Narrations
Dialogues in Bold Letters
Thoughts in Italic Letters

Dumating ang sunod na araw at hindi nga nagkakamali si Andrius, madaming tao sa CAFAID Department.

"Tsk, sana hindi ako makilala ng mga tao." Bulong ni Cyon kay Raiden na binatukan lang s'ya.

"Bakit ka ba curious sa red string na 'yan? First time 'to ha na nagtatanong ka about d'yan, e since HS pa lang kaklase na kita."

"So ano, nakakakita ka rin ng red strings ganun?" Tanong ni Raiden kay Cyon. Humindi naman si Cyon at nagpatuloy maglakad sa hallway.


Nadaanan nina Raiden ang Fine Arts Department at mas madaming tao rito kesa sa hallway na nag-aabang. Puro pagtatanong ang naririnig ng dalawa tungkol kay Aether.

"Putang ina mga uto-uto sa red string of fate." Ani ng isa sa dalawa na lumabas galing sa classroom.

Nagulat sina Raiden dahil sakto sa unahan nila tumambad ang dalawa dahilan para mabangga ne'to si Cyon.

"Tangina ne'to, tsk, tingin tingin naman sa daan!" Iyamot na sabi ni Cyon. At lalo itong nainis nang makita ang mukha ni Auzei, ang nakasagutan n'ya sa tweet kahapon.

"Ikaw?!" Bansag ng dalawa nang makita nila ang isa't-isa. Nagulat naman si Raiden at nagtaka.

Tiningnan ni Raiden ang hinliliit ng dalawa at nakita na hindi ito connected. Tumingin na rin si Raiden sa hinliliit ng isa at nakita na ang red string ne'to ay connected sa isa sa mga estudyante sa loob ng classroom ng Fine Arts Department.

Nahilo naman si Raiden sa kadamihan ng estudyante sa loob, at sa kadamihan ng red strings na konektado, at hindi konektado. "Okay ka lang?" Tanong ng kasama ni Auzei at tumango naman si Raiden habang nagbabangayan pa rin ang dalawa about sa kung sino ang unang magso-sorry.

Mukhang hindi matatapos mag-away ang mga ito. Kaya kinuha na ni Raiden ang kamay ni Cyon at sinabi, "Sorry nabangga ka namin. Pero uuna na kami sa inyo, malapit na ang klase namin."

Gusto pa sanang makipagtalo ni Auzei at Cyon sa isa't-isa pero tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase.


Sakto namang nakarating sina Raiden at Cyon sa klase nila, "Nice wala pang pro-" banggit ni Cyon na hindi naituloy ang sinasabi dahil nabangga itong muli. Ni Auzie.

"Putang ina, nananadya ka ba?" Sabi ni Cyon na aambangan na ng suntok si Auzei. Agad namang inaawat ito ng kasama ni Auzei.

"Sorry sorry ako na nagso-sorry sa kaibigan ko." Sabi ne’to habang nanood lang si Raiden sa bangayan ng dalawa. Sure bang hindi ito magka-konekta?

Hinabol ni Raiden ang tingin sa red strings ng dalawa na parehas na patungo sa labas ng classroom. Pupunta na sana si Raiden para i-check nang dumating ang professor nila.

-

Nagsimula na ang kanilang Philosophy class at meron agad na pa-social activity ang professor. Kelangan nilang pumili ng isa sa kanilang klase at isa sa klase ng Fine Arts na handle ng parehas na prof, kelangan nilang makipagkilala rito at i-present ang impressions in their own creative ways.

Red String Series : Hide And Seek, The First StoryWhere stories live. Discover now