“Ayaw mo ba kami dito mahal kong kambal? Sungit ah.” Sabi ni Saturn. Ako? Eto magkatabi kami ni Clyde. Pero hindi siya nagsasalita. Nakahawak lang yung kamay niya sa kamay ko pero nasa ilalim ng desk ko. Ano ‘to? Secret relationship? Gad. Ewan ko nga kung ba’t hindi ko maalis-alis yung kamay ko. Malamang Selena, gusto mo yan. 

“Hay nako Saturn, magtigil ka. Hindi ka umuwi kagabi san ka galing?”

 

 

“Oh wag kang epal dyan. Dun ako sa condo ko natulog.”

 

 

“Patago? Mabuti yan Selena at Clyde.” Nagulat naman ako sa sinabi ni Parker. Shet. Nakita ba niya? Nakita ba niyang magkahawak kami ng kamay ni Clyde ngayon?! Pinipilit kong tanggalin yung kamay ni perv pero ayaw niya. Naka poker peys lang. Muntanga talaga.

“Ayan ka nnaman Parker. Anong patago?” tanong ni Jeff

“Wala. Wala. Ge. Alis muna ko.” sabay tayo at labas niya ng room namin. Drug addict ba yun? Seriously, he's too creepy. 

“Hoy Pae! Bukas na yung photoshoot. Bale, bukas lang naman yun eh.” Sabi ni Saturn. No choice na ko. Napa-oo ako ng wala sa oras e.

“Bawal siya. Ako may sabi.” Straight face na sabi ni Clyde.

“Oy pre! Wag kang epal. Project ko yun. Tska, ikaw ba si Pae? Epal!” pang-asar na sabi ni Saturn.

“Kahit na. Bawal nga.”

 

 

“At baket?”

 

 

“Basta. Wala ka na dun. Epal. Wag mo siyang tawaging Pae.”

 

 

“Wala ka na din dun kung gusto ko siyang tawaging Pae. Inggit ka lang e.” sagot naman ni Saturn. Nakakatuwa talaga 'tong dalawa na'to. You can't say if nag-aaway ba sila or what. 

“Wag ka na nga tol. Ep—“

 

 

“Oh awat! Para tapos ang usapan, akin si Selena Pae!” sabi ni Mike.

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon