Chapter 2

1.9K 54 1
                                    


Wala pa naman nag 6pm ay hinatid ko na si Chrom, at nang makarating na kami ay hindi na niya ako hinitay na pagbuksan siya dahil agad na niya itong binuksan at tumakbo.

"Tita Trisha" sigaw niya at agad na niyakap si Trisha, nagulat man siya ay agad na niyakap pabalik si Chrom, nakita ko rin na papalabas na si Chester nagulat siya ng maaga kami ni Chrom ngayon kaya tumango lang ako. 

"Bye Chrom." lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang kaniyang ulo bago tumango ulit kina Trish at Chester bago umalis na doon.

At nang makauwi ako, hindi pa naman ako nakakalabas ng sasakyan ay agad kong hinampas ang manibela at doon umiyak ng umiyak. Ang sakit-sakit bakit ganito?

"Be Gone. Mama" paulit-ulit siyang nagpi-play sa utak ko na parang gustong magsink in pero pilit kong nilalabanan.

Nilabas ko ang dapat na magiging regalo ko sa nalalapit na kaarawan ni Chrom, binuksan ko yung kahon. Isang relo, its Vacheron Constantin Traditionnelle na pinabili ko  sa kapatid ko na nasa Switzerland. At mayroong pangalan na Chrom na nakaukit, hindi man niya ito masusuot ngayon pero alam ko soon masusuot niya ito.

Inabot ako ng isang oras bago bumaba at pumasok sa bahay para makapagpahinga dahil bukas busy na naman ako sa bahay ampunan. Napaupo nalang ako sa sofa habang inaalala ang maikling pag-uusap namin ni Chrom kanina. Maikling pag-uusap pero tagos sa puso ko ang sakit, napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa mesa dahil bigla nalang itong nagring kaya tumayo na ako para sagutin ang tumatawag.

Pagkita ko sa pangalan na nakapaskil sa aking telepono ay nag-alanganin pa akong sagutin ito pero wala din naman akong magagawa dahil kukulitin lang ako nito kaya sinagot ko nalang ito.

"Hello"

"Mama Sofieee" magiliw niyang bati sa akin kaya kahit papaano ay napangiti ako ng batang ito.

"Demitri" tawag ko sa kanya, anak siya ng nakakatandang kapatid kong lalaki. Dahil hiwalay na sila ng asawa niya na ina ni Demi ay halos nasubaybayan ko ang paglaki ng bata. Magkasing edad lang sila ng anak ko pero matanda lang ng ilang buwan si Chrom kay Demi.

Kung maayos lang sana kami ni Chrom siguradong magkakasundo sila netong Demitri na ito, dahil napakabibong bata hindi katulad ni Kuya na sobrang seryoso sa buhay at minsan lang magsaya.

"We're going Mama Sophie and we're going to stay there for good. Can't wait to see you." masayang balita ni Demi sa akin kaya napangiti nalang ako sa kaniya. Maya-maya lang ay nagrerequest ito ng video call kaya inaccept ko ito agad at nakita ko ang masayang mukha ng pamangkin ko.

"Tagalog Demi" biro ko sa kanya kaya napasimangot nalang ito.

"Maalam akong magtagalog Mama, Kuya Stan tought me so that I can speak also understand tagalog. Hmp." napatawa nalang ako ng ngumuso si Demi. Ilang minuto pa kami nagkamustahan sa magkapatid na Demi at Dwune na sobrang kulit at excited ng umuwi dito sa Pilipinas.

Mabuti nalang at no'ng kami na ni Kuya ang magkausap ay hindi siya nagtanong tungkol kay Chrom dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Alam nila ang kalagayan ko ngayon, may kaya naman ang pamilya namin pero dahil sa magkalaban ang Pamilya namin sa Pamilya nina Chester ay ito na ang nangyari ngayon. Ilang beses akong lumaban para lang mabuo kami pero dahil sa mga nangyaring kaguluhan sa pamilya namin ay pinaalis na ako mismo ni Chester sa pamamahay niya dahil sa mga kasinungalingang pinaniwalaan niya na alam kong gawa-gawa lang ng pamilya niya.

Gustong maghigante nina Kuya, pero sinabi kong huwag na. At kahit sabihin nilang the best revenge is success but for me its not. The best revenge is not success, No. The best revenge is not seeking revenge anymore. If you're at peace, and you have won.

I'm not seeking revenge pero I'm not at peace dahil sa anak ko na hanggang ngayon ay galit pa rin sa akin.


Ilang buwan din ang lumipas pero habang dinadalaw ko ang anak ko ay ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Pero habang tumatagal ay lalong lumalala, at binigay ko rin sa kaniya ang regalo ko, tinanggap niya lang pero hindi niya ito binuksan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or malulungkot.

Nandito na rin ang makukulit ko na pamangkin at kahit papaano ay naiibsan ang kalungkutan na mayroon ako ngayon. Hindi man sila nakatira sa bahay ko ay lagi ko naman sila binibisita dahil lagi ako kinukulit ni Demitri at Dwune. At ng lumipas ang gabi ay nandito pa rin ako sa bahay ni Kuya at hindi pa ako umuuwi at ang mga bata ay nandoon sa kusina kinakain ang binake ni yaya nila na cupcakes. Andito ako ngayon sa labas at nagpapahangin habang iniinom ang pineapple juice.

"Kamusta si Chrom?" nagulat ako ng umupo si Kuya sa tabi ko.

"Maayos naman kuya, sobrang talino na bata." nakangiti kong sagot pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

"Pwede mong ipaglaban ang rights mo sa bata Russel. Ina ka ng bata pero iyon lang ang nakukuha mong atensyon? Hindi pwede iyan." yumuko lang ako at napangiti.

"Gusto ko kuya, pero pag inaalala ko na si Chrom ang masasaktan, mas masasaktan ako. Ayaw kong masaktan ang anak ko Kuya." natahimik nalang si kuya sa naging sagot ko, alam kong may gusto pa siyang sabihin pero mas pinili nalang niyang magbuntong hininga.

"Maiba nga ako, bakit hanggang ngayon hindi parin kayo nagf-file ni Chester ng annulment paper. Ni isa sa inyo ay walang nagfile, Russel. Hanggang kailan ka makukulong sa kasal nyo na hanggang ngayon ay wala ng kwenta." wala akong maisagot kay kuya, matagal ko ng gusto magfile ng annulment pero parang ayaw ko pang bitawan si Chester, mahal ko eh nangako kami sa harap ng simbahan. Kahit itong apilyedo nalang niya ang natitira sa akin, hinding hindi ako bibitaw hanggang sa mamatay ako.

"Mahal ko eh." tumingin ako kay kuya at iyan nalang ang naisagot ko sa kanya at malungkot na ngumiti.

Niyakap nalang ako ni kuya at huminga ng malalim habang hinahaplos ang likod ko. Namiss ko ang mga yakap ng kapatid ko, sila lang talaga nakakapagpagaan ng loob ko.

"Magiging maayos din ang lahat Russel, lalaban ka naman di ba?" nahihimigan ko na ang lungkot sa boses ni kuya at alam ko na rin ang kaniyang tinutukoy kaya tumango lang ako.

"Uhm, lalaban pa ako kuya. Lalaban ako." mahinang sabi ko at niyakap ng mahigpit ang kuya ko dahil nagsilabasan na naman ang luha sa aking mga mata.

Lalaban pa ako hangga't kaya po, para sa anak ko. Kailangan ko pang subaybayan ang paglaki niya.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon