Chapter 25

5.6K 162 0
                                    

Hindi alam ni Drew kung paano siya nakarating sa puntod ng Mama niya pagkatapos ng hindi magandang pag-uusap nila kanina ni Gabby.

Pakiramdam niya ay parang sinaksak ang puso niya kanina ng sabihin ng dalaga ang mga katagan iyon.

He had never been rejected by a girl before kaya naman sobrang siyang nasaktan hindi dahil sa ego niya pero dahil sa hindi niya inaasahang for the very first time na nainlove siya ay ito rin pala ang kauna-unahang pagkakataong makakaramdam siya ng ganito katinding sakit sa puso.

Hindi niya gustong iwan ito kanina pero hindi niya nakayanan pa ang pag-usbong ng matinding kirot sa puso niya kaya pinili niyang lumayo muna rito para makapag-isip din siya.

Hindi niya alam kung masyado ba siyang nagpadalos-dalos sa ginawa niya. Kung masyado bang maaga pa para makaramdam siya ng pagmamahal sa dalaga.

He drove away from the school at heto nga at dinala siya sa puntod ng kanyang ina.

His mother died when he was 15 years old. Old enough to know and understand what was happening. Namatay ang Mama nila ni Audrey dahil may sakit ito sa puso. Masyadong mahina na ang puso nito kaya kahit saan pa nila ito pinagamot ay wala ring nagawa ang mga espesyalista para masave ang Mama nila. That was the most painful time of his family's life.

He could still remember how loving and caring their mother was. Napakabuti nitong ina sa kanila ni Audrey at napakabuti rin nitong asawa sa Daddy nila. Kaya naman noong nalaman nilang humihina na ang puso ng Mommy nila pagkatapos nitong maipanganak si Audrey ay agad na nag-seek ng specialists ang Daddy nila from locale doctors to the doctors outside the country. Mga ilang taon ding naging mabuti ang kalagayan ng Mommy nila pero 3 years ago lang bago pa ito namatay ay nakita nilang unti-unti ng di kinakaya nito ang mga treatment. She stopped responding to medications and then after that yun na. Tuluyan na silang iniwan nito.

Until now ay nagluluksa pa rin sila sa pagkawala nito pero sabi nga nila,life goes on. What happened only brought their family together and stronger than ever. Ang Daddy na nila ni Audrey ang patuloy na gumagabay at nag-aalaga sa kanila kaya naman ay pinangako niya sa Mommy niya na tutulungan niya ang Daddy niya sa lahat ng bagay.

"How are you,Mom? I missed you..." aniya ng tuluyan na siyang nakaupo sa tabi ng puntod ng ina.

It's dark pero hindi siya takot. He's not afraid of ghosts or anything.Everytime na may pinagdadaanan siya ay dito agad siya nagpupunta kasi alam niyang it's easy for him to talk to his Mom.

"Mom,I'm in love with a girl for the first time. Pero nabusted din ako for the first time." mapait pa niyang sabi. " Gabby is her name. She's an angel. Mula noong nakilala ko siya nagbago na lahat ng pananaw ko. I think I'm becoming a better person dahil sa kanya. Kaya naman kahit hindi ko pinalano I learned to fall in love with her. Masama ba yon?Ngayon lang ako nakadama ng ganito sa isang babae,Mom. Hindi naman kasi mahirap matutunang mahalin si Gabby. Unang kita ko pa lang sa kanya siya na agad ang nagpatibok ng puso ko ng hindi ko inaasahan.Am I wrong for falling for her?"

Hinaplos niyaa ng lapida ng Mommy niya. Lagi niya itong ginagawa sa tuwing dumadalaw siya rito. His Mom was his true bestfriend. Kahit di ito sumasagot pero alam niyang nakikinig lang ito sa mga sinasabi niya.

"I'm afraid that I might totally lost her,Mom because I confessed my feelings for her. I thought,she felt the same pero I was wrong. I don't know,masyado lang ata akong nag-assume na parehas kami ng nararamdaman dahil sa iyon naman talaga ang nakikita ko sa mga mata niya,sa halik niya at sa minsang mga ikinikilos niya. She might be cold pero alam kung panlabas niya lang anyo iyon. I know deep down that she's vulnerable and fragile.Pero ang hindi ko maintidihan ay kung bakit ganun siya katigas at ka manhid? "

Journey To Love [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon