The first story of the RED STRING SERIES
SeungJin filo twitter au
Raiden (KSM) can see people's red strings, yet he cannot see his. He is a Seer.
Aether (HHJ),woke up one day, and suddenly saw his red string.
And it was connected to Raiden.
How wi...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
- 3 Idiots + 1 Group Chat - - Aether's POV -
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Naghihintay na sina Raiden at Cyon sa tambayan sa tapat ng CAFAID Building. "Ang tagal talaga pota." Sambit ni Cyon na naiinitan na sa kabanasan sa campus nila.
Binigyan ni Raiden ng panyo si Cyon at sinabi, "Relax ka lang. Kaya ka pinapawisan n'yan eh." At ginamit naman ni Cyon ang panyo ni Raiden.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin sina Dain at Auzei. "Asan na 'yung dalawa n'yong tropa?" Unang bati ni Cyon na may inis sa boses n'ya.
Hinayaan na lang ni Auzei na si Dain ang sumagot, "Papunta na rin. Nung huling chat namin e naglalakad na papunta rito."
"Baka hinahanap kamo ang ka-red string sa daan." Sambit ni Raiden at napabuntong hininga na lamang si Auzei at Dain dahil ng kaibigan.
"Sorry talaga, pero mukhang ganun na nga." Sabi ni Auzei at napairap naman sa narinig si Cyon.
At hindi nagkakamali si Raiden sa hula n'ya na kaya naglakad sina Hanz at Aether galing sa dorm hanggang sa school ay dahil binabaybay ni Aether kung saan patungo ang Red string n'ya.
"Tangina naman Aether oh, nauna tayong umalis kina Auzei pero nandun na sila." Sabi ni Hanz kay Aether na naiinip.
"Eto na lang ang chance ko para mabaybay talaga kung nasaan s'ya." Desperadong sagot ni Aether at napabuntong hininga si Hanz.
"Alam mo, support naman kita e, samahan pa kita, pero may ka-meeting kasi tayo Aether. At sa pagkakaalam ko ay may klase pa sila after ng meeting natin." Paliwanag ni Hanz.
Ngunit parang walang naririnig si Aether at patuloy nitong binabaybay ang red string n'ya. Unti-unti na rin n'yang nararamdaman na bumibilis ang tibok ng puso n'ya kaya't napahawak ito kay Hanz. "Hanz, nararamdaman ko na."
Nagulat si Hanz sa higpit ng hawak sa kanya ng kaibigan. 'yung expresyon ng mukha at aura ni Aether kahapon ay muling nakita ni Hanz sa kaibigan, kaya't kinabahan na rin s'ya para sa kaibigan.
"Putang ina, dumating na rin." Ani ni Cyon na nagtataka naman kung bakit hindi pa natunghay si Aether.
"Sorry talaga, mukhang binaybay n'ya yung red string talaga." Sabi na lamang ni Dain.
Pinagmasdan ni Raiden ang ginagawa ni Aether at natatawa ito dahil dahan-dahan itong naglalakad nang nakayuko patungo sa kanila. At dahan-dahan ding tumunghay ito na diretso sa kanya ang tingin.
Hindi makapaniwala si Aether sa kanyang nakikita. Bumitaw na ito kay Hanz at lalong bumilis ang tibok ng puso n'ya. Hindi maintindihan ni Aether ang nangyayari sa kanya, pawang ang naririnig n'ya lang ang bilis ng tibok ng puso n'ya kasabay ng tila mabagal na takbo ng oras sa paligid.
"Nakita ko na." Ani ni Aether sabay humarap sa ka-red string of fate n'ya. "Raiden, ikaw ang ka-red string ko." Hindi makapaniwalang sabi ni Aether.