Natawa siya ng mahina dahil sa sinabi ko ,"Bakit porket ba mayaman ako ,di na ako nagpupunta sa ganitong lugar?"

"Oy hindi naman ,"agad na tanggi ko ,"Di lang ako makapaniwala. Tara na? nakakatakam na yung mga pagkain dito."

Tumango siya kaya bahagya niyang hinawakan ang kamay ko. Tinago ko ang ngiti ko sa kanya dahil baka mapansin niya! Ewan ko kung bakit sa simpleng paghawak lang ni Terrence sa kamay ko ay nakakaramdam ako ng kiliti sa katawan ko na hindi ko alam kung san nanggagaling. Basta ang alam ko habang naghahanap kami ng pwedeng makakainin namin ay gumagaan ang pakiramdam ko.

"Masarap ba?"tanong niya sa akin kaya lumingon ako sa kanya.

"Super ,"I giggled ,"Ang sarap ng kwek kwek!"

Marami pa kaming nasubukan na street food at lahat naman sila ay masarap dahil natikman ko na lahat. Natatawa pa nga ako sa reaksyon ni Terrence dahil may mga streetfood siya na hindi niya pa natitikman at feeling niya pa ay hindi niya makakayanan ang lasa ng ibang streetfood.

Pagkatapos naming libutin ang buong stree food stall ay napagpasyahan na naming umuwi na dahil dahil sa sobrang kasiyahan namin ay di na namin namamalayan na inabutan na kami ng alas onse ng gabi.

"I hope nag enjoy ka kahit papa'no."sabi ni Terrence habang nasa tapat na ako ng unit ko. Nakahawak pa siya sa kamay ko habang nakatitig  sa akin.

I smiled to him ,"I'm really enjoyed. Thank you dahil dinala mo ako sa ganung lugar. Sobrang sarap."

"Mabuti at nagustuhan mo ,"he uttered ,"2nd time lang ako nagpunta doon. Last na punta ko nung 2nd year college pa ako ,ngayon lang naulit."

I bit my lower lip. Ngayon lang pala naulit  nung kasama na niya ako.

"Sige na magpahinga ka na ,"binitiwan nq niya ang kamay ko ,"Masyado ng gabi para mag usap pa tayo...may pasok ka pa baka malate ka pa."

Tumango na ako at bago siya tumalikod sa akin ay nagpaalam na siya sa akin. Nang narinig ko na ang pagsarado ng pinto niya ay bumuntong hininga pa ako bago ko napagpasyahang pumasok na sa condo ko.

Di ko alam bakit kahit sa paghiga ko ay di pa rin mawala wala ang ngiti sa mga labi ko. Dahil ba kay Terrence?

Kinabukasan ay maaga ako nagising kaya nakapagluto pa ako ng breakfast bago umalis ng condo ko. As usual ,pagkalabas ko ng unit ko ay bumungad na sa akin ang pagmumukha ni Terrence sa harapan ko. Naka white uniform siya na may dala dalang bag sa likod.

S'ya palagi ang sumusundo sa akin papuntang Dream High. Nasasanay ako sa kanya kaya pumapayag ako sa gusto n'yang ihatid niya ako. Pero minsan ay mayroon mga taong iba ang tingin saming dalawa. Napapansin ko na pinagbubulungan ako kapag bumababa na ako sa sasakyan ni Terrence. Feeling ko nga may ginawa akong masama sa kanila kaya ganun na lang sila kung maki-chismis sa akin.

"Wag ka na lang kaya lumabas ng kotse?"sabi ko agad kay Terrence habang nakahinto ang sasakyan niya ,"Aalis ka din naman agad kaya mag-istay ka na lang."

Nakita ko na kasi sa harapan ko sina Erich at Vinz na nakatingin sa akin. Namukhaan ata nila ako kaya ganun na lang kung makatitig sa akin! Madali lang ako makilala dahil nasa tabi lang sila ng guard nakatayo!

"Bakit ayaw mo bang bumaba ako sa kotse?"he chuckled softly.

"Hindi naman sa ganon!"umiling ako ,tumingin ako sa dalawa at nakatingin pa rin silang dalawa sa akin. Marahan kong inilapit ang mukha ko sa gilid ng tenga ni Terrence ay may ibinulong don ,"Nandiyan kasi mga kaibigan ko ,nakatingin ang mga mata nila sa akin. Kaya mas mabuting dito ka na lang ,wag ka na bumaba."

Nang sabihin ko yun ay inilayo ko na ang mukha ko at napatingin sa akin si Terrence na parang di niya naintindihan ang mga sinabi ko sa kanya.

"What—"

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now