2

4.1K 100 5
                                    


ISANG linggo na siyang narito sa bagong kumpanya na pinapasukan niya. So far, masasabi niyang nag-eenjoy siya sa trabahong ginagawa niya.

"Good morning!" Masiglang bati niya.

"Hello! Ang sigla natin ngayon ah!" Puna ni Pinky.

"Good morning." Bati naman ni Bea sa kanya habang naglalagay ng facial cream sa mukha.

Noong unang araw na pagpasok niya sa BWI ay si Arianne at Bea ang nadatnan niyang magkasama sa apat na sulok ng opisina na iyon ngunit ngayon ay si Pinky na at si Bea.

Nagkaroon ng bagong arrangement sa AP Team kaya pinalit si Pinky kay Arianne. Si Bea naman ay nanatili roon buhat na rin sa napakadaming papel na hina-handle nito.

"Coffee tayo! My treat." Pag-aayaya niya. Dinukot niya ang wallet mula sa bag.

"Luh? Kahiya naman." Sabi ni Pinky.

"Sarie, okay lang naman kahit hindi na." Ani Bea.

"Okay lang naman.. My treat nga.. Ano? Tara?"

"Nakakahiya, Ms. Sarie. Pero sige na nga..." Natatawang sabi ni Pinky.

"Totoo?" Tanong pa ni Bea.

"Ay wow. Parang hindi ko siya binilhan nung first day ko dito.."

"Taray naman pala.. Mapera pala 'to si Ms. Sarie. Malaki siguro sweldo nito." Tukso ni Pinky sa kanya bago magsuklay ng buhok at mag wisik ng kaunting pabango. "Wait lang, baka may chupapi sa labas.."

Natawa siya sa sinabi nito. Tatlong taon na daw kasi itong single pero ngayon ay naghahanap na ng lovelife.

"Sige na nga.." Pagpayag ni Bea.

Sabay-sabay na nga silang lumabas ng opisina. They still have twenty minutes left before nine. Doon sila bumili sa nag-iisang coffee shop na nasa ibaba ng building.

"What do you want girls?" Tanong niya sa mga ito. Sinulyapan niya ang mga taong nakapila. Dalawa lang naman ang nasa harapan nila kaya siguradong mabilis lang 'yon.

"Wait lang, ano bang masarap dito? Puro sugar lang yata. Hindi ako pumapasok dito."

"Huy, sshh lang." Natatawang saway niya kay Bea. Napatingin tuloy siya sa barista.

Natutop naman nito ang bibig. "Ay.. Soryy sorry... Anong masarap?" Tanong nito sa kanya.

"Iced French Vanilla. Try it. Wait, iced ba?"

"Yes. Iced.. Iyon na lang sakin."

Umabante naman sila nang matapos ang isa sa harap.

"Sa'yo, Pinks?"

"Iced Caramel Macchiato sakin." Sagot ni Pinky.

"Alright."

Nang makaorder ay naupo muna sila roon at nagkwentuhan habang naghihintay.

"Si Attorney Sarichi oh, Ms. Bea." Mahinang sabi ni Pinky kapagkuwan. Nagtatakang lumingon siya sa tinutukoy nito.

"Oo. Nakita ko nga. Ang ganda ng skin color. Bagay na bagay talaga sa kanya tapos tingnan mo ang tangkad niya." Sabi ni Bea.

"Kapag tumabi ka diyan mukha kang langgam. Laging nakatakong.. Ang ganda niya noh, Ms. Sarie?" Baling sa kanya ni Pinky.

"Attorney Sarichi?" Takang tanong naman niya. Pinagmasdan niya ang bagong pasok na babae na may kasamang lalaki. Napakunot-noo siya.

Oh. That gorgeous woman is an attorney. Biglang sumagi sa isip niya ang unang beses na nakita niya ito.

Nilingon siya ni Bea. "Yes. Corporate Lawyer pala siya ng BWI, Sarie."

What Do We Mean To Each Other? (COMPLETED - UNEDITED)Where stories live. Discover now