Ilang babae na kaya ang binaliw ni Uno sa mga ngiti niya?

"Good morning, beautiful!" Naka-ngiting bati sa akin ni Uno. Naipilig ko naman ang aking ulo at oras na matauhan ako ay agad 'kong sinugod ang huli at mahinang binatukan.

"Ouch! What was that for?!" Reklamo nito sa akin habang naka-pikit ang isang mata nitong hinihimas ang parteng tinamaan ko.

"Kinakabahan ako! Akala ko may magnanakaw na naka-pasok dito sa loob at naisipang mag-luto!" Asik ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

Napahinto naman si Uno at saglit akong tinitigan. Iyong titig na hindi na maka-paniwala. Then he burst into laughter.

Nangunot naman ang noo ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"What the hell, Belle Catastrophe?" Natatawang pahayag niya sa akin. Umarko naman ang kilay ko. "Sinong magnanakaw ang makaka-isip n'on? I mean, you're a thief and your purpose is to steal things, not to cook in someone's house. You might get caught by the owner if you do that you know?" Uno explained in between his laugh.

Tawang-tawa talaga siya sa sinabi ko. Halos mamatay na sa kakatawa ang isang 'to eh.

"Duh! Malay mo 'yong magnanakaw biglang nagutom. Eh wala namang tao kaya nag-luto na siya." Mataray na sagot ko sa kaniya. Mas lalo namang lumakas ang pag-tawa ni Uno. May pahawak-hawak na ito sa tiyan niya ngayon.

Ano bang nakakatawa? Do I look like I'm joking here? Duh!

"My goodness, Belle Catastrophe!" He said, laughing his motherfucking ass out. "If you're the thief and you suddenly get hungry, mas gugustuhin mo na lang kumuha agad ng pagkain sa fridge kaysa mag-luto pa. Mahuhuli ka kung ganoon. Damn." Anito at muling tumawa.

Napa-nguso na lang ako. This man is really making fun of my foolishness.

Naka-ngusong tinitigan ko lang si Uno habang hinihintay ko siyang matapos sa kaniyang pag-tawa.

Masaya siya eh, ayoko siyang pigilan. Bahala siyang kabagin sa kakatawa niya.

Nang unti-unting maka-recover si Uno ay agad siyang tumitig sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinawi niya ang iilang strands ng buhok na naka-tabing sa mukha ko. He's still smiling and I can see the amusement in his eyes.

"You're so naive, Belle." He whispered then he looks at me straight in the eye. "And that's what I like about you." He said, smiling, and planted a soft kiss on my forehead.

For a second, nakaramdam na naman ako ng kakaiba sa kilos na ginawa ni Uno.

He's always like this. He loves to tease me. Make fun of me. But he never fails to be this sweet every time he's done. Hindi lang sa tuwing inaasar ako nagiging malambing si Uno. But every time we are together, out of the blue, bigla siyang nagiging ganito kalambing, which he never did to anyone, or at least I never saw him do these sweet things to anyone.

Except to Tatiana, his cousin. Nag-iisang pinsan nilang babae iyon kaya naman prinsesa ang turing nilang magpi-pinsan sa best friend ko.

But other than anyone, no.

Am I an exception too?

Nah. I don't think I am. Maybe, Uno was being sweet to me because we have this different kind of relationship than some people have. Ayokong mag-isip pa ng iba beyond that.

Bakit? Hindi ko din alam sa sarili ko. Basta, I don't want to expect anything from Uno. I'm fine with our current set-up and him being sweet to me is just a part of that.

No more. No less.

"Tss. Jerk." I hissed. Pinakawalan naman ako ni Uno at mapaglaro itong nag-kibit balikat habang may mapaglarong ngiti sa mga labi nito. Napailing na lang ako.

A Beautiful MessWhere stories live. Discover now