Pero in fairness sa magnanakaw na 'to ah! Nagawa pang mag-luto muna bago magnakaw. Tsk. Iba na talaga ang panahon ngayon.

Malapit na ako sa kusina at ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba. Ipinagdadasal ko na sana hindi ako makita ng magnanakaw na 'to at wala sana siyang gawing masama sa akin.

Like duh! I love my life! I'm not ready to die!

Nang marating ko ang bungad ng kusina ay dahan-dahan akong sumandal sa pader at dumungaw upang silipin ang kung sino man ang talipandas na nangahas pasukin ang condo ni Uno.

Ngunit ganoon na lamang ang pangungunot ng noo ko nang makita ko ang taong nasa kusina. Naka-talikod ang lalaki sa akin at naka-suot ng apron habang abala sa pagluluto.

Ang sosyal naman ng magnanakaw na ito. Naka-apron pa talaga. Magnanakaw ba talaga 'to? Feel at home huh.

Pero bakit tila pamilyar sa akin ang likuran ng lalaking ito? Hindi kaya....

Agad kong naipilig ang aking ulo ng maalala ko si Uno. Para kasing likod ito ni Uno eh. Ganito kasi ang likod ni Uno.

Uno has a very beautiful, well-defined, and muscular back. The same with this unknown person.

Pero imposible kasing si Uno ito eh. Ang alam ko may photoshoot si Uno ngayon kaya sobrang labo na ang lalaking feel at home na nagluluto ngayon sa kusina ay si Uno.

"Uno?" Sa sobrang pagtataka ko ay walang pagdadalawang-isip at agad 'kong naisambit ang pangalan ni Uno. Kinakabahan pa ako dahil baka mamaya pag-lingon nito ay magkamali ako ng hinala.

Ngunit ganoon na lang ang pagkawala ng pangamba ko nang tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Uno. He stares at me for a second then flashes his sweetest smile.

Bigla akong natutulala. Hindi dahil sa hindi ako makapaniwala na andito ngayon sa harapan ko si Uno na akala ko'y iniwan ako mag-isa dahil sa photoshoot nito. Kung hindi dahil bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa aking dibdib.

The way he flashed his smile at me. Hindi ko maipaliwanag pero nag-dulot ito ng kakaibang pakiramdam sa akin.

Damn! Who would have thought that this handsome man in front of me who's a monster in bed has an angelic smile?

A Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon