Tumango si Raiden, "Naks, gusto ko 'yang sagot mo." He held up a hand which Auzei received. Auzei laughed and smiled at Raiden.
"And you? Naniniwala ka sa Red string of fate?" Pabalik na tanong ni Auzei kay Raiden.
"Maybe yes. Maybe no." Raiden answered safely and inirapan s'ya ni Auzei. Natawa si Raiden sa reasyon ni Auzei. "Kasi may rason kung bakit nangyayari ang mga bagay. Kumbaga, meant to be na mangyari 'to, meant to be na makilala mo s'ya; Isn't that fate? Oo, may choice ka, 'yung choice mo na 'yon, 'yun lang naman ang fate mo."
Raiden explained and Auzei clarified, "So 'yung choice ko ay patungo sa fate ko."
"Nakuha mo." Raiden said and Auzei nodded, still thinking if that's how fate really works.
-
Bago matapos ang klase ay pinabunot muli ng prof sina Raiden para sa partner nila sa Fine Arts Department. Si Auzei ang bumunot para sa kanilang dalawa at napasigaw ito sa saya, "Yown tangina si Aether."
Tiningnan naman ni Auzei ang nabunot ni Dain, "Nice one! Si Hanz!" Nag-apir ang dalawang magkaibigan.
Nakatunganga lang sina Raiden at Cyon sa dalawang nagdiriwang. Nakita naman ni Dain na hindi alam ng dalawang partner nila ang nangyayari. "Kabarkada namin 'to kaya madali na sa'tin." Paliwanag ni Dain.
-
Aether's POV
Nagsimula ang huling klase nila para sa araw na iyon, Philosophy class. At in-explain ng Professor nila ang ginawang activity ng naunang klase sa kanya. Kaya't bumunot si Aether kung sino ang kapartner n'ya sa klase. Nabunot n'ya si Hanz.
"Putang ina ang boring mo naman!" Sambit ni Aether kasi since elementary ay kilala na n'ya si Hanz.
"Malay mo Aether, ako ang kared string mo." Pagbibiro ni Hanz na umani ng malutong na mura mula kay Aether.
"Kadiri, mangilabot ka nga!" Sabi ni Aether at tumawa nang malakas si Hanz sa reaksyon ng kaibigan. "Tangina imbes na tulungan mo akong hanapin kung kanino nakakonekta 'to, dinodog-show mo lang ako, pakyu Hanz."
Muling tiningnan ni Aether ang kanyang red string at nakita n'ya na patungo ito sa labas ng room nila. "Nakikita mo ang iyong red string mo, pero 'yung akin ay hindi. Ang damot mo naman bro!" Sabi ni Hanz.
"Malay ko ba, akin lang nakikita ko eh." Sabi ni Aether na naiinis na kay Hanz dahil buong araw s'yang inaasar nito about sa Red String. "Basta malapit na'to sure ako. Ang dami lang tao kanina talaga, hindi ako makalabas."
"Tweet pa kasi sige." Tinawanan ni Hanz ang mga desisyon ni Aether sa buhay. "Masyado ka kasing open, 'yan tuloy, nababansagan kang uto-uto."
"Tangina mo, salamat sa suporta. Kapag talaga nakita ko 'to, who you ka sa'kin." Sabi ni Aether and Hanz just mocked him.
Nag-dismiss na rin ang prof ni Aether nang mas maaga ng isang oras sa dismissal time. Excited namang lumabas ito ng classroom nang pigilan s'ya ni Hanz. "Pota sandale Aether, parang tanga naman oh."
"Dalian mo kasi!" Sabi ni Aether na nasa pintuan na ng classroom. Sumunod naman si Hanz.
Sinundan ni Aether ang kanyang red string of fate. "Oh putangina!"
Napahampas si Aether sa dibdib ni Hanz. "Ah pota Aether kalmahan mo!"
Tinuro ni Aether kung saan patungo ang kanyang red string. "Ayun nandun sa classroom tangina Hanz."
Dahan-dahan nang naglakad ang dalawa patungo sa classroom. Ramdam na ramdam ni Aether ang kabog ng dibdib n'ya habang palapit nang palapit sa room kung nasan patungo ang red string n'ya.
Pinagmasdan ni Hanz ang mukha ng kanyang best friend. What? Tunay ba talaga 'to? First time n'yang makita ang kaibigan na nasa ganoong estado, na para bang slow-motion lahat at parang walang ibang tao sa paligid.
Sinundan n'ya lang ang kaibigan hanggang sa matapat ito sa pintuan ng classroom ng mga Architecture Students.
Tumingin sina Hanz at Aether sa loob ng classroom since merong glass panel ito para makita ang loob. Nakita n'ya sina Auzei at Dain, sinundan n'ya ang red string n'ya nang biglang magbukas ang pinto.
"Ahy putangina!"
- C.01 -
First chapter published!
Idagdag ko lang, madaming murahang magaganap dito. And first SKZ story ko itong pinublish dito sa Wattpad. So please support mehhh.
As usual, comments and votes are highly appreciated and motivating 😭🥺 Pwede n'yo rin akong bardagulin sa cc/sayout ko. Chz.
Next update ulit!
- E R I
YOU ARE READING
Red String Series : Hide And Seek, The First Story
Teen FictionThe first story of the RED STRING SERIES SeungJin filo twitter au Raiden (KSM) can see people's red strings, yet he cannot see his. He is a Seer. Aether (HHJ),woke up one day, and suddenly saw his red string. And it was connected to Raiden. How wi...
C. 01 - 02
Start from the beginning
